Hi im 21 years old, and I have a girlfriend now she is 18 years old young.
Nov. 13, 2010, nakilala ko ang babae minahal ko ngayon, nakilala ko lang siya sa facebook, ng hingi ako ng number sa kanya at lage ko siya tinatawagan since that day. After 2 days niligawan ko siya thru phone at sinagot naman niya ako. Masaya ako that time, pero hindi ko pa masabi mahal ko na talaga siya ang sakin lang Masaya ako pag kausap ko siya, halos araw2x na ako tumawag sa kanya, kasi nasa city ako that time nag aaral at siya naman doon lang sa probinsya naming, pero magkaiba yong barangay naming. After 2 weeks nahuhulog na loob ko sa kanya kasi subra malambing din siya sakin. Pero wala pa kami time na magkita nag chat lang kami sa YM. Kahit hindi pa kami nag kita pero naramdaman ko na kung gaano ko siya ka mahal Masaya naman kami noon.
Dumating ang time na nakipaghiwalay na siya sakin, ako naman hindi pumayag kasi mahal ko na siya. Sinabi niya hindi daw siya deserving sa pagmamal ko at inamin niya hindi lang daw ako ang boyfriend niya. Imbis na magalit ako sa ginawa niya naisip ko muna mag tanung about her past kasi alam ko may dahilan kung bakit siya nagging playgirl. Inamin nya lahat sakin na nabigo daw siya sa una niya minahal noon at ngayoon hindi na daw siya dapat magtitiwala sa mga lalaki. She asked me for apologize, pinatawad ko siya kasi naintindihan ko siya at sinabi niya magbago na daw siya. Pero hindi parin kami nagkikita that time. Tuloy parin ang pagmamahalan namin.
Dec 27 1010 hindi ko makalimotan yun nag pasa siya ng quotes sakin ang sabi doon mamahalin kita hanggang katapusan, midyo na touch ako doon. pag press down ko may nakalagay katapusan ng taon.
Tinawagan ko siya that time, nag uusap kami Masaya naman after 1 hour naming kwentohan, sinabi na naman niya maghihiwalay nalang daw kami. Payag man ako o hindi basta boo na daw decision niya. Nagtatanong ako sa kanya anu mali ko bakit gawin niya yon, at nakikiusap ako na hindi ko kaya maghiwalay kami. Pero wala ako nagawa kasi ayaw na daw niya. Subra sakit hindi ako makatolog ng buo gabi noon panahon na yon. Pero tuloy parin communication namin, at hanggang Jan 01 2011 pumayag siya magkabalikan kami. Minahal ko parin siya kahit alam ko hindi siya nag bago at alam ko may ibang BF parin siya kasi minsan na wrong send siya sakin. ang iniisip ko lang anu dapat ko gawin para mabago ko buhay niya kasi naisip ko kawawa naman siya, kasi siya lang kawawa sa huli.
March 11, 2011 yon ang una naming pagkikita na hindi naman sinasadya. Nakilala ko siya dahil nga nakita ko siya sa cam at picture niya sa fb. Agad nilapitan ko at tinanung ko sa kanya “Momie ikaw bayan?” ang sagut naman niya “huh, I don’t know you?” oh its hurts, sinabi ko sa kanya alam ko ikaw to bakit hindi ka nag text na pumunta ka dito. Napansin ko hindi siya napakali at bigla niya hinawakan ang kamay ko at sinabi tayo na. habang nasa sasakyan kami tinanung ko siya ulit kung bakit hindi niya sinabi sakin. ang sabi niya may bonding lang sila ng mga friends niya at bawal daw mag dala ng boyfriend. Kaya inintindi ko nalang siya, at hinatid ko siya sa mga friends niya. Mga l0:30 ng gabi nag txt siya sakin na nasa discohan sila at pinuntahan ko ka agad. Gusto ko maki join sa kanila pero sabi niya hindi pumayag yong mga kaibigan niya kaya nakiusap ako labas nalang kami at sumama naman siya sakin dinala ko siya sa bording house ko, nag usap kami at wala ng yari masama kasi malaki respite ko sa kanya at isa pa lasing siya ayaw ko pagsamantalaan yon. March 13 nag kita kami ulit whole night kami nag sama kasi kinabukasan uuwi na siya. Pero ganun parin wala ngyari inamin naman niya hindi pa siya nagalaw ng lalaki kaya malaki respito ko sa kanya.
