Results 1 to 3 of 3
  1. #1

    Default Kwela Nobela : Chapters 40 - 41


    Short Film Coming : Negative One
    " Ang Pagbabalik "
    Chapter 40

    < Christoper > : paunahan tayong dalawa Elvis kung sino unang makaka-score kay Anton
    < Rex > : hello? tayong tatlo, tayong tatlo kaya, isama nyo naman ako sa mga pangarap ninyo
    < Christoper > : wag ka na, mabantot ka eh
    < Elvis > : hala!
    < Rex > : ikaw … yung hininga mo lang naaamoy mo kapag nagsasalita ka
    < Christoper > : kaya pala, kaya pala panay halik sa akin ni Anton, lips to lips
    < Rex > : impusible, eh araw-araw kaming nagsasabay maligo ni Anton, sana may naikwento man lang sya sa kin habang pinapaliguan nya ko
    < Christoper > : wag ka ngang sinungaleng
    < Rex > : hindi ako sinungaling
    < Christoper > : sinungaling ka
    < Rex > : mamatay na sinungaling, ganun talaga kapag mas mahal ni Anton
    < Christoper > : o talaga?
    < Rex > : talaga
    < Christoper > : ang kapal, ang kapal ng libag
    < Rex > : makapal talaga libag ko
    < Christoper > : (sinuntok bigla mukha ni Rex) tumigil ka na nga Rex! iniinit mo ulo ko eh!
    < Rex > : aray! … eh sa mas mahal nga ako ni Anton! anong magagawa ko!
    < Christoper > : (tinulak si Rex) kung nung mga bata tayo madalas pinagbibigyan kita pero ngayon hindi na! sa kin si Anton sa akin!
    < Elvis > : (pumagitna) guys! guys! mga lalake lahat tayo dito, pag-usapan natin to ng maayos
    < Rex > : naiinggit lang yan kasi sa kin binibigay ibang paboritong damit ni Anton eh
    < Christoper > : mamatay ka na Rex wala kang alam, charity tawag dun huy … paganahin mo nga yang utak mo mag-isip-isip ka nga, palibhasa hindi ka nag-highschool
    < Elvis > : (nangingiti lang)
    < Rex > : hindi ko na kailangang mag-isip pa, nakikita ko naman kasi na mahal na mahal ako ni Anton ko, pinapakita nya sa kin araw-araw
    < Christoper > : adik ka magshabu ka na lang
    < Rex > : kami ni Anton oo

    (dumating sila Ann at Mia)

    < Mia > : si Anton ba pinag-uusapan ninyo?
    < Christoper > : …
    < Mia > : pang-apat na grupo na kayong naengkwentro namin ni Ann na pinag-uusapan si Anton ah
    < Ann > : lahat nauwi sa away
    < Elvis > : etong dalawa pagsabihan nyo, kanina pa
    < Mia > : lately, gumagwapo daw si Anton sabi ni Ann
    < Ann > : hala! (tinapik si Mia)
    < Mia > : tumigil ka nga kunwari ka pa, inihulog mo pa nga ako sa hagdan nasabi ko lang na pinahiram ko ng calculator si Anton
    < Ann > : eh kasi naman, nagdilim paningin ko bigla

    (other location)
    (inside the car)

    < (close-up) Mom > : ayokong makikitang babaguhin mo yang ayos mo ah! ganyan ka na habang buhay! naiintindihan mo! sagot!
    < Anton's voice > : pero ano na lang sasabihin ng mga kaibigan ko?
    < (close-up) Mom > : gusto mo bang magulpi ulit kita! ha!
    < Anton's voice > : okey okey, habang buhay nang ganito
    < (close-up) Mom > : mabute! sasamahan na kita sa school gate mo

    (other location)
    (school gate)

