Page 12 of 17 FirstFirst ... 29101112131415 ... LastLast
Results 111 to 120 of 166
  1. #111

    dingdong and marian ang mo endorso ni noynoy aquino for president

  2. #112
    Quote Originally Posted by kokokranch View Post
    dingdong and marian ang mo endorso ni noynoy aquino for president
    wow! it only shows nga sikat ang lolo at lola dai!

  3. #113
    Jen Rosendahl trims plus-size figure for Tinik sa Dibdib role


    GMA gave talent Jen Rosendahl an ultimatum: lose weight or else get no projects... or maybe mother roles, which the former Viva Hot Babe isn't ready to accept just yet. Besides, she misses being every man's sexual fantasy: "Promise na kapag bumalik ang dati kong figure, super pictorial ulit ako to show them that I am sexy again."


    Ginulat ng former Viva Hot Babe na si Jen Rosendahl ang marami dahil sa laki nang tinaba niya.

    Kung noon ay pinagpipiyestahan ng kalalakihan ang seksing katawan niya, ngayon ay isang malusog na Jen ang humarap sa entertainment press dahil kasali siya sa cast ng Tinik Sa Dibdib ng GMA-7.

    Inamin naman ni Jen na masyado siyang naging busy sa kanyang buhay pag-ibig kaya napabayaan na niya ang figure niya. Six years na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend at kung saan-saan daw kasi sila bumiyahe.

    Sinisi nga ni Jen ang boyfriend niya dahil nahawa raw siya sa pagiging big eater nito.

    "Before kasi, pareho kami na mahilig sa sports. We play tennis a lot. Tapos we both work out kaya we were both so sexy. Maintained ang katawan ko noon. E, biglang nag-travel kami, so hindi kami nakapag-gym at nakapaglaro ng tennis.

    "E, kapag nasa biyahe kami, he likes to eat and eat. Ako naman dahil sa masarap siyang kumain, kakain din ako! Kaya eat lang kami nang eat! We eat together parati.

    "Kaya look what happened, I gained so much weight. I never noticed it kasi nga matagal din akong hindi nagkaroon ng TV show because I've been traveling. When people say na tumaba ako, hindi ako naniniwala. Feeling ko gano'n pa rin ang figure ko. Hindi kasi ako nagtitimbang.

    "Until kelan lang na I can't fit in my clothes anymore. Hala, tumaba nga ako! Nakakahiya talaga! Now I can't even wear my bikinis anymore kasi sobrang lumaki ang waistline ko. Pati ang mga boobs ko, lumaki nang sobra!"

    LOSE WEIGHT OR ELSE. Ngayon nga ay balik sa exercise at diet si Jen dahil magsisimula na siyang mag-taping para sa Tinik Sa Dibdib.

    "Oo naman, kaya I really need to slim down fast. Every day na ako pumupunta sa gym at tinitiis ko ang hindi kumain ng mga sweets at fatty foods. Binigyan nga ako ng warning ng GMA Artist Center. Lose weight or else wala akong project. Natural natakot ako, di ba? Kung bigyan man ako, baka mother roles na kasi nga hindi na ako sexy. Kaya serious ako sa pagpapapayat ulit. Iiwasan ko muna ang boyfriend ko na mahilig kumain! I won't eat with him anymore!" tawa pa niya ulit.

    Pinapangako nga ni Jen na kapag bumalik na siya sa dati niyang katawan ay magpapa-pictorial siya para pagpantasyahan ulit siya ng maraming kalalakihan.

    "Gusto ko ulit na maging fantasy nila, di ba? Miss ko na yung mag-pictorial ng sexy. Ngayon hindi pa puwede kasi ang full figure ako ngayon. Promise na kapag bumalik ang dati kong figure, super pictorial ulit ako to show them that I am sexy again," pagtatapos ni Jen Rosendahl.

  4. #114
    sexy bitaw kay ni si jen sa una

  5. #115
    FIRST READ ON PEP: Dingdong Dantes "deeply honored" by Aquino family's request for him to be Noynoy's youth spokesman



    "It is a huge responsibility, especially with the high regard of many Filipinos for the name Aquino. Honestly, I admire the idealism of Senator Noy, precisely I'm interested to hear his programs, particularly for the youth," says Dingdong Dantes about the request of the Aquino family for him to be Sen. Noynoy Aquino's spokesperson for the youth.


