(Like in the time of Noah)
Maraming tao sa panahong ito ay nabubuhay para MAKASURVIVE SA MUNDONG ITO.
Mga nangangarap ng mga bagay na MAIBIBIGAY NG SANLIBUTAN!
Mas inuuna ang pansariling KALIGAYAHAN, NAGPAPAGAL at GUMAGASTOS para mabuhay araw- araw…
Hindi ko sinasabing masama ang mabuhay para makasurvive pero MASAMA kung AABUSUHIN ng tao ang kalayaan natin at puro SARILI nalang ang PINAGLILINGKURAN.
NAWAWALA o TALAGANG WALA ng pag- ibig sa Diyos at sa kapwa,
Natutuwa ako at pinagpala ang mga EVANGELICALS AT OFW na nananampalataya kahit nasaan sila at naglilingkod sa bayan.
Subalit may ilan sa kanila tulad ng marami ang BUMAGSAK SA KASALANAN.
Ang KASAMAANG kumalat at mga MALING DESISYON na nagresulta ng mga di magandang bunga,
At nagkakalungkot na marami pa ring BULAG SA KATOTOHANAN ay kinakalaban ang LIWANAG NA DALA NG SPIRITU NG KATWIRAN…
Dala na rin ng mga BULAANG RELIHIYON at mga maling gawi ng mga TRADISYON NG TAO.
Kaya nga marami ang NAGMAMATIGAS at MAPAGKUNWARING mga tao,
Makita nawa ng lahat ang mga pangyayari sa paligid na mga PAGHIHIRAP AT TRAHEDYA na parusa at mga senyales ng muling pagbabalik ng Panginoon!
Maraming araw at oras ang NASASAYANG mga paalala at mensaheng BINALEWALA…
Mga taong tinangihan si KRISTO na siyang TUMUBOS at tanging KASAGUTAN.
Hanggang ngayon ay nauulit ang mga pagkakamali noon at tila wala ng pag-asa para makapagbago,
MAIKSI LANG ANG BUHAY kaibigan at wag kang MAGMAYABANG…
Ito ay isang pagtawag at pagising hindi pamimilit hindi rin ito isang pananakot marami na ang NAPAHAMAK AT NAPASA IMPYERNO.
Kapatid magiging ignorante ka ba o ipokrito? Nasaan ang iyong pag-ibig? Sa TAGAPAGLIGTAS BA O SA KAMUNDUANG LILIPAS LANG…
-Baptist Church- Angeles City, Pampanga.
JESUS SAVES!(NEW PHILIPPINES 2010)