Page 11 of 17 FirstFirst ... 891011121314 ... LastLast
Results 101 to 110 of 166
  1. #101

    Mark and Jen, balik-prime time
    Article posted September 22, 2009

    ’Ikaw Sana’ comes as a fitting reunion for Mark Herras and Jennylyn Mercado, na huling nakita sa afternoon drama, ‘Sinenovela Presents: Paano Ba Ang Mangarap?’ Press release and photos from GMA Network with additional text by Loretta G. Ramirez.

    In this new dramatic series, Jennylyn Mercado stars as Eliza Montemayor, a music teacher, whose life is about to change. With the untimely death of her mother, napilitan si Eliza na tumira sa legitimate family ng father niya, played by Tirso Cruz III. Dito niya nakilala si Sofia, ang kanyang half-sister portrayed by Pauleen Luna.

    Despite being raised literally and figuratively worlds apart, nagkasundo si Eliza and Sofia quite unexpectedly and quickly became friends. But their blossoming friendship was cut short when they realize that sharing the same father is only one of the many things they have in common. Sofia and Eliza are in love with the same man, si Michael na ginagampanan ni Mark Herras.

    Siguradong maraming mga fans ni Mark and Jen ang matutuwa sa pagbabalik tambalan ng dalawa, lalo na dahil ang Ikaw Sana ay isang napagandang proyekto, a fitting follow-up sa Paano Ba Ang Mangarap? Pero marami sa kanila ang nagtatanong kung may mga daring scenes din ba ang dalawa sa Ikaw Sana?

    "Sa ngayon hindi pa namin alam kasi week one pa lang, nasa at half part pa lang kami ng week two so wala pa pong masyadong [daring scenes],” ang sagot ni Jennylyn. Pero tiniyak naman niya na maraming dapat abangan ang kanilang mga loyal fans sa Ikaw Sana, na siguradong magpapakilig sa kanila.

    For Mark naman, sa tingin niya, mas challenging itong role niya ngayon kaysa sa Paano Ba Ang Mangarap?

    "Ito kasi, magkapatid sila. And then, at first, I have a relationship with Pauleen, and then, mami-meet ko si Jen. Tapos, may conflict kaya hindi ko maituloy ang pag-ibig ko kay Jen because of my lolo [Tony Mabesa]. My lolo is dying at ang request niya, pakasalan ko si Pauleen.

    "Siyempre, kapag makita mo ang lolo mo na nagmamakaawa sa 'yong ganoon at dying, siyempre ‘yun ang susundin mo. Pero siguro, towards the ending, mas ipaglalaban ko pa rin ang feelings ko," ang kwento ni Mark about his character.

    Sa balik tambalan nila nito ni Jen, maraming mga fans and nagdarasal na sana mangyari na ang kanilang pinakahihintay na pagbabalikan. Ano naman kaya ang masasabi ni Mark dito?

    “Ever since naman, hindi naman nawala ang feelings ko for Jen. ‘Yun naman ang pinaka-precious relationship na nagkaroon ako ever since. ‘Yung kay Jen ang pinaka-trinesure ko. ‘Yun ang pinakamatagal at trinesure [ko].”

    Huwag palampasin ang pagbabalik tambalan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado. Panoorin ang Ikaw Sana, magsisimula na ngayong gabi sa GMA Telebabad!

  2. #102
    Meet the cast of Saan Darating ang Umaga:


    Yasmien Kurdi as Shayne Rodrigo Shirley Fuentes as Mylene


    Lani Mercado as Lorie Rodrigo Andrea del Rosario


    Joel Torre as Ruben Rodrigo Arci Munoz


    Pinky Amador as Agatha Rodrigo Dion Ignacio as Raul


    Gary Estrada as Dindo Rodrigo Yasmien Kurdi and Dion Ignacio

  3. #103
    Ang comedy movie ng taon, palabas na!


    Ang matagal na pinauusapan at pinagtatawanang tambalan ng ace comedians Michael V. and Ogie Alcasid ay mapapanood na sa big screen starting today.

    Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie is brought to us by GMA Films and APT Entertainment after the success of this tandem on television.

    Synopsis

    Following the story of Yaya and Angelina in the longest running gag show in the Philippines, Bubble Gang, the movie gives us the back story Angelina’s family and of course kung paano naging yaya ni Angelina si Yaya Rosalinda ‘Cha-Cha’ Lucero (Michael V.).

