Juan 3:16 (Ang Salita ng Diyos)
16Ito ay sapagkat sa ganitong paraan inibig ng Diyos ang sanlibutan kaya ipinagkaloob niya ang kaniyang bugtong na Anak upang ang sinumang sumampalataya sa kaniya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Mga Taga-Efeso 2:8-9 (Ang Salita ng Diyos)
8Ito ay sapagkat sa biyaya kayo naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito ay hindi sa inyong sarili, ito ay kaloob ng Diyos.
9Ito ay hindi dahil sa gawa upang hindi magmalaki ang sinuman.
Kay Tito 1:2 (Ang Salita ng Diyos)
2Mayroon akong buhay na walang hanggan na nakabatay sa pag-asa. Ito ay ipinangako na ng Diyos na hindi makapagsisinungaling, bago pa sa pasimula ng panahon.