PINOY WEAKEST LINK
Host: What "N"(narra) is the Nat'l tree of the Phils?
Contestant: niyog?
Host: Mas matigas pa diyan
Contestant: (in a strong-sounding voice) NIYOG!!!
============
Host: Saang "B" (bagumbayan) binaril si Jose Rizal?
Contestant: sa Back?
Host: O sige, pwede rin na ang simula ay letter "L" (luneta)
Contestant: Likod?
Host: hindi pa rin. Para mas madali, "R.P." ang initials ng
Modern name niya (Rizal park)
Contestant: Rear Part? (susme!likod pa rin yun!!)
============ =
Host: Saang "B" (beach) tayo Madalas pumunta pag summer
upang maligo?
Contestant: Banyo?
Host: Hinde,pag pumunta ka dun, maaarawan ka.
Contestant: Bubong?
Host: Hinde, marami kang makikita duong mga babaeng
Naka-bikini.
Contestant: BEERHOUSE!
============ =
Host: Anong "L" (Lifeguard)ang tawag sa tao na sumasagip sa
iyo pag ikaw ay nalulunod?
Contestant: Lifebuoy?
Host: Hindi, pero kahawig nga ng pangalan ng sabon ang
pangalan ng taong ito
Contestant : Safeguard?
Host:Hindi, pagsamahin mo yung dalawang sagot mo.
Contestant: Safe Buoy?
Host: Hindi siya "boy" at matipuno nga ang kaniyang katawan.
Contestant: Si MR. CLEAN!
==========
Host: Anong "S" (salbabida) ang ginagamit na Floatation
device sa dagat upang hindi ka malunod?
Contestant: Sirena?
Host: Hinde! Hindi ito babae.
Contestant: Siyokoy?
Host: Hindi ito Lalake.
Contestant: Siyoke?
===========
H: What "S" (sampaguita) is the nat'l flower of the Phils?
C: Sunflower?
H: Hindi. Binebenta ito sa Kalye.
C: Stork?
H: Hindi. Bulaklak sabi eh.
C: Sitsarong bulaklak?
H: Hindi pa rin. It ends with a letter "A"
C: Sitsarong bulaklak na may sukA?
H: O, para madali, uulitin ko ang clues at dadagdagan ko pa!
Ano ang pangalan ng bulaklak na nagsisimula sa "S",
nagtatapos sa letrang "A" at kapangalan ng isang sikat na
singer?!
C: si..Sharon CunetA!
===========
H: Sino ang kauna-unahang Chess Grandmaster of Asia? ( EUGENE
TORRE)
C: Carole KING?
H: hindi, mas mababa sa king
C: Al QUINN?
H: hindi, tagalog ang apelyido niya.
C: armida siguion-REYNA?
H: Hindi pa rin. Mas mababa sa reyna.
C: BISHOP bacani?
H: mas mababa sa bishop.
C: Johnny midNIGHT?
H: mas mababa sa Knight
C: Jerry PONS?
H: O ayan ha, nabanggit mo na lahat ng Piyesa sa Chess.
Yung kahuli-hulihang piyesa na lang.
C: Sylvia laTORRE!
============ ===
Host: Sino ang national hero na naka-picture sa 500peso
bill? Clue: may initials na N.A. (Ninoy Aquino)
Contestant: N-ora A-unor?
Host: Hindi.Ang pangalan niya ay nage-end sa "Y".
Contestant: guY A-unor?
Host: Hindi. Dati siyang Senador.
Contestant:Si Former Senator Guy Aunor?
Host: Hindi. Patay na siya.
Contestant: ANO?!! PATAY NA SI NORA AUNOR

!!!
At dito po nagtatapos mga kaibigan ang weakest link pinoy
style, dahil nag-amok na ang host sa kunsumisyon!