MANILA – Kumakalat ngayon sa mga social networking sites gaya ng Facebook ang isang kopya ng resolusyon na nagbabawal sa larong DotA sa mga Internet shops sa isang barangay sa Dasmariñas, Cavite.
Nakasaad sa Resolution Number 008-S-2015 ng Barangay Salawag, na pinagtibay noong ika-5 ng Enero, na maaaring patawan ng parusa ang mga Internet shops na mayroong DotA (Defense of the Ancients).
Ayon sa resolusyon, na pinirmahan ng punong barangay na si Enrico Paredes at pitong kagawad, ang larong DotA ay ''naging ugat ng kaguluhan hindi lamang sa loob ng mga computer shop pati na rin sa komunidad at sa pamilya."
Dagdag ng resolusyon, dahil sa larong DotA, ''nagiging bayolente at natututong manloko, magnakaw at di malayong pumatay o mamatay makapaglaro lamang'' ang mga kabataan ng barangay.
Ayon sa resolusyon, nahaharap sa isang buwang suspensyon and computer shop na lalabag sa unang pagkakataon. Para sa ikalawang paglabag, babawiin ang business ng permit ng computer shop, at sa ikatlo naman ay permanenteng isasara ang shop at hindi na bibigyan ng business permit.
source:
DotA ipinagbawal sa isang barangay sa Cavite | ABS-CBN News
Unsa kaha mahitabo ibawal pud ni diri sa ato?
Sugot mo?