SUMMARY UPDATE ABOUT ME 2010 (Continuation based on the thread TRUTH ABOUT ME)
Not to be biased… konting info patungkod sa akin… on more specific social life.
First of all gusto ko munang malaman mo ang konting personal info about sa akin.
I am James, 22 Yrs. Old at naninirahan sa Angeles City, isang pure Kapampangan,
Graduate ako ng College 2yrs. Assoc. Computer Science at isa akong Baptist (Born again Christian.)
Simple lang ako at mabait na kaibigan, totoong tao at easy to approach basta PM ka lang.
matangkad ako at slim, katamtaman ang kulay at isang mabuting mamamayan ng Pilipinas...
I love to study everything about life and history.
i love my freedom and my rights- to decide and act according to my choice,
i want to enjoy life because it is too short...
at magkaroon ako ng purpose at plano sa buhay ko.
I hate mayayabang at mga ma pride na tao pati yung bastos at di marunong rumispeto.
i believe in karma at hindi ako nag iilusyon para abutin ang hindi ko kaya,
sa mga ayaw sa akin hindi ko pinipilit ang sarili ko.
Marami na akong nakilalang tao at nakasama, mahilig akong mag forum at mamasyal.
70% ng life ko ay nakabase rin sa pananampalataya ko at paniniwala,
kuntento na ako sa meron ako at balanse sa buhay (hindi ko ina- isolate ang sarili ko
at ayokong magkaroon ng regrets sa mga nasayang na chances at opportunidad.)
Masaya ako sa buhay ko at nakahanda na kung kukunin na ako.
ang mahalaga ay makapanglingkod ako sa Kanya at sa kapwa ko,
kaya kung sino ka man magpakatotoo ka! at gawin mo ang tama...
wag kang susuko sa buhay normal lang ang mga problema at pagsubok para tumibay ka.
FORUM MESSAGE:
Hindi nawawalang KABULUHAN ang bawat araw at oras na sabihin kung anong KATOTOHANAN, na para sa iba ay kamangmangan dahil sa kawalan ng pag- unawa.
Hindi ako kailanman MAGSASAWA at TITIGIL upang ipangaral at ibahagi ang SALITA NG DIYOS!
Walang halaga sa akin ang PANGHUHUSGA at PAGBIBINTANG sa akin ng ibang tao na hindi nakakakilala sa akin ni walang ebidensya sa kanilang mga paratang.
INIWAN ko at SINAKRIPISYO ang lahat para sa PANGINOONG DIYOS, kaya walang silbi sa akin ang sariling kapurihan o anumang personal na interest…
Marami lang tao sa PILIPINAS na mas KAILANGAN ito at hindi pa naabot para SAYANGIN lang para asahan n asana maniwala sila.
In God’s Time alam ko walang IMPOSSIBLE sa Kanya at hindi ako NAMIMILIT ng tao na manhid ang puso at masama ang ugali.
Hindi ko SINISERYOSO at TANGA lang ang pumapatol sa pambabastos at pamemersonal ng iba.
Tapos babaliktarin pa nila at ako ang papalitawin na MALI o MASAMA… imbis na makipagdiskusyon ng MAHINAHON at MAAYOS!
Yan ang gawa ng DIABLO at ang mga DISPERADONG TAO, Ang magmarunong at magpapansin lang kahit ano anong sabihin na labas sa topic at non- sense.
In respect to others ito ay para sa mga gumagawa nito at nasapul na hindi marunong MAHIYA at MAY KAKULANGAN SA PAG- IISIP.
Ayaw kung magturo at sana- sana man lang MAGISING NA SA KATOTOHANAN ang mga taong ito, pero kung hindi man okey lang itutuloy ko lang ang Pangangaral.
Ang paglilingkod ko sa DIYOS at para sa aking KAPWA tulad ng mga TUNAY NA KRISTIANONG MANGANGARAL, MGA BAYANI at MABUBUTING INDIBIDUAL na nag- alay ng BUHAY, ORAS at KAYAMANAN para sa iba…
Hindi ito kailanman MABABALEWALA at Sila’y GAGANTIMPALAAN at hindi MALILIMUTAN kailanman, sila ay nahanap ang TUNAY NA KASIYAHAN sa BUHAY at mamamatay na PAYAPA hanggang sa HULING HANTUNGAN.
MENSAHE SA AKING MINAMAHAL NA BAYAN:
This is my life! This is my fight! And victory is of the Lord and Christians… No retreat- No surrender…” –Simpleman21
Ako’y mangangaral para sa Panginoong Diyos, Ako’y hindi titigil hangga’t nabubuhay, hanggang may mga taong dapat abutin at dalhin sa Kanya.
Alam ko na may mga nagagalit at naiirita sa akin pero ang Diyos lang ang susundin ko at sasambahin, silang mga hindi tumanggap ay bulag sa katotohanan!
Silang mapangawa ng masama ay sa ama nilang Diablo na maging mga propeta at apostol ay pinatay ng kanilang mga ninuno dahil sa pananampalataya at pagtayo sa tama ng mga banal at pinili ng Diyos ayon sa pananalig…
At narito nakikita natin ang iba’t ibang uri ng panunuya, pagbibintang at paninira sa Diyos at sa kanyang Salita.
Sinasabi ko ito hindi dahil sa relihiyon kundi dahil ito ang dapat malaman ng tao sa mundo.
Sila na nasa kadiliman ay maliwanagan at sila na naliligaw ng landas ay maitama ang tinatahak na landas…
Wag mong isiping marunong ka o tao pagka’t ang pagmamataas, pagmamakasarili at katampalasanan mo ang magdadala sa iyo sa pagkawasak.
“Iyong pinapuputi ang labas pero marumi ang nasa loob mo…” sabi ng Panginoon, ang gulo ng iyong buhay dahil sa kung ano anong pantasya at pagkukunwar ang iyong pinapasok sa isipan at ginagawa!
Sinasara mo ang iyong mga mata upang di makakita, at iyong tinatakpan ang tenga upang di makarinig, pinagmamatigas mo ang iyong puso na parang bato.
Sinong magsasabi kung walang magsasabi? Paano mo malalaman kung hindi mo aalamin? At paano mo tatanggappin ang di mo naman pinaniniwalaan?
O tao wala kang idadahilan sa Diyos at sa Salita Niya ikaw ay hahatulan… si Hesus ang kaligtasan at kailangan mo… may pag-asa pa…
Masdan si Satanas at ang kanyang mga tagasunod, ang mga di sumampalataya at nagsisi at ang kaharian ng kadiliman ay babagsak at ibubulid sila sa lawa ng apoy sa impyerno magpakailanman.
Salamat sa pagbabasa at Godspeed!
(Global Net Ministry to Internet Evangelism Philippines) 2010
August 6, 2010/3:33PM- A.C. Pampanga Philippines.
For Inspirational Poem visit:
If Jesus Came to Your House
By: James307
(Baptist Net Preacher)