Kabayan,
Kumusta na ang buhay mo sa ngayon?
Ilang taon ka na bang nagtratrabaho?
Nabawasan na ba ang mga utang mo o nadagdagan pang lalo?
May naipon ka na ba sa ilang taon mong pinaghirapan o walang natitira sa kinikita mo buwan buwan?
Hanggang kailan mo balak magtrabaho? May maiipon ka bang pera para sa iyong kinabukasan? Pinaghahandaan mo ba ito?
Nasa sitwasyon ka ba na di mo alam kung paano mo aayusin ang pamamalakad ng iyong pananalapi? O di mo alam kung paano mo kokontrolin ang pag gastos kahit mag kanda utang ka na? O marami ka nang salapi pero di mo alam kung paano ito hawakan ng maayos?
Kabayan, kung nasa ganito kang sitwasyon, ibig kitang imbitahan sa isang
LIBRENG SEMINAR TUNGKOL SA PERSONAL FINANCIAL PLANNING.
Ituturo dito ang pagkakaiba ng pagpapakahirap natin para sa pagkita ng pera sa perang nagtratrabaho o kumikita ng kusa para sa atin (working hard for the money vs money working hard for you). Ituturo din dito ang mga paraan para tayo makalaya sa paghihirap sa pananalapi (Financial Independence)
Sabi nga, pumupunta tayo sa Doktor para malaman natin ang problema o tulong para sa kalusugan, sa Abugado, kung tungkol sa Batas o sa Pari o Pastor para sa ating ispiritwal na pangangailangan. Pero sa pamamalakad ng ating pananalapi, alam ba natin kung sino ang dapat lapitan?
Eto Kaibigan ang maaaring matagal mo nang hinahanap na tulong!
Bakit namin ito ginagawa?... May nag-imbita din sa amin noong una... Nakinig rin kami sa seminar na katuld nito, natuto at ginagawa na kung ano man ang aming natutuhan. At ibig rin naming ibahagi kung ano man ang natutuhan. Sigurado akong hindi ka manghihinayang sa oras na ilalaan mo para dito.
Para sa kadagdagang impormasyon tumawag/magtext sa
09228624975
o mag-email sa
rmcbiz888_solutions@yahoo.com