    < Everyone > : ..?
    < Christoper > : dude, ano yang suot-suot mo?
    (showing now Anton na naka-pink na damit na pambabae)
    < Anton > : …
    < Mom > : natutuwa talaga ako, lumaking naging maganda anak ko
    < Everyone > : (smiling)
    < Anton > : Mommy, hindi ako babae! nakakahiya tong pinagagawa nyo sa kin!
    < Mom > : hoy Anton! baka nakalimutan mo na sinabi ko sayo! ano bang sinabi ko sayo, ha! sabihin mo!
    < Anton > : … stop, pretending, na naging lalake ako
    < Mom > : ano yon!? hindi kita narinig! … kayo, narinig nyo ba sya!?
    < Everyone > : (nodding no)
    < Christoper > : hindi po
    < Anton > : pinanganak akong walang wangwang!!! yun ba gusto mong marinig!
    < Mom > : mabuti naman alam mo! babae lang ang pwedeng maging anak sa pamilya ko, sa pamilya natin! kaya isuot mo na to! (giving Anton a feminine napkin)
    < Anton > : Mommy!
    < Mom > : ngayon na! at meron ka ngayon!
    < Everyone > : (smiling)
    < Anton > : (mahinang boses) stupid feminine napkin (kumuha ng isa tapos inilagay sa loob ng panty nya sa likod) … tapos na!
    < Mom > : dyan ka ba dinadaluyan ng dugo!? ilagay mo sa harap! … umayos ka kung hinde
    < Anton > : (galit na kinuha ulit yung napkin, tapos inilagay sa loob ng panty nya sa harap) yan! masaya ka na! protektado na ko ngayon sa regla!!!
    < Mom > : mabuti naman!!! … alis na ko (then kiss Anton's cheek sabay alis na)
    < Anton > : (mahinang boses) may Mommy nga ako, siraulo naman
    < Mom's voice > : anong sinabi mo!?
    < Anton > : ang sabi ko, may siraulo akong Mommy!!!
    < Mom's voice > : ganun ba! mahal din kita!!!
    < Everyone > : hahahaha...
    < Christoper > : ang ganda mo ngayon Anton ah, gusto mong makipag-deyt sa kin?
    < Anton > : tumigil ka na nga kung hinde
    < Rex > : pare, papasok ka talagang nakaganyan?
    < Anton > : ganun na nga, kapag hinubad ko to, bugbog sarado na naman ako … kaasar nga eh (nangangate)
    < Mia > : pasok na tayo Ann mahuhuli na tayo
    < Ann > : tara
    < Rex > : sige pasok na kayo, uwi na ko (paalis na sana)
    < Christoper > : … ah Rex
    < Rex > : ..?
    < Christoper > : tungkol nga pala sa higschool kanina, hindi ko, sinasadyang, sabihin yon
    < Rex > : (no response)
    < Christoper > : forgiveness?
    < Rex > : forgiveness (smiling)
    (then they hug)

    --- end of Chapter 40 ---

  2. #2
    Short Film Coming : Negative One
    " Ang Pagbabalik "
    Chapter 41

    (other location)
    (school)
    (everyone is looking at Anton)

    < Passerby > : gandang prom dress nyan ah
    < Anton > : (angry face)
    < Student > : saan debu party?
    < Anton > : (nagtakip ng mukha)
    (outside the classroom)
    < Classmate > : bakit hindi mo dagdagan ng feathers malamig ngayon
    < Anton > : (uppercut gesture)
    (pumasok na lahat sa classroom except Ann)
    < Ann > : (pinulot yung nalaglag na libro)
    (lumabas teacher sa room)
    < Teacher > : … o Anton, ano yang suot mo?
    < Anton > : gusto ko nang mamatay (tapos pumasok na sa room)
    < Ann > : (papasok na sana)
    < Teacher > : ah Ann
    < Everybody's voice inside the classroom > : (laughing loudly)
    < Anton's voice > : shut up!
    < Teacher > : Ann kausapin muna kita sandale
    < Ann > : ano po yun Ma'am?
    < Teacher > : gusto ko sanang humingi ng pabor sayo
    < Ann > : pabor po?
    < Teacher > : oo … oo sana … pwede bang, ayusan mo ko?
    < Ann > : o sige po, ano po bang okasyon?
    < Teacher > : yung ka-chat ko sa internet, mag-a-eye ball kami … nakakapressure nga kasi mahigit tatlong taon na kaming nagliligawan sa internet, gusto ko sanang mag-projek ng magandang first impression … ikaw lang kasi ang kakilala ko na mukhang alam ang dapat iayos eh … pasensya ka na
    < Ann > : walang problema Ma'am, hindi po abala yun sa akin
    < Teacher > : talaga? naku (happy)
    < Ann > : I'm impress Ma'am, ngayon lang po ako nagkaroon ng kakilala na nagkaroon ng love life sa internet
    < Teacher > : ang pinakamaganda na sigurong mangyayari eh, ito na magiging, mapapakasalan ko (tawa)
    < Ann > : nice! that's great, nicely done Ma'am … ngayon, may pagkakataon na kayong hindi na maging virgin
    < Teacher > : (awkward face) pero, hindi na ko virgin
    < Ann > : o-key, “whatever” (doing quotation gestures)
    < Teacher > : hindi na ko virgin hindi na ko virgin!
    < Ann > : o-key, “whatever”
    < Teacher > : totoo! tignan mo, ipapakita ko sayo (tapos naghuhubad ng palda)
    < Ann > : o-key, “whatever”
    < Teacher > : (naghubad talaga ng panty sa hallway)

