By Melchor Melgar (The Philippine Star) Updated June 05, 2010 12:00 AM
MANILA, Philippines - Dear Shalani,
Who would’ve thought noong una mong dinate si Noynoy, na sa 2010, magiging presidente ng Pilipinas ang mamang yan?
Not me, not Tita Cory — at aminin mo, not you. Para kang nakapulot ng piso sa bangketa at pag-uwi mo sa boarding house ay na-realize mong gold pala ang hawak mo. How lucky.
Siguro kaya kita gusto. Hindi ka parang iba diyan. May mga naghahanap lang ng presidentiable para pakasalan. Ayan, hindi nanalo. May mga papalit-palit lang ng partner. Ay, kamusta nga pala si Loren?
Na-trauma na kasi ako ng karanasan ko sa babae. Nandiyan pa si GMA, si Miriam, si Jamby. Sabi sakin ng tatay ko, “Mamili ka ng mabuting ina.” Eh kung nakita ko lang si Mikey at Dato, hindi ko na pinagnasaan si Gloria nung bise pa siya.
Pero Miss Shalani, iba ka. Minsan iniisip ko kung may pagasa pa ako sa yo. As my best friend Jhozza told me, “lowve tH@t wE c@n nO+ huaVE !z thE 0wN3 th@t las+ ThE longEzt, hurtS the DE3p3sT And F33lS the Ü• xD Ü• Ztr0Ng3st LolZ.”
Naiintindihan mo ba yun? Hindi? Ako rin e. But that is love. Love is not to be understood by common man. And I am a common man. You are a common woman.
So good luck na lang sa pinasukan mong not-so-common life. Magingat ka sa mga sipsip. Pag inalok ka ni Loren na maging running-mate sa 2016, just say no! Pag in-offer ka ng $20M ni Romulo Neri para kumbinsihin si Noy na kailangan natin ng National Broadband Network, well… basta may balato ako.
And thinking of the best interest of the Philippines, sana nga magkatuluyan kayo ni Noynoy. At the end of the day, after signing hundreds of papers, give Noy’s hand a break. Alam naman natin ang nangyayari pag walang *** life ang isang presidente. Nagiging cranky, irritable… dinedate si Mike Defensor.
Ngayon, kung — kung — hindi kayo meant-to-be, magingat ka na lang kay Kris. Hindi siya magaling mag-goodbye. Sasabihin niya, “Aminin mo, Shalani, ibang level ang saya dito sa Malacañang!” NR ka lang. Learn from Ruffa Gutierrez.
Anyway, nandito lang naman ako, isang Melchor Melgar, na naghihintay at hindi nawawalan ng pagasa. Kung kaya ng dalawang ordinaryong tao ang kapangyarihan ng Malacañang, siguro ang kapangyarihan ay nasa ordinaryong tao lamang. And after all, kung napa-oo ka ni Noy, siguradong hindi malayo na mapa-oo rin kita.
Nagmamahal,
Kuya Melchor
Dear Ate Shalani... | The Philippine Star >> Lifestyle Features >> Supreme
===========
So hilarious.
Its indeed "More women suffers eye damage than men..." LOL