NG MATAPOS ANG LAHAT
( simula ng katapusan )
Page 1
Lahat ay nagsimula pagkatapos kong magsign out. Nanginig ang aking laman, tumigas ang aking panga at sumakit ang ulo ko, parang nawalan ako ng hangin sa aking katawan. At bigla kong namalayan ang luha sa aking mga mata. Sinubukan kong sampalin ang aking pisngi baka sakaling nananaginip ako, pero wala akong maramdaman na sakit, manhid ang buo kong katawan pero iniinda ko ang sakit sa aking kalooban…bigla ko na lang nabanngit na “wala na siya”.Habang pabalik ako sa kwarto, naglalakad ako ng hindi ko alam ang direksyon na pupuntahan ko, at patuloy na bumabalik sa isip ko ang mga salitang nabasa ko na “hindi na kita mahal” na para bang latigong humahagipit sa likod ko habang akoy naglalakad at patuloy na bumibigat ang aking pakiramdam na parang malaking batong may tinik na nakapasan sa aking likod at pakiramdam ko na akoy gumagapang sa nagbabagang uling. Pagbalik ko sa kwarto, naghanda ng mainit na sabaw ang kasama ko, humigop ako, khit sobrang init hindi ko maramdaman ang init ang lasa ng kinakain ko, pero ang lamig sa aking puso ay tila namumuo na hindi ko magawang painitin.Nagpapanggap akona ayos lang ang lahat, dahil ayokong Makita ng ibang tao at malaman nila ang nangyari, subalit gustong sumabog ang aking dibdib, pilit kong pinaglalabanan ang lahat, Habang kumukuha ako ng damit sa cabinet, nakita ko ang dati naming litrato, masaya at puno ng pagmamahal, bigala akong nanlambot na at lalong bumigat ang dinadala ko, subalit kailangan kong tanngapin na sa tapos na lahat at ang litratong yun ang magsisilbing alaala, kaya itinaob ko ang litrato para maiwasan kong Makita. Mabuti na lang nagyayang uminum ang kasama ko, bawat lagok ng gin hindi ko malasahan kaya sunod sunod ko itong ininum hanggang sa makatulog ako, ngunit patuloy akong hinahagupit habang bumabalik sa isip ko ang mga salitang “hindi na kita mahal” na gumigising sa aking pagtulog, pilit ko pa rin iniisip na panaginip lang ang lahat. Subalit hindi talaga dahil ramdam ko ang sakit ng aking puso kahit na nagmamanhid ang aking katawan. Wala akong magawa kundi patuloy na indahin ang sakit, Di ko magawang magtanong na “bakit?” dahil mas lalo akong hahagipin ng sakit ng kanyang isasagot, tinanung ko ang diyos, “bakit naman po ganun ang nangyari?hindi naman po ako masamang tao, madami naman pwedeng paraan na turuan niyo ako, bakit po yung buhay ko pa kinuha niyo?”nakaramdam ako ng tampo sa kanya, naramdaman ko na unfair ang diyos. Ngunit ito yung krus na pinasan niya sa akin kaya kailangan kong tanggapin yun, kaya bago ko ipikit muli ang aking mata sinabi ko sa kanya na “baka pwede naman po huwag nyo na akong hayaan magising…
Ipagpapatuloy
Any comment or suggestion email me…theend_thisis@yahoo.com
Just want same people to listen to me, share this huh…