Ang tunay na paniniwalang Kristiano:
I. May Isang Diyos na lumalang, Siya ay Spiritu, Banal at Makapangyarihan, marunong sa lahat na nasa lahat ng dako, siya eternal at Kanyang plinlano lahat ayon sa Kanyang kalooban. (Mga Awit 14:1, Juan 4:24, Roma 1:18-25)
II. Ang Bibliya na Salita ng Diyos na mensahe niya sa mga nilalang magmula sa bayang Israel na Kanyang pinili hanggang sa mga mananampalataya, ito ay pagkain ng Spiritu at karunungan mula sa Diyos ayon din sa Kasaysayan. (Marcos 13:31, 2 Kay Timoteo 3:15-17, Hebreo 4:12)
III. Ang Diyos na may Tatlong Persona- Ang Ama, Anak at Spiritu Santo na ang Ama na siyang lumikha ang Anak na siyang nagligtas at ang Spiritu Santo na nananahan sa mga tunay na Kristiano. (Mateo 1:19, Mga Taga-Filipos 2:6-10, 1 Juan 5:5-
IV. Pananampalataya upang maligtas sa biyaya ng Diyos, hindi sa pamamagitan ng gawa pagka't hindi kayang iligtas ng tao ang kanyang sarili at siya ay hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos liban na lamang na siya ay maging malinis at maligtas sa pamamagitan ni Hesus Kristo. (Juan 3:16, Epeso 2:8-9)
V. Ang Buhay na walang hanggan sa Langit na pangako ng Diyos sa lahat ng tunay na tumanggap, na sila ay maghahari at makakasama niya sa paraiso kung nasaan ang mga Anghel, gintong hindi nasisira na kung saan wala ng paghihirap at pagluha pa. (Juan 1:12, Mga Taga-Efeso 1:13, Kay Tito 1:2)
VI. Ang Langit at Impyerno na uuwian ng ating kaluluwa kung mananampalataya ka ni Hesus sa Langit subalit sa mga hindi sumampalataya sa Impyerno ang babagsakan at ang parusa ayon sa kanilang mga ginawa na pang walang hanggan. (Juan 14:2, Pahayag 20:15)
VII. Ang Bautismo sa Spiritu at Tubig na ang Bautismo sa Spiritu nung tangappin mo si Hesus ay ikaw ay nahugasan at sa tubig bilang pagsunod sa kalooban ng Diyos at pagpapahayag mo bilang isang miyembro ng Iglesia. (Juan 1:29-34, Mga gawa 8:37-38, Kay Tito 3:5)
VIII. Ang Banal na Hapunan sa pagunita sa kamatayan ni Hesus na ang tinapay simbolo ng Kanyang Katawan at ang Saro na simbolo ng Kanyang Dugo na ganapin ayon sa tinuro niya na ang gaganap nito ay matuwid sa harapan niya. (Lucas 22:7-22, 1 Mga Taga-Corinto 11:17-34)
XI. Ang Iglesia na si Kristo ang ulo na ang katawan ay ang mga Mananampalataya ni Hesus na nagtitipon upang sumamba at makasama ang mga kapatiran. (Mga Taga-Efeso 5:23, Mga Taga-Colosas 1:18, Pahayag 22:16)
X. Ang Mission upang akayin ang mga naliligaw ng landas patungo kay Hesus ang pagpapalaganap ng Kanyang Salita at pag tatayo ng Iglesia sa lahat ng dako. (Roma 1:14-17)
XI. Disiplina sa loob ng Iglesia na dapat na maipakita sa lahat bilang pastor, mangangawa, miyembro ayon sa Kabanalan na nasusulat sa Bibliya at upang maging liwanag sa iba. (1 Mga Taga-Corinto 5:1-5)
XII. Ikalawang pagbabalik ni Kristo na magaganap sa lalong madaling panahon kasama ng mga tanda at ayon sa propesiya, na kanyang hahatulan ang mga di sumampalataya para parusahan ayon sa kanilang mga kasalanan na ikalawang kamatayan na magpakailanman, gantimpalaan ang mga tapat at upang makasama ang mga mananampalataya sa paraiso habang buhay. (1 Mga Taga-Tesalonica 4:13-18, Pahayag 20:1-6).