    (inside the classroom)

    < Christoper > : ang ganda ng korona mo pare ah
    < Anton > : tiara, tiara tawag dyan pare
    < Mia > : ang landi nito
    < Christoper > : ngayon, ang pangarap mong maging isang prinsesa natupad na
    < Anton > : (natawa) kulang na lang, rainbow at unicorn para kumpleto na
    < Mia > : ang landi Anton, bawasan ang kalandian
    < Anton > : (cellphone gesture) hello animal control? may gumagalang black panther dito, pakihule
    < Mia > : um! (pinalo si Anton)
    < Christoper > : (cellphone gesture) Delta one to sniper, Delta one to sniper, pakibaril yung nakaitim, I repeat, yung nakaitim
    < Mia > : ako ba pinariringgan mo!? hindi ako nakaitim leche ka!
    < Christoper > : (cellphone gesture) yung magandang lalake, pakibaril
    < Anton > : yung pogi
    < Mia > : um! (pinalo si Anton)
    < Anton > : aray!
    < Mia > : ang kapal mo
    < Anton > : ikaw Mia, anong pangarap mo sa buhay?
    < Mia > : ako yung …
    < Anton > : shut up!!! inaantok na ko! gusto ko nang matulog!
    < Mia > : ikaw, mas shut up
    < Anton > : shut up!!!
    < Mia > : tumahimik ka!
    < Anton > : (umutot)
    < Mia > : ano ba---
    < Vincent > : Anton, ba't ayaw mo na lang hubarin dito para hindi ka na pagtawanan … pahiramin kita ng damit ko, meron pa kong extra kung gusto mo
    < Anton > : huh? hindi pwede … gusto ko sanang tanggalin lahat to pero hindi pwede
    < Christoper > : wala naman dito Mommy mo ah, anong kinakatakot mo
    < Anton > : may mga wiring yung damit na to, kailangan malapit sa balat ko yung mga sensors
    < Mia > : kunwari ka pa, favorite mong damit yan
    < Anton > : ang kati nga minsan eh (nagkakamot)
    < Vincent > : tulungan kita (kinakamot si Anton)
    < Anton > : dito sa likod pare
    < Vincent > : dito?
    < Christoper > : ... mukhang busy sila ah
    < Mia > : Christoper, samahan mo naman kami mamaya ni Ann sa kubeta na may nakakalat na mga tae sa loob
    < Christoper > : (awkward face) ba't naman kayo pupunta don?
    < Mia > : volunteered journalist kasi ako sa school paper natin, kailangan ko ng article na isusulat
    < Anton > : medyo ibaba mo pa pare, yan yan sa likod
    < Vincent > : ibaba ko pa? (kinakamot si Anton)
    (fading to blackscreen)

    --- end of Chapter 41 ---

    FOR ALL CHAPTERS
    http://shortfilmcoming.forumotion.net/forum.htm

  3. #3
    From AUTHOR's Notes

    < delay > : hello readers,

    Facts about Short Film Coming

    # 4 ... sa second story, kababata ni Christoper sina Rex at Anton ... naging kaibigan lang ni Christoper si Elvis sa school kasi parehas ng course

    # 5 ... ang profile ni Ann sa istorya, kinuha ko sa image ni Anne Curtis

    Originally posted on ...
    - December 18, 2008

    (campus)
    (Ann and Christoper walking)

