BLINDFOLD SUICIDE NG OFW SA RIYADH
naka-blindfold ang mga mata nang tumalon umano mula sa rooftop ng isang gusali ang isang Pinoy sa Riyadh, na ayon sa Philippine Embass*y ay ika-15 kaso na ng suicide ng overseas Filipino worker (OFW) na naitala mula Enero hanggang ngayong Hulyo ng kasalukuyang taon sa nasabing siyudad ng Saudi Arabia.
Kinilala ng mga awtoridad ang nasawi na si Michael Villacojer, isang technician sa Remal al Sawahel.
Base sa ulat, tumalon ang biktima mula sa rooftop ng may tatlong palapag na housing villa noong Hulyo 3 ng umaga. Nalaman na dalawang Saudi nationals ang nakakita nang tumalon sa gusali ang biktima na nakapiring ang mga mata.
“‘Yung kanyang mukha ay medyo deformed na. Unang tingin ko, pangalawang tingin, hindi ko talaga makilala. Bale ‘yung kasama niya sa kwarto, si Jun, ang unang nakakilala dahil sa kanyang jogging pants na suot,” ayon kay Roel dela Rosa, project engineer, at immediate superior ng nasawi.
“Kasi nakikita mo naman ‘yung dingding na pinagtalunan halos five feet ‘yan. At saka imposibleng mahulog ‘yan na aksidente,” dagdag ni Dela Rosa.
Nalaman na ang biktima ay tubong Cebu at may walong buwan pa lamang nagtatrabaho sa Saudi Arabia. Inilarawan siya ng mga kasamahan bilang masipag at matulungin.
“‘Yun lang ang problema sa kanya, tahimik at hindi masyado nagsasalita. Kapag ‘di mo siya kinakausap, ‘di rin siya magsasalita,” ayon sa kanyang roommate na si Jesus Hermita.
Wala naman umanong kaaway ang biktima pero napansin nila ang kakaibang kilos nito isang linggo bago tumalon sa rooftop.
“Isang linggo bag*o ‘yung pangyayaring ‘yun, nagpaalam siya na nagpapalipat siya sa ibang building kasi meron siyang nakikitang mga multo, mga paranormal na hindi naman maipaliwanag ng ibang kasama niya,” paliwanag ni Dela Rosa.
“‘Di na siya kumakain, lagi na siyang balisa. Kapag madaling-araw lagi na siyang gumising,” dagdag naman ni Hermita.
Abante-Tonite Online | Crime