just wanna share sa gisuwat sa akong migo niadtong gibusted sya sa iyang gipanguyaban hehe..

nahan siguro mga girls ani
hindi ako magseselos sa kanyang mga ex unless may dapat pagselosan.
hindi ko sya pagbabawalang makipagkaibigan sa lalaki.
hindi ko sya babansagan ng kahit na anong mushy-ng pangalan. hindi ko keri yon.
hindi ko pakikialaman ang personal nyang buhay unless gusto nya akong makialam.
hindi ako makikialam sa mga online accounts nya para ipamukha sa mundong posessive ako't inaari ko na sya.
hindi ko sya kukulitin kung ayaw nyang pagusapan ang isang bagay.
hindi ko sya tutulugan sa telepono. (hahaha!)
hindi na ako magbabarubal. pipilitin kong maging gentleman at ituturing syang isang babae.
hindi ko sasabihing maganda ang gupit nya kung napapangitan naman talaga ako.
hindi ako magkukuripot. minsan.
hindi ako magbibitbit ng bag nya. ambakla tingnan. may sarili naman syang balikat.
hindi ako magsasabi ng "i love you" araw-araw. tatagalugin ko minsan. o kaya bisaya. o kapampangan. sasabihin ko yung sa iba't ibang paraan.
hindi ko sya sasaktan nang pisikalan. i'm a gentle person.
hindi ko sya aasarin kapag may regla sya.
hindi ako makikipagsabayan ng badtrip kapag may di pagkakaunawaan.
hindi ako magiging pda.
hindi ko sya pagbabawalang makisama sa mga kaibigan nya.
hindi ko sya pagbabawalang uminom.
hindi ko sya pagbabawalang gawin ang mga bagay na ginagawa na nya bago pa man nya ako makilala. hindi nya ako tatay.
hindi ko sya ite-text o tatawagan kung may problema sya. pupuntahan ko sya.
hindi ako mangangako kung hindi ako siguradong matutupad ko.
hindi ako male-late sa date. mag-aaral na akong gumamit ng relos.
hindi ko sya ite-text maya't maya upang malaman nyang naliligo ako, kumakain, tumatae o nanonood ng doraemon. hindi sya plurk.
hindi ako gagamit ng excessive na "PO" at letrang "H"sa text. smiley pwede pa.
hindi rin ako makikipag-textmate sa ibang babae.
hindi ko na kalilimutang maligo at least isang beses sa isang araw.
hindi ako mapapagod na maghatid at magsundo. basta sagot nya ang pamasahe.