Dear Sir Ted Failon,
Nangangamba na po kami sa mga nangyayari dito sa amin.Sa kalapit po naming
barangay ay may isang batang 3 anyos ang sinasabi daw nila ay may pyrokinesis o abilidad na gumawa
ng apoy sa pamamagitan ng pagtingin lamang.Nagsimula po ito noong isang linggo,nagkaroon ng
sunod-sunod na sunog sa bahay ng nasabing bata,tinuturo nya lang ang direksyon ng mangyayaring sunog
at mismong magaganap ang sunog,sabi ng bata gawa daw ito ng mga itim na dwende na marahil ay di
sinasadyang nagalit ng pamilya nila.Mahirap ipaliwanag pero nagdesisyon ang pamilya na ipabinyag ang
bata sa IFI Church noong Feb.25,2011 dito sa san pedro,subalit ang nangyari'y nasunog ang
picture ng isang pari doon.Pumunta rin dito ang isang pari mula sa talisay,bacolod at sinubukang
tulungan ang bata pero noong March 2 lamang ay nasunog ang jacket ng pari.Kahit mismo ang mayor ng
san jose si Mayor Molina ay nakasaksi dito.Sir Ted,bagamat malayo ang bahay namin sa kanila ay
nakatira malapit na malapit doon ang ang pamilya ng uncle ko,hindi namin maalis sa isip namin ang
pangamba at takot na baka madamay na rin sa sunog ang kamag-anak namin,sapagkat ngayon ang mga puno
malapit sa bahay ay nasusunog na rin.Naaawa na rin ako sa pamilya ng bata dahil marami na sa
kanilang ari-arian ang nasusunog.Tulungan nyo po kami,malaki po ang tiwala namin sa inyo.
More
power and god bless to your show sir ted.