Page 1 of 4 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 34
  1. #1

    Default Top 20 signs of a Pinoy flick


    Top 20 signs of a Pinoy flick

    So how would you know that you are watching a Pinoy movie?

    Here are the “Top 20 Signs” according to a reader who didn’t identify him/herself (thanks to you!):

    1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.

    2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.

    3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng “Inaaayyyy!!!” at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.

    4. Kapag may magkaribal na babae, ‘yung mabait derecho ang buhok at may bangs. ‘Yung salbahe, laging kulot.

    5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.

    6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.

    7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.

    8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).

    9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, “Mga bata.”

    10. ‘Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at ‘yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, “Kuyaaa!” Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.

    11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.

    12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, “Hayop ka!”

    13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.

    14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.

    15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.

    16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.

    17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, “Mga inutil!”

    18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.

    19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.

    20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.

  2. #2
    hahaha sakto jud kau..

  3. #3
    that's pinoy style!!! hahaha!

  4. #4
    di jud ma lalis hehe

  5. #5
    e add sad ni boss..

    - Ni-rape ang kapatid ng bida o pinatay ang kamag-anak n'ya (nanay, tatay, ate, kuya, kinakapatid, kabiyak, syota, kulasisi, anak, pinsan, tiyo, tiya, lolo, lola, ninong, ninang, apo sa tuhod, apo sa talampakan, ninuno).

    - Isa sa mga eksena e babastusin ang bida, o ang syota n'ya ng mga nag-iinumang istambay.

    - Magkakagulo sa isang okasyon (kaarawan, kasal, binyag, burol).
    - Pag narinig mong tumawa ang isang character ng "bwahahahaha," automatic, kontrabida 'yon.

    - Pag may gagawing masama, tumatawa ang kontrabida. Kahit habang nanggagahasa.

    - Smoker at mabisyo ang kontrabida.

    - Mahilig sa leather jacket ang kontrabida. Kahit buwan ng Abril at tanghaling tapat.

    - Ang structure ng mga kalaban: Ang Boss at ang kanyang "mga bata."

    - Ang kuta ng mga kalaban e sa warehouse o malaking bahay.

    - Lagi ding may eksena sa isang beer house.

  6. #6
    hahaha... ive only read this sa isang website... funny jd kau...

    Mao na ang giingon na "TATAK PINOY!!!" hahaha...

  7. #7
    mao ni ang pinaka the best bai!!!!!!!!.......AWAHI PERMI ANG PULIS...hehehehehe

  8. #8
    ahhahha..lingaw...

  9. #9
    hahahahaha! nalingaw ko ani dah! reminds me of the days when we still had black&white tv...lol im sure naa gihapon ni nga mga eksena karon..

  10. #10
    pin0y style gud....
    hahaha...
    mkalag0t asahay...

  11.    Advertisement

Page 1 of 4 123 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Top 20 Signs of Stress
    By weemall in forum General Discussions
    Replies: 33
    Last Post: 07-29-2011, 05:04 PM
  2. Top 10 signs that s/he is a keeper
    By blade101 in forum Relationships (Old)
    Replies: 41
    Last Post: 06-20-2009, 10:08 AM
  3. Cebu City shut out of Top 20 list
    By samsungster in forum Politics & Current Events
    Replies: 29
    Last Post: 03-01-2006, 08:39 AM
  4. Top 20 Poorest Countries (updated)
    By samsungster in forum Politics & Current Events
    Replies: 40
    Last Post: 09-22-2005, 08:24 AM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top