    < Ann > : … mag-shift kaya ako ng course
    < Christoper > : ba’t ano bang gusto mong kunin?
    < Ann > : gusto ko sanang maging astronaut … may course ba nun?
    < Christoper > : astrology yata kailangan don
    < Ann > : eh ano ba yung cosmetology? Di ba sa rootword ng cosmonaut yun?
    < Christoper > : malay ko … ako, pagka-graduate ko, mag-aapply ako ng presidente ng kumpanya
    < Ann > : pwede, magtayo ka ng sariling kumpanya, ikaw ang …
    < Christoper > : hinde, yung mag-aapply … halimbawa sa Nokia … o kaya sa Porsche
    (Warren approaches)
    < Warren > : Tupe, Final Fantasy mo (binigay yung PS2 na bala)
    < Christoper > : ay! Nakalimutan ko, bukas, bukas talaga
    < Warren > : Guilty Gear saka Shadow Hearts
    < Christoper > : o sige … teka (nilagay sa loob yung bala) … may sinuli sa kin si Johanson, eto na muna sayo (may kinuha sa bag tapos napansin si Ann)
    < Ann > : … (smiling big while staring at Warren)
    < Christoper > : ay … kaklase ko, kaibigan ko, kaibigan ko, kaklase ko
    < Warren > : hi
    < Ann > : … (smiling big, no response)
    < Warren > : Warren, kamusta (offer hand)
    < Ann > : Ann (shakehands then laugh loudly)
    < Christoper > : (binigay yung PS2 na bala) … ingatan mo yan
    < Warren > : oo ba … yung dalawa pang bala bukas, kukunin ko pa rin … sige … Ann sige (then leave)
    < Ann > : … (still smiling big)
    < Christoper > : huy! (siniko nang mahina si Ann)
    < Ann > : (inamoy yung kamay) hmm— ang bango … hindi na ko maliligo, habang— buhay
    < Christoper > : (tinitignan loob ng CD case) walang laman to ah (tapos tinignan yung cover ng case) … hindi Final Fantasy pala, nasan na yun?
    < Ann > : wag kang maingay … imaginary boyfriend ko yun
    < Christoper > : huh!? Akala ko ba ako?
    < Ann > : pangatlo ka … pangalawa si Elmo
    < Christoper > : (natawa) … si Elmo (then imporsination of Elmo sa kamay nya) hahahahaha (ginaya tawa ni Elmo)
    < Ann > : mali naman to
    < Christoper > : eh pano ba? (then snakebite sa mukha ni Ann) hiss!
    < Ann > : ano ba

    (the day after)

    (campus corridor)
    (class dismissal of students, one of them is Nelson going out of the room)

    < Ann > : (sumulpot bigla) Nelson!
    < Nelson > : ..?
    < Ann > : samahan mo muna ako
    < Nelson > : hindi pwede, marami pa kong gagawin
    < Ann > : hindi basta, sandali lang to … doon lang tayo sa room ni Christoper dali (hinila si Nelson)
    < Nelson > : teka

    (other location)
    (Ann and Nelson, waiting for Christoper to come out one of the dismissing students from the room)

    < Ann > : … ayan na si Christoper tara (hila ulit kay Nelson)
    < Christoper > : … (paalis na sana)
    (humarang si Ann sa harap ni Christoper)
    < Ann > : (faking tone) ano yun Nelson? Hindi ako maganda? (then fake na iyak)
    < Nelson > : … (awkward face)
    < Ann > : ba’t mo naman sinabi yon? Masakit para sa akin yon kala mo (fake na iyak ulit)
    < Nelson > : pero wala naman akong sinasabing …
    < Ann > : (sigaw bigla) ayoko nang marinig mga dahilan mo! Umalis ka na!
    < Nelson > : ..!
    < Ann > : ayaw na kitang makita ngayon, kahapon, at tatlong taon bago ka ipinanganak! Umalis ka na! alis na! sipain pa kita eh
    < Nelson > : … (umalis na lang)
    < Ann > : … (galit pa rin tignan) wag ka ring magpapakita bukas! … itsura nito (then flip hair) … o Christoper, nandyan ka pala! (then nalungkot)
    < Christoper > : inaway ka ba ni Nelson
    < Ann > : oo nga eh, tulad pa rin nung dati, ang sama-sama nya talaga
    < Christoper > : si Nelson?
    < Ann > : pwede bang makisabay muna sayo? Baka kasi inaabangan ako ni Nelson sa hallway, bugbugin ako
    < Christoper > : … (awkward face) o sige
    < Ann > : tara na! (happy agad)
    (they now walk)
    < Ann > : ngayon ulit kayo magkikita ni Warren di ba?
    < Christoper > : … (awkward face) oo
    < Ann > : yes! buti naman (then nag-pocket powder)
    < Christoper > : … ang alam ko, sabi ni Mia dati, may boyfriend ka na
    < Ann > : meron nga (habang naglalagay ng lip balm)
    < Christoper > : …

    Reader's corner

    @ ethzneuron

    taaaaaasa sad oi.....


    what the hell men, ano ba nakapagpapatawa sayo

    << Updates of new Chapters once a week >>
    enjoy people

  4.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. Kwela Nobela : Chapters 34 - 35
    By delay in forum Humor
    Replies: 1
    Last Post: 10-31-2009, 08:07 PM
  2. Kwela Nobela : Chapters 32 - 33
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 10-31-2009, 08:05 PM
  3. Kwela Nobela : Chapters 29 - 31
    By delay in forum Humor
    Replies: 4
    Last Post: 10-25-2009, 04:29 PM
  4. Kwela Nobela : Chapters 25 - 26
    By delay in forum Humor
    Replies: 2
    Last Post: 01-25-2009, 10:36 PM
  5. Kwela Nobela : Chapters 23 - 24
    By delay in forum Arts & Literature
    Replies: 1
    Last Post: 01-20-2009, 02:03 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top