    Naging very vocal si Kris Aquino nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) bago siya umalis papuntang Hawaii na "nililigawan" niya ang manager ni Dingdong Dantes na si Perry Lansigan para makuha ang aktor bilang endorser sa kandidatura ng kapatid ni Kris na si Sen. Noynoy Aquino. Tatakbong presidente si Noynoy sa 2010 elections. (Click here to read related story.)

    Ayon kay Kris, hindi lamang siya ang may gustong maging endorser ni Noynoy si Dingdong kundi lahat silang magkakapatid—kasama na sina Ballsy, Pinky, at Viel. "Unanimous choice" daw nila ang aktor dahil sa maganda nitong imahe. Nakatulong din siguro ang pagiging open ni Dingdong sa paghanga niya sa namayapang ama nina Kris na si Sen. Benigno "Ninoy" Aquino.

    Bagamat may lumabas nang report na "sumagot" na raw si Dingdong sa "panliligaw" sa kanya ng Aquino family, minabuti ng PEP na direktang hingan ng pahayag ang aktor kung nakapagdesisyon na nga ba siyang tanggapin ang alok sa kanya.

    Bilang sagot sa aming katanungan, ipinadala ni Dingdong ang sumusunod na text message sa PEP:

    "Mag-uusap pa kami nang pormal ni Kris once she arrives from Hawaii. But like what I told her, deeply honored ako sa request ng family niya that I'd be Senator Noynoy's youth spokesman.

    "It is a huge responsibility, especially with the high regard of many Filipinos for the name Aquino. Honestly, I admire the idealism of Senator Noy, precisely I'm interested to hear his programs, particularly for the youth.

    "Yes, very soon, I will make formal announcement as to who my choice President and Vice President will be for 2010. Thanks and God bless."


    PEP EXCLUSIVE: Marian Rivera endorses Noynoy Aquino's candidacy



    Without being asked, GMA-7's top female star Marian Rivera (main photo) has expressed her support for the candidacy of Senator Noynoy Aquino (inset, bottom). Noynoy's youngest sister, Kris Aquino (inset, top) affirmed: "This is really genuine friendship, hindi ba? You know that si Marian, when she's on your side, she's really on your side.

    Ang itinuturing na "Primetime Queen" ng GMA-7 na si Marian Rivera ang latest celebrity na nagpahayag ng suporta sa kandidatura ni Sen. Noynoy Aquino bilang pangulo sa 2010 elections.

    Sa pakikipagusap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) editor-in- chief na si Ms. Jo-Ann Maglipon kay Kris Aquino kaninang bandang 5:30 ng hapon, September 24, nabanggit ng bunsong kapatid ni Noynoy ang pagbu-volunteer mismo ni Marian para i-endorse ang senador.

    Ayon kay Kris, ang plano talaga niya ay kunin ang top stars ng GMA-7 at ABS-CBN upang tumulong sa kampanya ni Noynoy. Kaya kinausap niya ang kaibigan niyang talent manager na si Popoy Caritativo upang alamin kung susuportahan ng alaga nitong si Marian si Noynoy.

    Eleven years nang magkaibigan sina Kris at Popoy.

    Ang sabi raw ni Popoy kay Kris: "You know, hindi ko prinesyur at all si Marian. Hindi ko binanggit yung idea kung puwede siyang mag-endorse kay Noynoy."

    Si Marian daw mismo ang nagsabi kay Popoy nito: "Popoy, kay Noynoy tayo, ha. Dito tayo kay Noynoy... Kuya Noynoy ko na rin 'yan, dun tayo pupunta."

    Personal conviction daw ito ni Marian at hindi na siya kailangang tanungin.

    Sabi pa raw ng Darna star, "Hindi lang dahil kay Ate Kris kaya ko ginagawa ito. Dahil din ito sa nanay niya [former President Cory Aquino]. Kasi naniniwala talaga kami kay Cory."

    Gusto pa sanang imbitahan ni Kris si Marian sa isang dinner upang ipaliwanag ang plataporma ni Noynoy para makumbinsi siyang i-endorse ang kandidatura ng kapatid. Pero sabi naman ni Popoy kay Kris, "Hindi na kailangan ang dinner. Dapat pa nga, kami ang mag-treat sa inyo ni Marian. Kasi sa pagka-busy n'yo na, hayaan n'yo na."

    Tuwang-tuwa naman si Kris nang malaman niya ito dahil si Marian nga naman ang itinuturing na pinakamalaking female star ngayon ng Kapuso network.

