Results 1 to 2 of 2
  1. #1

    Default Kwela Nobela : Chapters 46 - 47


    Short Film Coming : Negative One
    " Ang Pagbabalik "
    Chapter 46

    (other location)
    (Anton's house)
    (telephone ringing)

    < Anton > : ... hello?
    < Voice > : yes hello is this Maypek?
    < Anton > : Maypek? anong apelyido?
    < Voice > : Maypek Pek Ako
    < Anton > : Maypek Pek Ako? ... ey! is this some kind of joke!
    < Voice > : ... yes
    < Anton > : you go to hell! you go to hell and you die! I'm gonna find out who you are!
    < Voice > : I don't think you can hmkay
    < Voice from afar > : Christoper nasan ka na kanina pa ko inaatake dito yung gamot ko!
    (then hung up)
    < Anton > : mga walang magawa sa buhay!
    (doorbell rings)

    (at the door)
    < Rex > : ...
    < Anton > : o Rex
    < Rex > : eto na yung mineral water na inorder nyo
    < Anton > : magkano ule?
    < Mom > : Anton sino yung nasa pinto?
    < Rex > : magandang araw po
    < Mom > : magandang araw din iho
    < Anton > : ito yung bayad … thank you ulit pare
    < Rex > : bukas na lang pala ang lakad sabi ni Tupe, nasa bahay kasi ni Lola ulit ngayon nag-aalaga
    < Anton > : kunwari pa si Tupe, crush na crush nya tong si Lola
    < Rex > : (napangite) sige po tuloy na po ako
    < Mom > : teka teka, hindi mo sinabi Anton may pogi ka palang kaibigan
    < Anton > : (awkward face)
    < Mom > : sa palagay ko, bagay na bagay kayong maging mag-boyfriend … delivery boy nga lang pero at least, may napagpa-praktisan ka pa rin ng alright time
    < Anton > : Mommy!
    < Mom > : eh anong gusto mo, gusto mo bang maging isang matandang dalaga! yung mamatay nang nag-iisa yun ba yung gusto mo ha!
    < Anton > : eh sa parang kapatid ko na nga tong si Rex eh! sabay kaming lumaki nyan nagkaisep!
    < Mom > : ayaw mo non! magkababata na naging magsyota! kayo yon!
    < Anton > : ayoko nga sabe! at hinding-hindi rin ako papatol sa isang lalake! hinding-hinde! hinding-hinde! hinding-hinde!

    (other location)
    (grandma's room)

    < Christoper > : (looking at an old picture, a young lady with a violin)
    < Lola > : ah Christoper, Christoper iho nandyan ka pa ba? 'cough!' 'cough!'
    < Christoper > : La, bakit po
    < Lola > : … (bumangon) pakibuksan mo nga yung radyo, may inaabangan kasi ako sa ganitong oras
    < Christoper > : opo

    (on radio)
    < Person > : Doc you have to help me
    < Doctor > : you pregnant?
    < Person > : um … no?
    < Doctor > : you're pregnant, just calm down
    < Person > : no! I'm a boy
    < Doctor > : shut up! whose the doctor here

    (back to them)
    < Christoper > : ano to, parang soap opera?
    < Lola > : parang ganun na nga
    < Christoper > : ah La, anak nyo po ba tong nasa picture na to?
    < Lola > : yan ba? wala akong anak, ako yan nung bata pa ko
    < Christoper > : wala kayong naging anak Lola? nagkaasawa po ba kayo?
    < Lola > : dati oo, pero dahil sa hindi ako magkaanak, naghiwalay din kami
    < Christoper > : …

    (on radio)
    < Patient > : so Doc, tell me, what did you found out?
    < Doctor > : I'm sorry, but your life is running out of time
    < Patient > : really!? so how much time do I have got!
    < Doctor > : about ten
    < Patient > : ten what? Days!? Months!? … Years!?
    < Doctor > : 9 … 8 … 7 … 6 …

    (back to them)
    < Lola > : yan na lang ang natitira sa akin mga alaalang kinuha ng hinding mapigilang oras … pagdadalaga, naging tahanan, umiwang asawa … ang akala ko tuluyang nakalimutan ko na ang parteng yon para maging kontento sa ngayon pero, mas pipiliin ko pa ring balikan lahat ng mga yon kung may paraan lang
    < Christoper > : (holding the picture)
    < Lola > : ang byulin na lang din ang natatanging naiwang henerasyon ng aking pamilya … minana ko pa yon mula sa aking mga magulang
    < Christoper > : …
    < Lola > : ngayong wala na pala ito, ano na lang ang sasabihin ko sa kanila … ngayong … malapit na kong …
    (nakatulog na si Lola)

    (other location)
    (outside Christoper's house)

    < Christoper > : …
    < Ann > : Tupe, saan ka pupunta?
    < Christoper > : anong ginagawa mo dito
    < Ann > : galing ako sa bahay ni Ma'am Rivera, sabi kasi ni Mia tutulungan nya ko sa pag-ayos kay Ma'am pero hindi naman dumating, dumaan ako dito baka kasi nandito sya
    < Christoper > : ba't naman magpupunta yun dito
    < Ann > : oo nga noh
    < Christoper > : tamang-tama pagdating mo, watcher kita (binigyan ng mga itim na damit)
    < Ann > : ano tong mga to?
    < Christoper > : si Rex sana isasama ko, pero baka nasa trabaho ulit
    < Ann > : …

    --- end of Chapter 46 ---

    Short Film Coming : Negative One
    " Ang Pagbabalik "
    Chapter 47

    (other location)
    (the big date ... iba na itsura ni Ma'am Rivera)
    (fancy restaurant)

