Results 1 to 3 of 3
  1. #1

    Default Radio Program ni Manay Letty


    >Dear manay Letty
    >
    > May ihihingi akong payo sa iyo kaya sana mabigyan mo ako ng magandang
    > sagot sa problema ko. Simple lang naman eh. Naguguluhan lang kasi ako. Ang
    > fish ball ba ay bayag ng isda?
    >
    > O sige hanggang sa muli!
    >
    > Doc Trina
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Doc Trina,
    >
    > Napaghahalata sa tanong mo na isa kang malaswang babae, at wala kang
    > nasasa-isip kung hindi mga itlog ng lalake. Malamang isa kang pokpok.
    >
    > Gayun pa man ay sasagutin ko ang iyong katanungan, dahil mukhang
    > tatanga-@#%$ ka talaga. Para sa iyong kaalaman, ang fish ball ay hindi
    > bayag ng isda.
    >
    > Sana ay naliwanagan ka sa aking sagot, at aasahan ko ang iyong muling
    > pagsulat.
    >
    > Para sa iyo, Doc Trina:
    > Y.E.M.E.N. - Yugyugan Every Morning, Every Night.Nagmamahal forever,
    >
    > Manay Letty
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Manay Letty,
    >
    > Isa akong 38-years old na babae, single at mayaman. Pagkatapos ng mahabang
    > panahong tigang, may nanliligaw ulit sa akin ngayon, si Romy.
    >
    > Mukha naman siyang mabait pero hindi ko siya masyadong gusto dahil, uhm,
    > pangit siya. Ngunit sa edad kong ito, nais ko na sanang makapag-asawa, at
    > baka si Romy na ang last chance ko. Ano ang aking dapat gawin?
    >
    > Jogalyn
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Jogalyn,
    >
    > Huwag ka nang mag-inarte at sigurado akong hindi ka naman kagandahan.
    > Pangalan mo pa lang jologs na jologs na. Magpasalamat ka na lang at may
    > gusto pang pumatol sa 'yo kahit guranggutan ka na. Anyway, hindi mo dapat
    > isipin na si Romy na ang last chance mo para lumagay sa tahimik, Jogalyn.
    > Dahil hindi ka naman papakasalan nun, pera mo lang ang habol niya at
    > iiwanan ka din balang-araw. Huwag ka nang mag-ilusyon na makapag-aasawa ka
    > pa at dapat ngayon pa lang ay tanggapin mo na na tatanda kang dalaga
    > habangbuhay.
    >
    > Sana ay napaligaya ka ng aking tugon sa iyong problema.
    >
    > Para sa iyo, Jogalyn:
    > B.A.L.I.W.A. G. - Beauty And Love I Will Always Give.
    >
    > Nagmamahal forever,
    >
    > Manay Letty
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Manay Letty,
    >
    > Isa akong gwapong chickboy at dalawa ang aking girlfriends. Minsan ay
    > nagkasabay sila sa isang lugar di ko kasi alam. Tuloy inaaway nila ako
    > ngayon at gusto ng makipag-break. Kaya nga kailangan ko ang iyong tulong.
    >
    > Edgar
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Edgar,
    >
    > Walang kwenta ang liham mo kaya ayokong sagutin. Huwag ka ng susulat ulit
    > dito at inaaksaya mo lang ang panahon ko, leche ka.
    >
    > Edgar, dahil ang sabi mo ay gwapo ka, at mahilig si Manay Letty sa gwapo,
    > ito ang para sa iyo:
    >
    > P.H.I.L.I.P. P.I.N.E.S. - Pumping Hot...I Love It! Please, Please...I Need
    > Erotic Stimulation!
    >
    > Nagmamahal forever,
    > Manay Letty
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Manay Letty,
    >
    > Nais kong ikuwento sa inyo ang namagitan sa amin ng aking itay isang gabi.
    > Hindi ko kayang makalimutan kahit anong bahagi ng gabing iyon. Malakas ang
    > ulan noon. Katatapos ko pa lamang maligo at nakatapis pa lamang ako sa
    > loob ng aking kuwarto.
    >
    > Narinig ko si Itay na kumakatok sa aking pinto. Nang sagutin ko ang pinto
    > ay sinabi niya na kailangan daw naming magusap. Pinapasok ko naman po siya
    > dahil ama ko po siya. Nagulat na lamang ako nang isarado at ikinandado
    > niya ang pinto.
    >
    > Hinawakan ni Itay ang braso ko. Napasigaw ako, sabi ko "ITAY huwag, anak
    > mo ako!". Ngunit hindi tumigil ang aking Itay. Ipinagpatuloy niya ang
    > kanyang ginawa. Pumikit na lamang ako dahil sa ayaw kong makita ang mukha
    > nang aking tatay sa kababuyan na kanyang ginagawa. Naririnig ko si Inay na
    > binubulabog ang pinto. Sumisigaw na, "Hayop ka wag mong gawin yan sa anak
    > mo!" Ngunit wala pa rin. Ipinaubaya ko na lamang ang sarili ko sa Diyos.
    >
    > Pagkalagpas ng ilang sandali ay natapos din ang aking Itay. Nang humarap
    > ako sa salamin ay nagulat ako sa aking nakita.
    >
    > Magaling naman pala mag-make-up si Itay. Noong gabi na iyon ay nagladlad
