May mga pagkakataon talagang kung sino pa ang higit mong pinagkakatiwalaan ay siya pa ang mismong tatraydor sa’yo.
Ganito ang kinasapitan ng isang mister na sobra ang tiwala sa kanyang bunsong kapatid at inihabilin pa ang kanyang mag-iina rito, ngunit sa huli ay ito pa pala ang sisira ng kanyang pinakaiingatang pamilya matapos niyang mahuling nakikipagtalik sa kanyang asawa sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Magang-maga ang mata at halos hindi maampat sa pagtangis ang mister na itinago sa pangalang Gerard, 38-anyos, seaman, may dalawang anak at residente ng Bagong Silang nang masaksihan ang pagtataksil ng misis na nakilalang si Geraldine, 30-anyos at pananraydor ng kapatid sa ina na si Jonathan Lira, 32-an*yos, walang hanapbuhay, ng parehong lugar, nang makita sa aktong nagtatalik ang dalawa sa kanilang mismong higaan habang ang mga anak ay pinatulog sa sahig ng kanilang silid.


Sa inisyal na imbestigasyon ng Caloocan City Police Sub-Station 3, ganap na alas-11:30 ng gabi nang umuwi ang biktima sa bahay galing sa biyahe sa ibang lugar. Nakatakda pa sana siyang umuwi sa susunod na buwan ngunit napaaga para sorpresahin ang asawa’t anak.


Hindi niya alam na siya pala ang labis na masosorpresa sa kanyang madadatnan na noong una ay inakala niya pang ibang lalaki ang kasama ng kanyang misis sa kama.


Hindi na nakagalaw at natulala na lamang sa pagkakabigla ang biktima at nang mahimasmasan ay nagpasyang magreklamo sa pulisya.


Nang magkaharap-harap ay pilit na sinasabi ng misis ng biktima na unang pagkakataon lamang umano na nangyari ito sa kanila, ngunit ang sabi naman ng kanyang bunsong kapatid ay siya umano ang ama ng bunsong anak nila.

Abante News Online :: Philippines | Local News