Soul winning ministry sa Internet sa Cellphone.
(Sa modernong panahon malaki na ang impluwensya ng computer at cellphone sa tao, kung saan dumarami ang gumagamit nito at dumaraming populasyon sa internet.)
I know hindi nawawalan ng kabuluhan ang pagpapagal at paglilingkod sa Panginoon kung saan ka mang nilagay na ministeryo ng Panginoon o kung saan man mas Masaya kang nakakapaglingkod sa Kanya kung ano pa man ang mabigat na rason.
Ang bawat nagtatanim ng binhi ay nagbubunga sa takdang panahon ayon sa panahon at plano ng Diyos… ang Panginoon ay Siyang gumagawa sa puso ng tao kung saan man naipapangaral ang ebanghelyo sa Internet man o sa Cellphone.
Lalo na sa pag-abot sa mga kababayan natin ang mga ofw at mga nagtatrabaho na mas maraming oras sa pagamit sa computer sa opisina man o sa bahay…
I urge my fellow brother and sisters in Christ na bigyan halaga ang ganitong ministeryo BILANG BAHAGI NG MISYON na mabigyan ng halaga ang ganito ring ministeryo at pagkakataong makapagbahagi,
Dahil sa tamang panahon ang Diyos mismo ang magdadala sa isang taong yun kung saan Siya… sa kanyang pagtanggap sa ebanghelyo at katotohanan sa iglesiang malapit sa Kanya na magkaroon din naman ng IMPACT SA BUHAY NG IBA ang salitang naipapangaral sa personal man o sa internet.
Mga oportunidad ng binigay ng Panginoon upang hindi nating ito sayangin at sila rin naman ay makapagbahagi… lahat tayo sama sama sa paglilingkod, sa pag-aaral sa Salita ng Diyos at sa Pananalangin na mahalaga sa buhay Kristiano.
At tunay ngang natutuwa ako lalo na sa mga kapatid nating ofw sa magandang feedback, mga ENCOURAGEMENT AND BLESSINGS SA KANILA.
My Personal Testimony…
Nag-aral ako ng kolehiyo at nag graduate 2 yrs. Assoc. sa kursong Computer Science and I know God has plan for that para gamitin ko hindi lang sa trabaho o personal na profession kundi sa tawag ng Panginoon na maglingkod man saan mang parte ng buhay ko.
Nagtrabaho ako for almost 3yrs. Na volunteer sa Internet ng Shop ng aking mabuting Tita… kaka graduate ko lang noon ng kolehiyo at nabigyan ako ng pagkakataon para makapaglingkod sa iba at makapagbahagi rin naman sa internet world.
Sa YM, FRIENDSTER, PINOY RELIGION FORUM, FB, YAHOO NEWS COMMENTS… at nakapagbahagi sa marami pang kaluluwa na naliligaw ng landas at sabik sa Salita ng Panginoon and I find it successful because of the LORD’S POWER AND GRACE… and I am thankful and blessed at hindi ko ito pinagsisisihan dahil nabigyan ng kabuluhan ang buhay ko kahit sa panahong ako ay busy sa pag mamanage ng internet.
Pero di rin naman mawawala ang stress at depression, o mga ginagamit ni satanas upang pigilin ang pangangaral at atakihin ang mga lingkod ng Diyos, mga kulto, extreme atheist, racist, skeptics at mga taong pilosopo na nagmamagaling lang ang alam.
Pero sa biyaya ng Panginoon ako ay nagpatuloy at hindi sumuko di man ako perpekto at masakalanang naligtas rin sa biyaya ng Panginoon… alam kong hindi ko maabot lahat pero ang mahalaga nakapagtanim ako at nagtatanim tayo ng mahahalagang binhi.
Sa mga tinawag at pinili ng Diyos ayon na rin sa pananampalataya bago pa likhain ang sanlibutan SILANG DUMIRINIG SA SALITA NG PANGINOONG DIYOS AY MAPALAD,
Hindi kailanman nawawalan ng kabuluhan ang pangangaral rito maging yung mga MABUBUTING PRINSIPYO AT PAGLILINGKOD SA KAPWA na dakila ang maglingkod at maging lingkod…
Ang ikaliligtas at ikababago ng tao sa ikabubuti ng bawat isa “Patuloy ko itong gagawin bilang natatanging ministeryo para sa Panginoon na binigay Niya…”
Sinabi ni Hesus: “Ang atin ay hindi laban sa atin”
Note: Hindi ko binabaliwa ang personal na pangangaral o testimonya pero ito ay suporta at pwedeng gawin o ipagsamang misyon sa available na oras o base sa profession lung saan ka man mas maraming oras para makapaglingkod… TO GOD BE THE GLORY!
-James307 (Baptist Net Minister)
PHILIPPINES BAPTIST EVANGELICAL.
JESUS SAVES!
PILIPINAS PARA SA PAGBABAGO 2012.