ELEKSYON 2010
Meron na ba kayong mga manok para sa pagka’
PRESIDENTE? Nakapili na nga ba kayo ng taong mamumuno at hahawak sa buong bansa? May mga listahan na nga ba kayo ng mga iboboto ninyong mga bagong mamumuno mapa’Bise, Senador at kung anu-ano pa? Sapat nga kaya ang basehan ninyo para pumili ng mga kandidatong iboboto ninyo? Hindi nga kaya kayo boboto dahil lamang nakaka-lamang siya sa survey?
Sino nga ba ang iboboto ninyo?

Si
Gibo Teodoro? Susulong nga ba ang bansa natin kapag siya na ang namuno? Bawat pamilya nga kaya magkakaron ng college graduate pag naging presidente siya? Isasama nga ba niya tayo sa mabilis na pag-ahon?

Si
Jamby Madrigal? Titigil na nga kaya ang korapsyon sa bansa pag siya ang namuno? Madami nga kaya ang magkaka-SS na mga empleyado? Marami nga kayang trabaho para sa mamamayang pilipino ‘pag siya ang namuno?

Si
Noynoy Aquino? “
Lalaban Tayo” Ang kataga ni Noynoy. Na kung hindi lang naman dahil sa pagkamatay ng kanyang Ina ay hindi naman mapipilitang tumakbo sa pagka’Presidente. Nangunguna sa survey. Tutulungan nga kaya siya ng tinatawag nilang “
CORY MAGIC”? Isasama nga kaya niya tayo sa tamang landas? Babaguhin niya nga kaya ang pamamalakad para sa ikaaangat ng ekonomiya ng Pilipinas?

Si
Dick Gordon? Nasa kanya nga kaya ang pagbabago? Sapat na nga kaya ang mga experience at mga nagawa niya para pagkatiwalaan siya?

Si
Manny Villar? Kailangan nga ba ang isang “
TUNAY NA MAHIRAP” sa Malacaņang para makamit ang pagbabago? Alam niya nga ba ang pinagdadaanan ng milyong’milyong mahihirap sa ating bansa kaya dapat siyang iluklok sa pwesto? Mas marami pa nga kaya ang mapapag’aral niya? ang mabibigyan ng trabaho? Mas marami nga kaya siyang gagawa? Kay Manny Villar nga kaya
ngingiti ang langit sa bayan mo at bayan ko?

Si
Erap Estrada? Hindi na nga kaya ulit siya magnanakaw? Ipapaubaya nga kaya ulit ng karamihan ang kapangyarihan? Iluluklok mo ba siya ulit ngayong darating na eleksyon kahit alam mo ang mga ginawa niya noong minsan siyang binigyan ng pagkakataon na maghari sa buong bansa?
Alam kong marami pang kulang. Pero sa lahat ng yun sino nga ang magsasama sa atin sa maganda at tamang landas? Kanino nga ba natin makakamit ang pagbabago?
Sa tulad kong hindi pa naman makaka-boto, sa inyong mga makaka-boto ko na ipapaubaya ang pagpili ng inyong kandidatong pagkakatiwalaan at ang kandidatong inyong iluluklok sa makasaysayang palasyo ng Malacaņang.

At bukod sa inyo, Sa Diyos ko na ipapaubaya ang lahat.
Paalala lang, huwag sanang maging batayan ang mga survey o ano pa man sa pagpili ng kandidatong inyong iboboto. Nawa ay pag-isipan niyong mabuti kung sino talaga ang magdadala sa atin sa tuktok. Ang lider na magpapangiti sa
BAYAN MO AT BAYAN KO.