The golden opportunities to Cebuano talents to become rich and famous beyond their wildest dreams is coming soon!!!
StarStruck V audition begins
Inilunsad ng GMA 7 sa musical-variety show na
SOP ang audition para sa mga kabataan na nangangarap na maging susunod na iidolohin via reality artista search show na
StarStruck V.
Kasabay nito, muling pumailanlang ang mga salitang "Dream, Believe, Survive" nang lumabas na sa isang singing production number ang
SOP hosts na sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Jaya, at Regine Velasquez. Puro mga kantang pang-baguhan at mga nangangarap maging sikat na artista ang mga kinanta nila, katulad ng "The Dream (Hold On To Your Dream)" ni Irene Cara, "I Believe I Can Fly" ni R. Kelly, Cake's version of "I Will Survive," at ang "Lucky Star" ni Madonna.
Habang kumakanta ang mga host ay nagpa-pan naman ang TV cameras sa mga nag-o-audition for StarStruck V na umaga pa lang ay nakapila na sa labas ng GMA Studio 7 at Studio 5 sa GMA Network Drive. Mayroon ding live remote feeds ng auditions sa mga lugar na tulad ng SM Cebu, SM Davao, SM Iloilo, at Stadia sa Dagupan.
Mga aspirants mula edad 16 hanggang 23, lalaki, babae, bakla, at tomboy ay nakapila para sa tsansang mapili bilang isa sa mga mapapalad na official StarStruck finalists (Final 14).
Tatakbo ang audition buong September at mag-e-air officially ang kinagigiliwang talent show sa November.
Para sa mga interesado pang sumali, ang requirement ay photocopy at certified true copy ng birth certificate, pictures (one close up and one whole body), at parental consent at parent's valid I.D. para sa mga below 18 ang edad.
Ang schedule ng auditions ay sa: Sept. 1 to Oct. 2, mula Lunes hanggang Biyernes lamang sa GMA Network Center; Sept. 5 to 6 sa CSI Dagupan, SM Pampanga, at SM Cebu;
Sept. 12 to 13 sa SM Davao, SM Iloilo at muli sa SM Cebu; Sept. 19 to 20 sa SM Cagayan de Oro, SM Molino, at SM Bacolod; at Sept. 25 to 27 sa SM Naga.
Now is a good time for young students to quit school, practice their talents, make themselves look pretty and join the audition!!!