Yes, I will still vote for GIBO.
Sa mga agad-agad nanghuhusga’t nagsasabi na “hindi ko sya kilala, hindi ko sya ibinoboto” o kaya “hindi ko naman sya nababasa sa diyaryo” o "tuta naman siya ni Arroyo eh", ay eto lamang ang mga masasabi ko:
- Bumoto kayo ng presidente na napatunayang nagkasala ng plunder. At nang kayo’y lalong maghirap. Sa tingin ninyo, ang isang taong walang moral karakter na matuwid, ay magiging matuwid na lider?
- Bumoto kayo ng presidente na nagsilbi sa senado’t naging laman ng diyaryo. Pero bakit sila naging laman ng diyaryo? Dahil ba sila’y maingay lamang? O dahil kaya’y lagi lamang sila nakaharap sa mga kamera? Eh kung suriin kaya ninyo ang kanilang mga nagawa? At karapatan ninyo para sa mga anak ninyo na suriing mabuti ang mga nagawa ng iboboto ninyo. At HINDI maayos na basehan ng pagsusuri ang mga kuwento ng mga tambay at tsismosang mga kapitbahay ninyo.
Panahon na para matuto tayong bumoto ayon sa ISIP at sa TAMANG PAGSUSURI. Tama na ang mga paniniwalang “ay, ka-pook, probinsya, ka-siyudad, kapitbahay, ka-partido ni (kung sino mang dati nyong iniidolo), kaya’t iboboto ko sya”.
Etong tandaan ninyo… “WE, as a nation, deserve the leaders that we put into office”. Kung bumoto tayo ng lasenggero’t babaero, wag kayong umangal na naghihirap tayo pagkatapos ng ilang taon. Kung bumoto tayo ng “madalas nakikita sa TV/diyaryo”, eh umasa tayong panay mga pangako’t ingay na lang ang maririnig natin sa susunod na 6 na taon.