    And if in Bubble Gang and Hole in the Wall, Yaya is ever so determined to stick it out with the bratty Angelina, dito sa movie, Angelina will badly hit Yaya's patience meter which sends Yaya packing out of the Arespacochaga (Angelina's family name) household for good. Ano kaya ang ginawa ng pilyang si Angelina para mapaalis si Yaya?

    But however spoiled and scheming Angelina is, nalungkot ng husto si Angelina sa pagkawala ni Yaya. And during her alone moment, she accidentally uncovers a terrorist plot para i-assassinate ang Duchess of Wellington who is scheduled to visit her school. Because of her nosiness, Angelina is eventually discovered at na-kidnap ng mga terrorists!

    What will happen to the bratty Angelina? Mapatawad kaya siya ni Yaya at mailigtas sa mga kidnappers? Discover if the combined wits and gall of Yaya and Angelina could save the foreign dignitary at mapigilan ang evil plot ng mga terorista.



    The Cast


    Joining the cast are some of today's most talented stars such as Iza Calzado, Jomari Yllana, Aiko Melendrez, Leo Martinez, Roxanne Guinoo, Sheena Halili, Victor Aliwalas, Pekto Nacua and John Feir.

    Under the direction of the highly-acclaimed Mike Tuviera, Yaya and Angelina: The Spoiled Brat Movie does not only serve to satisfy the wishes of fans but more importantly, make all audience learn and laugh from start to finish.

    So maghanda na para sa comedy movie ng taon, in theaters nationwide beginning today, September 23, 2009.

    And don't forget to catch Yaya and Angelina every weekday afternoon sa Hole in the Wall at tuwing Friday sa Bubble Gang.

  4. #104
    weeeeeeeeee..................

  5. #105
    Former PBB housemate Rico Barrera turns Kapuso



    "Per show pa lang, dito sa Tinik Sa Dibdib. This is a trial for me, kung ano siguro yung acting na ipapakita ko muna, susukatin muna nila ang kakayahan ko," says Rico Barrera about his first project in GMA-7.


    May dating Kapamilya na Kapuso na ngayon.

    Lumipat na sa GMA-7 ang dating housemate sa Pinoy Big Brother (PBB) Season 1 na si Rico Barrera. Kasama si Rico sa bagong Sine Novela ng Siete, ang Tinik Sa Dibdib, na pinagbibidahan nina Sunshine Dizon, Marvin Agustin at Ara Mina. Ito ang pinakaunang project ni Rico para sa Kapuso network.

    "Yeah, this is my first project. Kumbaga, nagkaroon ng audition for this role then tiningnan naman, nag-script reading kami, nagbihis ako nang maayos, ginalingan ko. So ayun. After that, sinabi sa akin, 'Okay, Rico I'll see you again!' So ayun, nakuha naman ako for this project," lahad ni Rico sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tinik Sa Dibdib last Tuesday, September 22.

    Wala raw exclusive na kontrata sa GMA-7 si Rico.

    "Per show pa lang, dito sa Tinik Sa Dibdib. This is a trial for me, kung ano siguro yung acting na ipapakita ko muna, susukatin muna nila ang kakayahan ko."

    Ayaw magkumpara ni Rico sa Dos at Siete.

    "Hindi naman talaga dapat mag-compare. Basta happy ako dito sa GMA, my new home. Tinutulungan nila ako kaya sobrang happy ako dito."

    May pagsisisi ba siya sa naging takbo ng career niya sa ABS?

    "Siguro hindi naman sisi talaga, pero minsan napapaisip ako. Minsan pag binabalikan mo yung past mo, minsan may kulang, e. Alam mo yung ganun? Like pagkalabas ko ng PBB, hindi ko naman kasi alam na pagiging artista pala ang kalalabasan ko, so wala talaga akong plans. Pero after that, sinabak ako sa showbiz, so minahal ko na yung trabaho," saad ni Rico.

    Nagkikita pa ba sila ng mga dati niyang housemates?

    "Hindi na gaano, e. Textmates na lang. Si Franzen [Fajardo] dumadalaw sa bahay minsan, dumadaan muna sa bahay bago pumunta sa taping niya," banggit ni Rico.

    Bukod kina Sunshine, Marvin, Ara, at Rico, kasama rin sa Tinik Sa Dibdib sina Bembol Roco, Daria Ramirez, Michelle Madrigal, Deborah Sun, Jen Rosendahl, Miguel Tanfelix, at Maybelyn dela Cruz.

