Ako rani nabasahan from a book, then share nalang nako diri.....
To further explain the qualities of infatuation, here it's seven major signs:
1. )The Axe-Effect
Sikat ang mga commercials ng AXE cologne sa buong mundo. Ang mensahe nito: Mababaliw at mahuhumaling ang mga babae sa mga lalaking gumagamit nito. Dahil sa bango ng AXE, nawawala sa sarili nilang bait ang mga babae at susundan kahit sa kailaliman ng dagat ang Adonis na gumagamit ng mala-gayumang pabango. Pagdating sa pag-ibig, kalimitang nakatuon sa pisikal ang mga nakararamdam ng infatuation. Hindi lang sa amoy, kundi higit sa nakikita. Infatuation focuses on the physical traits. Nagugustuhan dahil sa dimples, maputing balat, kasingkitan ng mga mata (lalo na sa mga nahuhumaling sa mga Korean boy bands), mapuputing ngipin o kaya ay dahil mala-Mark Herras sumayaw.
Nagustuhan nga mga infatuated ang isang tao dahil sa kanyang piling mga katangian. Pero dahil walang taong perpekto, makakakita sila nga ikadidismaya. Kabilang sila sa UY. . . AY Group. Sa mga boys: "UY ang ganda niya . . . Ay may body odor pala!" Sa mga girls: "UY ang cute niya . . . AY bad breath pala." Matapos makita ang kahinaan at masamang katangian ng nagugustuhan, nawawala ang paghangang nararamdaman.
2.) The Kisap-Mata Complex
Infatuation starts and ends fast. Why? Kasi nagbabago ang nararamdaman ng mga infatuated ayon sa kondisyon ng emosyon nila. Sa simula, napakatindi ng spark ng pag-ibig. Laging may stars sa mata. Tatawirin ang isanlibong kabundukan, mapasaya lang ang minamahal. Magtatalun ang mga hormones sa katawan at kayang ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal niya ang kanyang partner. Pero matapos ang ilang araw o linggo, lubos na nakilala ang iniirog. Sasabihin sa sarili: "Hindi na siya ang dating nagustohan ko. Nagbago na siya." Ang resulta:
Ayawan na! Ayawan na! Ayawan na! Parang isang batang nakikipaglaro at kapag naasar uuwi ng bahay. Ang mga infatuated, kapag hindi na nagi-enjoy, unti-unting mawawala ang interest sa relasyon.
3.) The Crazy-for-You Syndrome
Infatuation can make a person disorganized, distracted and ineffective. Sabog ang isip mo. Kapag infatuated ka kasi, halos lahat ng tingnan mo, feeling mo naroon siya. Tumingin ka sa langit, mukha niya ang makikita mo sa ulap. Kumain ka sa canteen, ngiti niya ang nakikita mo sa ulap. Kumain ka sa canteen, ngitin iya ang nakikita mo sa pinggan mo. Hanggang sa kalye, mukha niya ang naaninag mo sa billboards at posters. In short, hibang na hibang ka. Hindi mo na iniintindi ang mga nasa paligid. Ang mahalaga sa iyo ay lagi kang masaya. 
4.) Just-The-Two-of-Us Feeling
Infatuated people often isolate themselves from others. Umiikot ang buhay ng magkasintahan sa kanilang dalawa lamang. Walang makapag hihiwalay sa kanila. Kahit saan mag punta, laging magkasama at HHWWPSSP (Holding Hands While Walking Pa-Sway-Sway pa) - sa school, sa mall, sa park, sa pag bili sa tindahan, kahit minsan sa pagpunta sa CR. They tend to lose interest in things that used to motivate them. Binitiwan na kasi nila ang dating pinagkakaabalahan at nakatuon na lamang sa karelasyon. Hindi na napapansin at nabibigyan ng sapat na atensyon ang mga ibang mahal sa buhay. Kung dati-rati'y laging present sa mga family affairs, ngayon kailangan pang itanong sa BF/GF kung pwede siyang sumama. Dahil meron ng beloved, hindi na rin madalas sumasama sa activities ng dating kabarkada.
5.) The Need-You-Here Sickness
Kung peke ang pag-ibig, madali itong mawala kapag magkalayo ang mag-partner. Mababaw ang pundasyon ng relasyon dahil nakatuon sa pisikal na aspeto. Kapag hindi na nakikita, nahahawakan o nakakausap ang partner, unti-unting manlalamig ang damdamin hanggang sa mawalan na ng interes. Pero ang tunay na pagmamahal ay hindi kayang patayin ng distansya. Kahit ilang taon pa kayong hindi nagkita, kung talagang tunay ang inyong nararamdaman, gagawin ninyo ang lahat para mapanatili ang pagtingin ninyo sa isa't isa.
6.) "Kung-Ayaw-Mo, Huwag-Mo" Problem
Madaling nasisra ang relasyon ng mga infatuatedsa mga simpleng away at tampuha. Dahil laging may LQ (Lover's Quarrel), unti-unting natutuyo ang damdamin. Nag aaway dahil hindi magkasundo ang damdamin. Nag-aaway dahil hindi magka sundo sa maliliit na bagay (e.g hindi tinext, hindi nagustuhan ang gupit ng isa o nakalimutang magsabi ng "I Love You"). Ang mga hindi pagkakaunawaan ay dahil sa pagiging self-centered. Sa isip ng bawat isa: ako muna bago ikaw! Hindi rin maiwasan na makapagbitiw ng masasakit na salita. Pagkatapos ng away, parang mga batang magbabati. Pero sa halip na mapa-tibay ang relasyon, unti-unting nanlalamig ang damdamin sa bawat isa. Ang laging pag-aaway ay tanda ng lumalaking lamat sa relasyon. Kung gusto nang makipag-break ng isa sa kanila, no big deal.
7.) Akin-Ka-Lang Attitude
May pagka-possessive ang mga infatuated. Ayaw na ayaw na mawala sa paningin nila ang kanilang partner. Jealousy becomes part of the relationship. Natatakot kasi na mabaling ang atensyon ng partner sa iba. Parang sinasabi sa ka-partner: "Gusto ko lumigaya ka, pero huwag ka nang titingin sa iba. Kailangan ako lang sa buhay mo." Hindi lang tao ang pinagseselosan. Kahit ang mga bagay o gawain na umaagaw ng atensyon ng partner, pinagdidiskitahan din.
Ikaw istoryan, asa ka perme maigo?
Source: Lovestruck (Love mo Siya, sure ka ba?) by R. Molmisa