Read the comics at
juankomiks.com proudly made by a Cebuano.
Magandang araw Pilipinas at mga ka-Juan!
Ikinalulugod po naming ipinakikilala sa inyo ang JUAN KOMIKS (
juankomiks.com) na maglalaman ng aming orihinal na likha tungkol sa pang-araw-araw na buhay ni Juan at ng mga ordinaryong mga Pinoy na tiyak niyong susubaybayan, kakapulutan ng aral, at sasalamin sa ating mga pagkatao.
Sana po ay magustuhan ninyo ang aming mga gawa at pagsisikapin po namin ang madalas na pagpapalabas ng mga bagong kuwento at likha. Sa ngayon po ay magkakaroon kami ng dalawa hanggang limang kuwento kada Linggo - pero ang plano sa hinaharap ay gawin itong arawan.
Kaya kinukumbinsi po namin kayo na magbigay ng mga komento, tanong, o kahit bayolenteng reaksyon sa bawat komiks na aming inilalabas - at tatanggapin namin bilang mga mungkahi para sa ikakabubuti ng mga gagawing likha para sa hinaharap.
Ang una sa aming serye ay ang "Juan sa Opis" na salamin ng buhay ng mga ordinaryong manggagawang Pinoy.
Una lamang ito sa mga paparating pa na mga serye at mga karakter - kaya panatiliing sumubaybay araw-araw!
Maraming salamat mga ka-Juan at sana po ay inyong tangkilikin!