    > ng kapa si Itay. Natuwa ako at mahusay ang kanyang ginawa. Naisip ko na
    > matutuwa ang aking boyfriend dahil sa ganda ko. Nagyakapan kami doon at
    > nag-iyakan. Masaya na kami ngayon at walang problema.
    >
    > Lubos na gumagalang,
    > Badong
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Badong,
    >
    > Wala akong masabi sa liham mo kundi...PANALO! !!
    >
    > Para sa iyo, Badong:
    > B.U.R.M.A. - Between Us, Remember Me Always.Nagmamahal
    >
    > forever,
    > Manay Letty
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Manay Letty,
    >
    > Mayroon akong anak na ubod ng landi. Mas makati pa sa higad ang hitad,
    > wala nang pinatawad, pati mga magbabalut pinapatulan. Kung minsan nga'y
    > nahuhuli ko pa sa may gulayan sa aming bakuran, kasama ang mga tanim
    > naming talong at upo. Hindi ko na alam ang gagawin sa haliparot kong anak,
    > hiyang-hiya na ako sa ibang tao.
    >
    > Desperate
    >
    > ************ ********
    >
    > Dear Desperate,
    >
    > Itay naman sabi nang huwag na kayong susulat dito eh! Malaki na ako,
    > hayaan nyo na ako sa gusto ko sa buhay. Matipuno naman yung mga magbabalut
    > sa atin, tsaka friends lang kami nun.
    >
    > Namatay na nga pala si Tiya Dely, hayun successful naman ang libing.
    > Kamusta na si Inay? Utang na loob patigilin nyo na sa pag-aararo si Inay.
    >
    > Para sa iyo, Itay:
    > P.E.R.U. - Phorget Everyone... Remember Us.
    >
    > At pakisabi kay Daniel, yung magtataho sa atin:
    > P.A.R.A.N.A. Q.U.E. - Please Always Remain Adorable, Nice And Quiet Under
    > Ecstacy.
    >
    > Nagmamahal forever,
    > Manay Letty
    >
    > ************ ********
    >
    > Bago ako magwakas, dear readers, may gusto akong i-share sa inyong lahat,
    > isang kwentong mapupulutan nyo ng aral. Ilang taon na ang nakalilipas,
    > noong bata't sariwa pa ako...
    >
    > Manay Letty reminisces.. .) Several years ago...Manay Letty joins Reyna ng
    > Bocaue beauty pageant. Manay Letty was then called Lettygirl.
    >
    > Host: How are you, Lettygirl?
    >
    > Lettygirl: How are you too!
    >
    > Host: Ok. So Lettygirl, here's your question: What do you think is your
    > best feature?
    >
    > Lettygirl all smiles and poise na poise) Well I think that my best
    > ficture is my graduation ficture! I thank you!
    >
    > Ayun awa ng Diyos talo si Manay Letty.
    >
    > ************ ********
    >
    > Hanggang dito na lamang po sa linggong ito, because I'm tired and I'm
    > pretty. Sana ay antabayan niyo ang mga susunod pang liham na aming
    > ilalathala dito. Nawa'y magpatuloy ang inyong pagdulog at pagsulat
    > sa...Dear Manay Letty.
    >
    > Ngunit bago ako magpaalam, nais ko sanang mag-iwan ng isang munting
    > mensahe hindi lamang para sa lahat ng mga masugid na sumusubaybay sa Dear
    > Manay Letty, kundi pati na din para sa aking sarili at sa aking One and
    > Only, na itatago ko na lang sa pangalang Vanilla Milkshake.
    >
    > So, para sa inyo, dear readers: L.I.B.Y.A. - Love Is Beautiful; You Also.
    >
    > Para naman sa akin: P.A.S.A.Y. - Pretty And Sexy Are You.
    >
    > Heto pa isa: E.G.Y.P.T. - Everything's Great, You Pretty Thing!
    >
    > At para kay Vanilla Milkshake: I.M.U.S. - I Miss U, Sweetheart.
    >
    > Ito po ang inyong Manay Letty na nagpapaalam at nagsasabing. ..toodles!
    >
    > Ikaw ba ay nalulungkot, nababalisa, walang makausap? Humingi na ng payo
    > kay Manay Letty!

  2. #2
    lol may b*lls pala ang isda! Ü

  3. #3
    hehehehe

    nice 1 bro.

  4.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Kinsay ni-avail ug Work & Study Program for UK
    By cmcanch in forum General Discussions
    Replies: 6
    Last Post: 01-05-2016, 05:12 PM
  2. what is your favorite programming language?
    By sachem in forum Programming
    Replies: 310
    Last Post: 10-08-2015, 03:11 PM
  3. AUSTRALIA - Live and Study program -Ok ba ni siya?
    By rojashan in forum Destinations
    Replies: 6
    Last Post: 09-04-2012, 05:52 AM
  4. Favorite am radio program? And why?
    By ivnkls in forum General Discussions
    Replies: 2
    Last Post: 01-01-2012, 06:11 PM
  5. "***-sense" DYAB radio program.
    By reygie in forum Fitness & Health
    Replies: 56
    Last Post: 01-11-2007, 04:21 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top