    LIFE AFTER PBB. Pagkatapos niyang sumali sa PBB noong 2005, nag-stay si Rico sa ABS-CBN hanggang 2007.

    "Pero right now talaga, I'm a freelancer na talaga," banggit niya.

    Nang matapos ang kontrata niya sa Star Magic, halos nabakante raw siya at puro guestings lang ang pinagkaabalahan niya sa showbiz.

    Ani Rico, "Pasulput-sulpot lang. Pero having a regular show, hindi ako nakuha sa mga ganun. Ang last na pinaka-regular ko is Super Inggo pa, that was 2007."

    Kaya naman nang medyo nanamlay ang showbiz career niya, itinuon daw ni Rico ang atensiyon at panahon niya sa negosyo.

    "Siyempre meron akong personal life, and we have a business sa Pampanga na pawnshop, sa San Fernando. So, dun muna ako nag-concentrate, kami ng mama ko. May investments din ako dun, tiningnan ko, binantayan ko. Actually when I was in PBB, nandun na talaga yung business namin, so medyo umuwi-uwi na muna ako. I'd visit my dad in Subic," kuwento niya.

    Nag-aral din daw si Rico sa culinary school.

    "That was last year sa Aristocrat, sa CIA, sa Culinary Institute of Aristocrat, more on sa baking lang siya. Like kapag gusto mong magnegosyo ng bakery, ng bakeshop. That was ano lang, six months lang, it's all about mga cakes, chocolates, mga cookies, basic baking. Hindi naman siya yung as in lahat ng cuisines, puro baked products lang."


    RICO OPENS UP ABOUT HIS FAMILY. Habang wala siyang ginagawa, dumalaw rin si Rico sa ama niyang nasa Subic. Magkahiwalay kasi ang parents niya at may kanya-kanyang pamilya na.

    "Iyon ang pinaka-in-open up ko sa PBB, yung problem about sa family ko before, yung hiwalay sila. Then, yung mga kapatid ko sa mama ko, hindi nila alam na kapatid nila ako. Ang alam nila, pinsan nila ako. Then one day, pumasok sila sa school, may nagsabi na sa kanila na, 'Uy, kapatid mo pala si Rico Barrera ng PBB!' So ayun yung pinakaano sa buhay ko."

    Bakit inilihim sa umpisa na anak din siya ng kanyang mama?

    "Kasi, di ba, nagkahiwalay sila? So nagkaroon ng family yung mama ko, nagkaroon ng family yung father ko. So, nagkaroon yung mama ko ng asawa na politician. So yung reputation nila, pinangalagaan nila kumbaga. Hindi nila puwedeng ipaalam na may anak siyang una sa iba. So, itinago ako hanggang sa tumagal nang tumagal. Nalaman lang ng marami, 2005. Actually sa PBB, dun talaga na-discover, kasi kuwento ng buhay ang kailangan.

    "Okay na okay na kaming lahat ngayon, actually since 2006 pa. Alam na nila na kadugo nila ako. Ang stepfather ko, matagal na niyang alam. Okay kami, wala siyang pinagbago sa treatment or what."

    Solong namumuhay si Rico.

    "Independent ako dito. I live by myself lang here, I'm staying in Q.C. Kasi before, taga-Makati ako, so nag-Q.C. ako kasi nga dito sa GMA. And thankful naman ako kasi right decision, kasi lahat ng tapings ng Tinik Sa Dibdib, puro Scout areas, e."



    READY TO GO SEXY. Handa rin daw magpa-sexy si Rico.

    "Oo naman," sambit niya. "Di ba, nakita n'yo naman ako sa PBB, lumalakad-lakad ako dun na naka-boxers at naka-ano lang?"

    Hanggang saan ang kaya niyang pagpapakita ng katawan?

    "Hmmm, ano ba? Hanggang mga topless lang, e. Wala pa namang offer, pero kaya ko naman, kasi modelo ako before."

    Frontal nudity, kaya niya?

    "A, hindi ko kaya. Siguro hanggang butt exposure lang, hanggang dun lang. Yung family ko kasi, e, medyo conservative. Frontal, hindi ko kaya," aniya.

    What about gay love scenes?

    "Depende sa partner siguro. It depends upon sa partner. Siguro sa partner, kung sobrang galing na artista na matutulungan niya ako sa eksena. And depende sa direktor at basta maganda yung story," sagot ni Rico.

