"Ang sakit lang pag nag-effort ka sa isang bagay tas hindi naman pinapansin. Parangwalalang. Paminsan-minsan lang ako nag-eeffort sa buhay dahil sensitive ako, mahina ang loob ko. Kaya once nag-effort na ako, ibig sabihin nun, I WANT SOMETHING/SOMEONE SO BAD. Tapos may mga tao pang hindi marunong mag-appreciate, lalo niyo lang akong pinapahina. Well, siguro mali nga ang magpapaapekto, but the world would be a better place if may mga taong marunong magpahalaga. Isang malaking tulong na yon sa mga taong katulad ko. Oo, maswerte ka, dahil once in a blue moon ko lang ito ginagawa. Kaya sana wag mo ng baliwalain pa itong mga ginagawa ko!"