    < Greg > : wow! you look, gorgeous
    < Ma'am > : thank you (giggles)
    < Greg > : have a sit (offer the sit by helping her)
    < Ma'am > : thanks
    < Greg > : let's toast?
    (they both raise their glasses)
    < Greg > : kung siguro, may piso ako kada makakakita ako ng isang napakagandang babae … may one peso na ko ngayon
    < Ma'am > : o-key, “whatever” (doing hand quotations then tawa)
    (may dumaang waiter)
    < Greg > : ah waiter, di ba sya na yata ang pinakamagandang babae sa kwarto na to?
    < Waiter > : walang duda, mas bata pa kayong tignan kaysa kay Kristine Hermosa
    < Ma'am > : o-key, “whatever” (doing hand quotations then tawa)
    (umalis na yung waiter)
    < Greg > : mukhang masayahin ka nga gaya ng pagkakakilala ko sayo
    < Ma'am > : hindi naman, natututunan ko lang sa mga estudyante ko
    < Greg > : (napangite)

    (back to Christoper)
    (outside the museum)

    < Christoper > : (looking at the binoculars)
    < Ann > : ano bang gagawin natin dito?
    < Christoper > : pamiliar kasi sa kin yung byulin ni Lola Ingrasia, nakita ko may nakadisplay ring replica sa museum na yan … importanteng bagay kasi sa kanya yung byulin kaya kailangan makuha ko para maibigay ko sa kanya
    < Ann > : (awkward face) parang kayang-kaya mo naman
    < Christoper > : wag kang mag-alala, professional yata tong kausap mo … madalas ko tong ginagawa, museum lang yan
    < Ann > : gisingin mo na lang ako kapag papasok na
    < Christoper > : o sige sige

    (back to the big date)

    < Ma'am > : (medyo lasing na) sabi nung isang pagong, mahal na yata kita kahit ngayon pa lang tayo nagkita, kailangan maging akin ka … sabi naman nung isang pagong, hindi pwede, kailangan magpaalam muna ako sa mga magulang ko … sabi ulit nung nauna, walang problema, eh di magpaalam tayo sa kanila, sasabihin ko na rin na pakakasalan kita … pagkatapos ginawa nga nila, pagkalipas ng tatlong taon na paggapang wala pa rin … kailangan maging akin ka na, magpakasal na tayo ngayon … sabi nung isang pagong, hindi nga pwede tayong magpakasal … bakit naman hindi pwede? … kasi nga, lalake rin ako
    < Greg > : (natawa)
    < Ma'am > : (natawa rin) nagustuhan mo ba?
    < Greg > : (nodding yes) natawa ako kasi tatlong taon sila gumapang tapos …
    < Ma'am > : oo nga eh
    < Greg > : pero … speaking of your story … um
    (then lumuhod on one knee kay Ma'am)
    < Ma'am > : (jaw drop)
    < Greg > : tulad ng sa istorya mo, tatlong taon na din tayong nagliligawan sa internet
    < Ma'am > : oo, oo
    < Greg > : tulad din sa istorya mo, balak din nilang magpakasal di ba?
    < Ma'am > : oo! oo!
    < Greg > : pero di tulad sa istorya mo, hindi ka lalake di ba?
    < Ma'am > : babae ako! babae ako! tignan mo, ipapakita ko sayo (nagmamadaling hinuhubad yung panty sa loob ng skirt nya pero …)
    < Greg > : hinde, hindi biro lang … alam kong babae ka sa unang tingin ko pa lang
    < Ma'am > : … (napatigil) naku, nakakahiya … ano bang … pasensya ka na nininerbyos lang kasi ako eh (then tawa) ahahahaha (sabay inom ng bote ng wine) … ano ulit yung pangalawang itinanong mo? (pinapaypayan sarili ng sariling kamay)
    < Greg > : okey … okey ito na (then may kinuha sa bulsa)
    < Ma'am > : (hindi makapaniwala sa nangyayare … tinatakpan bibig)
    < Greg > : Divina Rivera … also known as Lady Divine sa internet love chat
    < Ma'am > : (smiling)
    < Greg > : will you ... marry me?
    < Ma'am > : of course---!!!
    (tackle the guy)

    (other location)
    (inside the museum)

    < Ann > : (looking at a set of ethnic jewelry)
    (enter Christoper)
    < Christoper > : ba't hindi ka nagbabantay?
    < Ann > : nakuha mo na ba?
    < Christoper > : piece of cake, walang na-trigger na alarm (pinakita byulin)
    < Ann > : Christoper ito, ito kunin mo rin
    < Christoper > : hindi pwede, iba sensory pressure nyan
    < Ann > : sige na---, sige na tinulungan naman kita eh
    < Christoper > : … teka hawakan mo to
    < Ann > : yehey
    < Christoper > : (maingat na inilagay yung cutter ng salamin)

    (pagkaangat ng glass)
    (sound of alert noises)

    < Ann > : 'gasp!'
    < Christoper > : … patay

    --- end of Chapter 47 ---

    FOR ALL COMPILATION click here
    http://shortfilmcoming.forumotion.net/forum.htm


    << updates once a week >>
    enjoy people

  2. #2
    very inspiring :') thanks

  3.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Kwela Nobela : Chapters 34 - 35
    By delay in forum Humor
    Replies: 1
    Last Post: 10-31-2009, 08:07 PM
  2. Kwela Nobela : Chapters 32 - 33
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 10-31-2009, 08:05 PM
  3. Kwela Nobela : Chapters 29 - 31
    By delay in forum Humor
    Replies: 4
    Last Post: 10-25-2009, 04:29 PM
  4. Kwela Nobela : Chapters 25 - 26
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 01-25-2009, 10:36 PM
  5. Kwela Nobela : Chapters 23 - 24
    By delay in forum Arts & Literature
    Replies: 1
    Last Post: 01-20-2009, 02:03 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top