O minamahal kong Pilipinas
Ikaw ay pagpalain ng Diyos na lumikha,
Patawarin sa mga kasalanang nagawa
At iligtas sa kapahamakang nagbabadya.
Ikaw na aking dinadalanging lubos
Iyo nawang mapagtagumpayan ang mga pagsubok pang darating,
Na sa kabila ng iyong kahirapan
Ay mayaman ka sa Pananampalataya.
Na iyong malaman ang buong Katotohanan ng Kanyang Salita
Iyo nawang makita ang liwanag ng mas maliwanag,
At higit na si Hesus sa ay nag- alay ng buhay sa krus
At sa iyong pagtanggap ay kaligtasang lubos ang makakamtan.
At tulad ng bayang Israel na lumaya
Sa loob ng 400 na daang taong pagkaalipin sa ehipto,
Ikaw sa kalayaan sa spanya hanggang makamit ang demokrasya
Natatangi kang tunay at iningatan ng Maykapal.
Sa iyong ganda at sa kasipagan mo
Katapangan at kabutihan sa kapwa,
Karunungang taglay at lakas para mabuhay
Na ang natural mong pagkatao ay manaig.
Iyong labanan ang kasamaan
Supilin ang makasariling pagnanasa,
Ipaglaban ang bawat karapatan
At mga kamaliang dapat na maituwid.
Kung iyong gagawin ang tama ay lubos pang pagpapalain
Subalit sumpa sa mga sumusuway at mga kalikuan,
Ang Salita ng Diyos ang iyong maging gabay
At ang pagkakaisa, kapayapaan at pag- ibig ang mangibabaw.
Wag mong hayaang sirain ni Satanas ang buhay mo
Wag mong pagmatigasin ang iyong puso,
Ang kalapastangan at mga pagsalansang ay iwasan
Upang sa kapahamakan ay mailayo ka!
Pakingan mo ang mga mangangaral ng kataas- taasan
Siyasatin at saliksikin ang Salita ng Diyos- Bibliya,
Ang mga tunay na nananalig at Kristiano ay patnubayan ng Banal na Spirit
Walang tigil sa pananalangin ng papuri, paghingi at pasasalamat ang pagtatapat.
Iyong gampananan ang Kanyang kalooban sa ikabubuti mo
Pagsisising tunay at paglilinis sa pamamagitan ng dugo ni Kristo,
At isakripisyo ang mga sariling buhay na hain para sa Diyos
Isuko mo sa Kanya at ibigay ang para sa Kanya.
Wag kang padaya sa mga bulaang propeta
Ni paabuso sa mga namumuno sa pamahalaan,
Wag mong ipagpalit ang Diyos na buhay sa mga bagay ng sanlibutan
At wag ipahamak ang iyong kapatid sa mali.
Datapwa’t alalahanin mo ang sabi ng Panginoon,
Sila na matuwid na tumatawag at lumalapit sa Kanya at dinidinig Niya,
Na sila ay makasusumpong na sagot at kapahingahan
Siya na mabuti at matuwid na gagantimpala sa mga Mananampalataya at magpaparusa sa mga di nanampalataya.
Sumaiyo ang biyaya at habag ng Panginoon ng mga hukbo ang Diyos- Amen.
“Purihin ka ng iyong mga nilikha sa langit at sa lupa, maganap ang iyong mga Salita at maghari ka nawa, ikaw na ang Siyang bahala sa lahat- lahat…” –Amen.
-James M. Gutierrez
(Simpleman21, Baptist A.C. Pampanga).