Page 1 of 4 123 ... LastLast
Results 1 to 10 of 38
  1. #1
    Junior Member iml's Avatar
    Join Date
    Oct 2009
    Gender
    Male
    Posts
    206

    Thumbs up Singapore (JobHunting and Sacrifice) just sharing


    Prayer really changes everything. Kung sincere ka sa prayer mo at sa gusto mo, makukuha mo yan.

    I came here in Sg with only 11,500pesos in my pocket. Ang 10k ang pinakita ko sa embassy, buti nalang hindi pina count.

    Pagdating ko dito, I changed it with sgd currency, paid my room rental amounting to 300sgd... Magkano nalang naiwan? $85.90 kasi 29.80 ang rate noon. Alam ko hindi yan kakasya for 1 month stay para pagkain at pamasahe. Kailangan ko nang maghanap ng trabaho kasi nagpapaaral ako ng dalawang kapatid in college. Marami din akong utang na binabayaran kaya hayun, I'm looking my luck here.

    We arrived in Sg on Sunday... pagka lunes bili agad ng Straits Time, hanap work. Call dito, call doon kung tatanggap ba sila ng foreigner. Konti na lang ang pera ko dahil sa top-up (load at fare) tsaka pagkain. Araw-araw umiiyak ako sa Church, asking forgiveness and begging for finding a job. 9 days akong pumupunta sa Blessed Sacrament/PEA, doon ako nag re-rest kung napapagod na ako.

    I have a lot of phone interviews but after 9 days I received a call for a final interview. Pumunta ako at sabi nila pagkatapos tatawag lang daw sila. 2 days after naka received din ako ng call mula sa kanila to meet the manager. Pagdating ko doon, may naka post pa sa labas ng pinto na, "Sorry, this job is taken."

    Sabi ko sa sarili ko, "ano ba to, taken na pala, bat pa ako pinapunta dito?" Pasok naman ako at ininterview uli ng manager, tapos sabi pa niya, "Can you start on Monday?" Ang laki ng smile ko sabay sabing "Yes Ma'am." Para sa akin pala yung nasa labas.

    So, ayun, work na ako. The problem is, kukulangin ang pera ko sa pang-araw-araw na pamasahe. Nahihiya naman akong manghiram sa ka room mate ko kasi tipid din sila dahil wala pa silang work. Ang ginawa ko, tiningnan ko ang daan sa labas ng bus kung kaya ko bang maglakad kahit pauwi lang.

    Uwian na, triny kong maglakad. Nilakad ko from office to house for 1 hour. Sabi ko sa sarili ko, it's my form of exercise, so araw-araw na akong naglalakad. Monday - Friday yun, hindi ko nilalakad ang Sabado kasi mainit, half-day lang kami. So, savings na yong .69. Kahit papano, ang 10sgd kong pamasahe aabot ng 10 days. Isa nalang problema ko, kung bibili ako ng pagkain sa labas, wala na akong pamasahe papuntang office. Ginawa ko, baon ako, bili lang akong lulutuin. Tinapay kinakain ko sa gabi para save pagkain. One week nalang sahuran na. Wala na talaga akong pambili ng pagkain. 10sgd nalang natira sa top-up ko. At least aabot pa to.

    Ang ginawa ko, ulam ko sa umaga catsup, kailangan ko kasing kumain... kasi wala akong pagkain during lunch. Pagka lunch naman, tanong kasamahan kong tsikwa kung nagbabaon ba ako, sabi ko, hindi, naghihintay kaibigan ko sa labas, labas kami kakain kahit wala.

    Pagdating ng 12, lalabas ako, bitbit ang pitaka kong walang laman. Dala-dala ko panyo ko, nakaipit doon ang biscuit, yan ang ningangatngat ko sa labas, medyo malayo sa opisina namin. Tatambay ako doon for almost half an hour tapos balik na sa opisinia. Padating ng alas tres sobrang gutom na, nagra rambol na ang tiyan ko. Pray ako na sana bibili sila ng snack (nanglilibre kasi bossing minsan ng snack)... sinagot naman ni Lord, hayun, may tinapay... kain ako, sarap na sarap ako... Ngumingiti naman ang mg tsikwa kasi gusto ko daw mga pagkain nila kaya hayun, halos araw araw bumibili ng pagkain.. Bait naman ni Lod. Misan nililibre pa ako ng tanghalian, hindi ko na daw kainin baon ko... masaya ako kasi wla naman talaga akong baon eh.

    Sobrang sakripisyo ang ginawa ko pero pinalitan naman ni Lord ng marami. ...

    Pray lang kayo talaga at gagawa ng mabuti at saka kikilos. Walang imposible kay Lord.
    Very inspirational... congrats for your new job.. God is always good..

  2. #2
    wow! Very nice and inspiring story..!

  3. #3
    wow... amazing... gud luck to you sis/bro... God will always be around for us...

  4. #4
    "kapag may tiyaga, may nilaga"...

  5. #5
    let's be realistic its actually ur aggresiveness that landed the job
    I know its very inspiring to say that prayers always leads you to a job
    but I hope all those who prayed posted their experiences too and got the same results

    getting a job is more on being qualified and being at the right place and at the right time
    and not being the ones who prayed the hardest
    the philippines is a land of prayers, yet its also one of the countries in asia topping the most in unemployment

    lets get real!!!
    Last edited by mokiloo; 07-20-2011 at 07:53 AM.

  6. #6
    C.I.A. lana21's Avatar
    Join Date
    May 2007
    Gender
    Female
    Posts
    2,126
    Blog Entries
    1
    i love you LORD

  7. #7
    Quote Originally Posted by mokiloo View Post
    let's be realistic it actually ur aggresiveness that landed the job
    I know its very inspiring to say that prayers always leads you to a job
    but I hope all those who prayed posted their experiences too and got the same results

    getting a job is more on being qualified and being at the right place and at the right time
    and not being the one's who prayed the hardest
    the philippines is a land of prayers also its one of the countries in asia topping in uneployment

    lets get real!!!
    amen to this!

  8. #8
    nice.... god is good...

  9. #9
    wow amazing, nakasurvive siya ug 11,500 ra iyang pocket money.

  10. #10

    Default Re: Singapore (JobHunting and Sacrifice) just sharing

    Nice story...thanks for sharing...

  11.    Advertisement

Page 1 of 4 123 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Replies: 1104
    Last Post: 11-15-2017, 12:28 PM
  2. Replies: 6
    Last Post: 01-11-2011, 02:13 AM
  3. Replies: 0
    Last Post: 01-20-2010, 01:45 PM
  4. just sharing a cool site
    By godCode in forum Websites & Multimedia
    Replies: 6
    Last Post: 01-05-2007, 08:23 PM
  5. Philippine Marketing compare to Singapore, Taiwan and China
    By d_dearca in forum Business, Finance & Economics Discussions
    Replies: 4
    Last Post: 08-18-2006, 01:55 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top