  6. #106
    A grand launch for GMA-7's Sine Novela

    Simula September 28, mapapaaga na ang prime offerings ng GMA-7 with 'Kaya Kong Abutin ang Langit' at 'Tinik sa Dibdib.' Text by Jason John S. Lim. Photos by Mio de Castro.

    Sa pagtatapos ng Ngayon at Kailanman at Kung Aagawin Mo ang Lahat sa Akin, inihanda na ng GMA-7 ang dalawa sa pinaka nakaaantig na classic movies na siguradong magpapaluha na naman sa atin tuwing hapon: ang Kaya Kong Abutin ang Langit at ang Tinik sa Dibdib.

    Now entering its third year, tuloy-tuloy pa rin ang GMA-7 sa pagbibigay ng dekalidad na programa sa afternoon timeslot.

    "Sa pagbubukas ng bagong season ng Sine Novela, tinutupad po ng GMA ang kanilang pangako na makapgbibigay sila ng magagandang remakes sa hapon." Ito ang sinabi ni Iza Calzado during the grand press launch para sa dalawang bagong Dramarama series.

    Dagdag ni Sunshine Dizon, ang Kaya Kong Abutin ang Langit at Tinik sa Dibdib ay "isang pasasalamat sa mga loyal Dramarama audience na ginawa pong number one ang timeslot na ito noon pa man."

    Engrande ang press conference na inihanda para sa dalawang shows na prime offerings ang turing ng network.

    Iza shares to the press present at the press con, "alam niyo po, kami ni Sunshine, super excited namin." Aside from this being their first Sine Novelas, Iza says it's made more special by the fact that they're doing it at the same time, and back-to-back.

    She adds; "Personally, reprising the role that was made famous by Miss Maricel Soriano is a very challenging task. Pero alam ko po na sa tulong ng production and, of course, ng creative team, ay masisiyahan naman po kayo sa aking pag ganap bilang Clarissa Gardamonte sa Kaya Kong Abutin ang Langit."

    And Sunshine agrees with her colleague. "I also feel the same way," panimula niya. "It's such an honor to be playing another classic by Miss Nora Aunor."

    The actress says that she doesn't plan on competing with the original; "Wala na pong papalit kay Ate Guy, but I just hope and dream na sana, kahit konti po, ay mabigyan ko ng justice 'yung ginawa ni Ate Guy." Dagdag rin niya, "I'm sure na hindi ito mapababayaan ng napakagaling na creative team at production, para po siyempre [ay] masiyahan kayo sa Tinik sa Dibdib."

    Malaki naman ang pasasalamat ng GMA Network kina Iza at Sunshine sa kanilang pagtanggap sa kanilang bagong mga roles. This is according to GMA-7's SVP for Entertainment TV, Miss Wilma Galvante.

    "Matagal namin itong sinasabi kay Iza, kay Sunshine—pero tama rin naman na hindi pa nila ginawa [before], kasi ito 'yung dalawang projects na tamang-tama para sa kanila." Miss Wilma even went on to say that as far as casting goes, Iza and Sunshine are perfect choices para sa kanilang roles.

    Kaya huwag palampasin ang grand premiere ng dalawang Sine Novela series ngayong Lunes, ika-28 ng Setyembre, sa nangunguna at 'di natitinag na Dramarama sa Hapon block ng GMA-7.

  7. #107
    AGB Mega Manila TV Ratings (Sept. 15-17): GMA-7 Telebabad block prevails



    Here are the comparative TV ratings of ABS-CBN, TV5, and GMA-7 programs from September 15 to 17, based on the overnight ratings of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

    September 15, Tuesday
    Daytime:

    1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 27.1%
    2. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) - 26.3%
    3. Ngayon at Kailanman (GMA-7) - 19.6%
    4. Daisy Siete: Chacha Muchacha (GMA-7) - 17.4%
    5. Kambal Sa Uma (ABS-CBN) - 15.1%
    6. Last Romance (GMA-7) - 14.6%
    7. Wowowee (ABS-CBN) - 13.7%
    8. Hunter X Hunter (GMA-7) - 12.2%
    9. Hole In The Wall (GMA-7) - 11.4%
    10. Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin (ABS-CBN) - 10.5%


    Primetime:

