Results 1 to 2 of 2
  1. #1

    Default Translate tagalog poem into English? Please help :(



    Im supposed to write a paper about this, but first I need to fully comprehend what each stanza means. Please help!!! It doesnt have to be specific, just the meaning per stanza

    PAG-IBIG
    Jose corazon de Jesus
    American Period
    Isangna aklat na maputi, ang isinusulat: Luha!
    Kaya wala kang mabasa kahit isa mang talata;
    Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata;
    Tumanda ka't nagkauban, hindi mo pa maunawa.
    Ang Pag-ibig, isipan mo, pag inisip, nasa-puso!
    Pag pinuso, nasa-isip, kaya't hindi mo makuro.
    Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo'y naglalaho;
    Layuan mo at kay-lungkot, nanaghoy ang pagsuyo!

    Ang pag-ibig na dakila aayaw nang matagalan,
    Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman.
    Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
    At ang ilog kung bumaha, tandaan mo't minsan lamang!

    Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa't walang matagalan,
    Parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman
    Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang na halikan,
    At ang ilog kung bumaba, tandaan mo't minsan lamang!

    Ang pag-ibig na buko pa'y nakikinig pa sa aral,
    Tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw,
    Nguni't kapag nag-alab na pati mundo'y nalimutan
    Iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin mo't puso lamang!

    Kapag ikaw'y umuurong sa sakuna't sa panganib
    Ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip:
    Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig:
    Pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit!

    Ang pag-ibig ay mata, ang pag-ibig ay di bulag;
    Ang marunong na umibig, bawa't sugat ay bulaklak:
    Ang pag-ibig ay masakim at aayaw ng kabiyak;
    O wala na kahit ano, o ibigay mo ang lahat!

    "Ako'y hindi makasulat at ang Nanay nakabantay!"
    Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minahal!
    Nguni't kapag sumulat na sa ibabaw man ng hukay,
    Minamahal ka na niya nang higit sa kanyang buhay!
    Kayong mga kabataang pag-ibig ang ninanais,
    Kayong mga paruparong sa ilawan lumigid,
    Kapag kayo'y umibig na, hahanapin ang panganib,
    At ang pakpak ninyo'y masusunog sa pag-ibig!

  2. #2
    igoogle mo friend, hehee. hasolaaa aning tagalog ue.

  3.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. please help me how to connect my two computer for myDSL
    By rayfloydcabrera in forum Computer Hardware
    Replies: 13
    Last Post: 11-10-2013, 08:40 PM
  2. Unsaon pag translate into English ang DUKOT ??
    By cdromero in forum Food & Dining
    Replies: 27
    Last Post: 09-03-2011, 03:14 PM
  3. bisaya translation please help
    By benicio in forum General Discussions
    Replies: 15
    Last Post: 01-08-2010, 01:54 AM
  4. Please Help me!
    By SeventhSlave in forum Music & Radio
    Replies: 13
    Last Post: 09-05-2005, 01:12 AM
  5. Please HELP!
    By oliver_g0110 in forum Software & Games (Old)
    Replies: 4
    Last Post: 08-26-2005, 09:50 PM

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top