    "This is really genuine friendship, hindi ba?" ani Kris. "You know that si Marian, when she's on your side, she's really on your side. Biro mo, yung millions na tinanggihan niya. Kasi, mga dalawa na ang lumapit na gustong maging presidente kay Marian. Tapos ang sabi nga nila, 'Hindi, we are all really committed to another candidate.'"

    Hindi na binanggit ni Kris kung sino ang dalawang pulitiko na lumapit kay Marian, pero madali nang hulaan kung sino ang mga ito dahil iilan pa lang naman ang nag-anunsiyo na tatakbo sila bilang presidente.

    Kris is very touched dahil hindi pa man siya nagsasabi ay nagpahayag na agad si Marian na susuportahan niya ang kampanya ni Noynoy sa susunod na eleksiyon.

    ABS-CBN STARS. Samantala, napag-alaman ng PEP na nakatakdang magkaroon ng dinner sina Kris, Noynoy, at ang iba pa nilang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, at Viel, kasama ang top stars naman ng Star Magic.

    Sa magaganap na dinner, bahala na raw si Noynoy magpaliwanag sa ABS-CBN stars kung ano ang stand niya at kung ano ang gagawin niya para sa bansa.

    Ang iba raw sa kanila kasi ay gusto nang mag-commit, pero yung iba ay gusto munang malaman kung ano nga ba ang plataporma o ano ang stand ni Noynoy sa ilang partikular issues. Ilan sa kanila ay sina Piolo Pascual, na gustong malaman ang tungkol sa moral ascendancy ni Noynoy, at Diether Ocampo, na gusto namang malaman ang gagawin ni Noynoy para sa mga kabataan.

    Marami raw mga tanong ang mga Kapamilya stars na ito na nagpapatunay na hindi lang emotional decision ang kanilang gagawing pagsuporta kung saka-sakali. Bagamat malinaw rin naman na marami ring emotional decisions na involved dito dahil kaibigan nga nila si Kris. Pero higit pa rito, naniniwala raw sila kay dating President Cory Aquino.

    DINGDONG DANTES. Ilang araw lamang ang nakalilipas pagkatapos ideklara ni Noynoy ang kanyang desisyon na tumakbo bilang pangulo ng Pilipinas, nabanggit na ni Kris ang kagustuhan ng kanilang pamilya na kunin si Dingdong Dantes upang maging youth spokesperson sa kampanya ni Noynoy.

    Bagamat nagpahayag na si Dingdong na malaking karangalan ang pagpili sa kanya ng Aquino family upang maging youth spokesperson ni Noynoy, napag-alamn ng PEP na hindi pa personal na nagkakausap ang aktor at ang senador.
    Last edited by KASAAC; 09-29-2009 at 10:12 AM.

  6. #116
    Up for GMA artist! the most reliable! \m/ rock on!

  7. #117
    nakilala ko dingdong way back '95 sa glorietta makati. dun kmi tambay pag weekend. magkakakilala din kc mga nglalaro dun. raffy pa gnagamit nya na name pag personal acquintance. lage sila mgkasama ni dino at arthur. avid player kami ng daytona racing. mabait c dingdong in person. i also recall playing daytona with joey marquez and richard gomez.

  8. #118
    ganahan q sa desyn sa costume ni kobra sa darna

  9. #119
    Quote Originally Posted by cxtknight View Post
    ganahan q sa desyn sa costume ni kobra sa darna
    concept un sa g.i. joe character, forgot the name.

  10. #120
    Quote Originally Posted by snowleopard View Post
    concept un sa g.i. joe character, forgot the name.
    dili si agent snake?

  11.    Advertisement

Page 12 of 17 FirstFirst ... 29101112131415 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. For Sale: Rod and reel plus freebies for 1k only
    By NiveD in forum Sporting Goods
    Replies: 8
    Last Post: 07-23-2012, 10:45 PM
  2. Looking For: House and lot/Town house for sale only in mandaue city
    By Micasa101 in forum Real Estate
    Replies: 1
    Last Post: 02-20-2011, 05:07 PM
  3. For Sale: Repost FAMOUS stars and straps Fitted cap for 600 only fix
    By Bonzter in forum Clothing & Accessories
    Replies: 0
    Last Post: 04-22-2010, 11:31 PM
  4. For Sale: mint zoom g2 and boss mt-2 for 4k only
    By ohoixmakoi in forum Music & Movies
    Replies: 14
    Last Post: 01-28-2010, 10:35 AM
  5. For Sale: ZBT Ride 22" and hi-hat 14" for 4k only.
    By Bonzter in forum Music & Movies
    Replies: 4
    Last Post: 07-01-2009, 02:07 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top