KUMIRIRING ang telepono nang madaling > araw....
"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, ang yung katiwala niyo sabahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Bakit napatawag ka? May problema ba?"
Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na namatay ang alaganiyong parrot."
"Yung parrot kong si Pikoy, patay? Yung nanalo sa bird show?"
Opo, Master Carlos, yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko sa ibong yon.Hay, buhay! Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang nagpakain sa kanyang bulok na karne?"
"W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, yun pung mga thoroughbred horses niyo, Sir. Namatay po kasi lahatsila sa pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng tubbbiiiiggggg?"
"Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman yang pinagsasasabi mo?"
"Yun pong halos tumupok sa bahay niyo.... Tumumba po yung isangnakasinding kandila, tapos nagliyab yung kurtina at mabilis na kumalatang apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa bahay-bakasyunan, a.Para saan yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay nyo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito nung isang gabi,walang kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po magnanakaw.Binaril ko."
tsk tsk!!!