    1. Darna (GMA-7) - 40%
    2. Tayong Dalawa (ABS-CBN) - 35.6%
    3. Stairway To Heaven (GMA-7) - 32.1%
    4. May Bukas Pa (ABS-CBN) - 31.9%
    5. 24 Oras (GMA-7) - 31.7%
    6. Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) - 31.2%
    7. TV Patrol World (ABS-CBN) - 29.6%
    8. Rosalinda (GMA-7) - 29.2%
    9. Survivor Philippines: Palau (GMA-7) - 24.6%
    10. Florinda (ABS-CBN) - 20.8%


    September 16, Wednesday
    Daytime:

    1. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) - 23.1%
    2. Eat Bulaga! (GMA-7) - 22.9%
    3. Ngayon at Kailanman (GMA-7) - 21.7%
    4. Daisy Siete: Chacha Muchacha (GMA-7) - 17.4%
    5. Wowowee (ABS-CBN) - 15.8%
    6. Kambal Sa Uma (ABS-CBN) - 15.4%
    7. Hunter X Hunter (GMA-7) - 12.2%
    8. Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) - 11.9%
    9. Spongebob Squarepants (TV5) / Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin (ABS-CBN) - 11.4%
    10. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 11.3%


    Primetime:

    1. Darna (GMA-7) - 36.7%
    2. Stairway To Heaven (GMA-7) - 32.1%
    3. Tayong Dalawa (ABS-CBN) - 30.5%
    4. Rosalinda (GMA-7) - 30.3%
    5. 24 Oras (GMA-7) - 30.1%
    6. Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) - 29.3%
    7. TV Patrol World (ABS-CBN) - 29.2%
    8. May Bukas Pa (ABS-CBN) - 28.7%
    9. Survivor Philippines: Palau (GMA-7) - 24.8%
    10. Katorse (ABS-CBN) - 21%


    September 17, Thursday
    Daytime:

    1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 26.1%
    2. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) - 22.3%
    3. Ngayon at Kailanman (GMA-7) - 21.6%
    4. Daisy Siete: Chacha Muchacha (GMA-7) - 16.3%
    5. Kambal Sa Uma (ABS-CBN) - 14.1%
    6. Wowowee (ABS-CBN) - 13.3%
    7. Hunter X Hunter (GMA-7) - 12.7%
    8. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 11.8%
    9. Maria de Jesus: Anghel Sa Lansangan (ABS-CBN) - 11.4%
    10. Last Romance (GMA-7) - 11.2%


    Primetime:

    1. Darna (GMA-7) - 36.9%
    2. Rosalinda (GMA-7) - 33.1%
    3. Stairway To Heaven (GMA-7) - 32.5%
    4. Tayong Dalawa (ABS-CBN) - 30.8%
    5. 24 Oras (GMA-7) - 29.8%
    6. May Bukas Pa (ABS-CBN) - 29.3%
    7. Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) - 28.9%
    8. TV Patrol World (ABS-CBN) - 27.7%
    9. Survivor Philippines: Palau (GMA-7) - 26.1%
    10. Florinda (ABS-CBN) - 20.1%


    Source: AGB Nielsen Philippines



  8. #108
    flying high jud si Darna da, di na jud maabot ni Santino, knanglan na mupatabang ni Bro

  9. #109
    idol jud nako dodong dantes kay naa cya foundation with help from his friends. nver realize na bigatin pala mga kaibigan nya. but still, it goes to show his true person. stairway to heaven is also nice.

  10. #110
    maau man ang GMA but ang mga dikalebre nga artista tua sa TRES.....

  11.    Advertisement

Page 11 of 17 FirstFirst ... 891011121314 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. For Sale: Rod and reel plus freebies for 1k only
    By NiveD in forum Sporting Goods
    Replies: 8
    Last Post: 07-23-2012, 10:45 PM
  2. Looking For: House and lot/Town house for sale only in mandaue city
    By Micasa101 in forum Real Estate
    Replies: 1
    Last Post: 02-20-2011, 05:07 PM
  3. For Sale: Repost FAMOUS stars and straps Fitted cap for 600 only fix
    By Bonzter in forum Clothing & Accessories
    Replies: 0
    Last Post: 04-22-2010, 11:31 PM
  4. For Sale: mint zoom g2 and boss mt-2 for 4k only
    By ohoixmakoi in forum Music & Movies
    Replies: 14
    Last Post: 01-28-2010, 10:35 AM
  5. For Sale: ZBT Ride 22" and hi-hat 14" for 4k only.
    By Bonzter in forum Music & Movies
    Replies: 4
    Last Post: 07-01-2009, 02:07 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top