May 8, 2011 yun pangalawa naming pagkikita 2 weeks kami halos gabi2x mag meet. Hanggang sa hindi namin sinasadya may ng yari sa amin. After that doon ko napansin nagbago siya nag palit siya ng sim at iniiwasan na niya mga barkada niya. At mas lalo ko siya minahal pero hindi parin naming maiwasan may kunti tampuhan at un agad siya makipaghiwalay pero hindi ko pinansin yon dahil alam ko sag alit lang niya yun. Pero noon strict to one na siya sakin dun na nag bagu ugali nya madali na siya magalit kahit kunti tampohgan lang pinalaki na niya.
Ngayun nag work na ako long distance relationship na kami. July niya inamin na buntis siya. Super excited ako noon na makakita ang una anak ko. Kasu hindi pa siya handa at pinalaglag niya yon takot siya malaman ng parents niya. Ako naman nagalit sa kanya sinabi ko sa kanya kaya ko naman panindigan yon at harapin ang mga magulang niya. Pero huli na ang lahat sinabi ko sa kanya sana noon hindi pa ako umalis diyan sinabi na niya ka agad para makausap ko parents niya. Kinalimutan nalang naming yong ngyari at pinatawad ko nalang siya. Mula noon umalis ako halos araw2x ko siya makakausap. Wala naman nag bago mahal na mahal ko parin siya at hindi ako gumawa ng makasira sa relasyon namin.
Noon Oct. 29 umuwi ako at nagsama kami from Oct 30- Nov.2, nag rent lang kami ng room. ok lang naman ang pagsama naming Masaya kami parang feel ko na nga mag asawa na kami. Pagbalik ko sa work, ganun parin pag may time tinawagan ko siya. Pero yun minsan diko siya ma contact noon anniversary namin late na nga siya bumati sakin diko siya ma contact noon nov. 15. Dahil sinabi niya sira na daw phone niya, maki insirt nalang daw siya. Tapos ganun parin masungit parin siya sakin at one time nagkipag cool off siya sakin dahil need lang daw niya ng space between samin dalawa. Tinanung ko siya kung bakit, ang sabi niya hindi niya alam kong mahal pa ba niya ako o hindi naguguluhan daw siya at naawa siya sakin dahil lage daw niya ako pinapahirapan. Sinabi niya sakin na pag time na tumawag ako masasakal daw siya pero kung hindi naman mamimiss daw niya ako. Pero hindi ako pumayag sa gusto niya kasi mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya mawala siya sakin at noon dec 03 fiesta sa baranggay nila umuwi siya doon tumawag ako sa kanya pero para nag bagu siya at sinabi na niya wag na daw ako mag pa ka marter at wag na daw ako makipagpilitan sa kanya. At bagu kami siya nag sabi sakin ng ganon inamin niya nagkita sila ng ex niya.
Nagugulohan ako ngayon, makipag break siya ako ang hindi pumayag sabi niya nasakin daw yon hindi daw niya sinabi mag sacrifice ako at yong mga msg nya pangako sakin meaningless daw yon.
Diko na alam anu gagawin ko. Ganun lang ba kadali yon para sa kanya? Ngayon diko siya ma contact pero kagabi tumawag siya tinanong ko nakipaghiwalay ka sakin bakit kappa tumawag? Sabi niya saying daw ang free call niya. di ko alam kong ipaglaban ko pa ba to o susuko nalang ako. Mahal na mahal ko talaga siya sana mag ka ayos pa kami, anu kaya dapat ko gawin?