Raisy Tandoc, a Filipina who was used for Woman Trafficking needs our help!!!!!!
-----------------------------------------------------------------------------------------
Si Ginang Raisy Tandoc, dalawampu’t apat na taong gulang, isang Filipina, at may kakulangan sa pag-iisip. Noong nakaraang Agosto, taong 2011, siya ay pansamantalang iniwan ng kanyang asawa sa pag-aaruga ng kanyang mga kamag-anak sa Maynila. Ito ay napagdesisyunan na mas makabubuti sa kanya na may umaruga habang ang kanyang asawa ay nasa ibang bansa upang mgtrabaho. Ang sitwasyong iyon ay naging mahirap kay Raisy na tanggapin at unawain.Sa panahong iyon, si Raisy ay madalas naiiwang mag-isa sa kanilang bahay habang ang mga kamag-anak ay abalang nagbabantay sa kanilang negosyo. Nagkaroon ng pagkakataon na siya ay aksidenteng nakausap si Lieutenant Colonel Darin Scott Morris ng Marine Corps sa Estados Unidos. Ang pag-uusap na yun ay humatong sa madalas na pakikipag-usap sa chat. Ginamit ni Morris ang kanyang impluwensya para ma-engganyo si Raisy na kalabanin ang kanyang asawa at umalis ng Pilipinas kasama siya. Ang pag-uusap na ito nadiskubre nila ng makita nila ito sa “conversation logs” na nakuha nila habang siya ay nawawala.
Si Ginang Tandoc, bagaman nasa tamang edad na, siya naman ay hindi nasa wastong pag-iisip at hindi kumikilos nang naaayon sa kanyang edad. Sa kadahilanang malungkot at naguguluhan si Raisy sa nangyaring paglisan ng kanyang asawa, siya ay madaling napasunod at naimpluwensiyahan sa mga ninais at mga balak ni Lt. Col. Morris sa kanya.
Sa loob ng ilang lingo, walang nalalaman ang pamilyang pinag-iwanan sa kanya ng kanyang asawa na si Ginang Tandoc ay isinama ni Lt. Col. Morris at umalis sa Pilipinas upang gawing “sex slave” o ibang salita, siya ay ginamit sa prostitusyon. Ang karamdaman na mayroon sa pag-uutak si Raisy ay tinatawag na Borderline Personality Disorder, ito ay humahantong sa posibleng mapanganib na pagkuha sa pag-uugali na nagiging sanhi ng pag-akit at pang-aabuso sa mga biktima na kung saan sa ibang taong nasa normal na kalagayan at nasa ganung sitwasyon ay tatanggi. Ito ay pinagplanuhang mabuti ni Lt. Col. Morris na kapag nailayo nya si Raisy sa mga taong pumo-protekta at nag-aaruga sa kanya, ito ay susunod sa lahat ng anumang kanyang naisin.
Bilang isang Amerikano, dahil sa kanyang katungkulan sa trabaho at mga koneksyon, si Lt. Col. Morris ay malakas ang loob at kampante na siya ay mapo-protektahan sa kasong pangangalunya at pamimilit (adultery and coercion). Si Lt. Col. Morris ay balak na ituloy ang kanyang mga plano kay Ginang Tandoc, na kung saan siya ay wala sa wastong pag-iisip. Isinama siya ni Morris sa iba’t ibang bansa sa Timog Silangang Asya, sa panahong si Morris ay nanunungkulan bilang marino ng Estados Unidos.
Ginamit nya si Raisy sa “sexual trafficking.” Ginamit nya ang lahat ng knyang koneksyon para mapatunayan ang kanyang palusot na pino-protektahan lamang nya si Raisy laban sa kanyang asawa. Si Morris ay kasalukuyang nasa Fresno, California pinipilit si Raisy na magsampa ng VAWA charges laban sa asawa nya para madaling makakuha ng Greencard at makapagpatuloy sa kanyang mga balak para kay Raisy.
Si Ginang Tandoc ay bata pa, masasabi ring kaakit-akit at dahil sa kanyang kondisyon, siya ay madaling mapaniwala sa maraming bagay. Ito ang naging dahilan kung bakit siya ay pinpuntirya ng maraming kalalakihan na may hindi tamang intensyon. Kahit na may pinagdadaanan ang pamilya, sila ay laging nakaalalay at nakagabay sa kanya. Ang mga taong nakararanas ng Borderline Personality Disorder ay tinaguriang “serial-accusers,” maaring madalas nakakalusot sa problema dahil sila ay madaling paniwalaan at pinaniniwalaan o pinaninindigan din ang kanilang sarili, kung kaya’t madalas na nagdurusa sa kanilang mga ginagawang hindi tama ay ang mga taong nag-aaruga sa kanila. Sa ganitong kalagayan, nararapat na ang mga nakaka-alam sa kalagayan ni Raisy ay unawain siya, intindihin at alamin ang kanyang mga kinikilos na kaduda-duda, nararapat isaalang-alang na ito ay hindi niya kagustuhan kungdi siya ay naimpluwensiyahan lamang. Samantala, si Lt. Col. Morris, ang kanyang mga kasamahan at mga abugado na sinamantala ang kalagayan ni Raisy, ay dapat managutan sapagkat sila ay nakapanghamak, nagmamatigas sa pagkakamali at mga duwag.
Ang pamilya at asawa ni Raisy ay humihiling ng tulong sa gobyerno ng Pilipinas na mabigyan siya ang atensyong sikolohikal at ma-imbistegahan ang kaso ayon sa testimonya ng testigo at nasasaad sa mga dokumento sa kanyang pag-alis ng bansa.
Sa aming paniniwala, si Lt. Col. Darin Scott Morris ay nang-abuso, nangalunya (committed adultery) sa isang Filipina na may problema sa pag-iisip. Kami ay humihiling na ang mga kinauukulan ay tumulong na siya ay mabigyang atensyon at maibalik sa kanyang pamilya.
Ellah at Jorge Tandoc,
Kirl, Cirus, Emma at Artemio Beltran
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Here are some of her photos:



----------------------------------------------------------------------------------
you can visit these sites and spread the news.
We won't let things happen to any of our co-filipinos.
http://RescueRaisy.org
https://twitter.com/#!/RescueRaisy
http://www.facebook.com/pages/Rescue-Raisy/225268697594589
LET'S SUPPORT HER GUYS!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!