Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 10 of 28
  1. #1

    Default 21 Commandments from the Loveless Guru


    ito ang "21 commandments of relationship" na dapat mo'ng malaman..


    1. Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya. (If you don't love the person, don't show any motive for him/her to love you)

    2. Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba. (Don't let go of a thing that you don't want another person to hold)

    3. Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang. (Don't touch something that you know you'll just let go)

    4. Huwag na huwag kang hahawak kapag alam mong may hawak ka na. (Don't hold something when you know you are already holding something else)

    5. Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin. (It's like an elevator. Why would you force yourself to fit into it if there is no space for you? When there is the stairs. You just choose to ignore it)

    6. Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din. (If you are going to wait for someone to flirt with you, nothing will happen to your life. You have to flirt too)

    7. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang. (If you love someone and he/she does not love you, let it be. Who knows, one of these days, you also won't want him/her anymore.)

    8. Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa. (Break-up when you are not happy. There is no medicine for stupidity but free will).

    9. Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na hindi mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang. (If the one you love doesn't love you back, don't fret. Because, there are also people you don't love but loves you. So it's just fair.)

    10. Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo ung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga ung una. (If you love two people, choose the second one. Because you wouldn't love anyone else if you really love the first one)

    11. Hindi porket madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa. (Not because you are always chatting on the net or the phone, always together everywhere or you always text each other round the clock, it means that he/she likes you and you'll end up together. There are just some people who are naturally friendly, sweet, flirts or just wants to make you fall and hope).

    12. Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka. (Don't rush with a boy or girl. In three, five, ten years, your thinking will change and you might realize that it's not right to choose someone so like you or because he/she is pretty/handsome or you feel so lustful towards that person. It's true that a person's personality and inner beauty is the most important above all else. With the passage of time, even the "nation's sweetheart/crush" would look like pandesal or salt bread.

    13. Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority. (Sometimes, even if it's your schedule, you still have to wait, because you are not the priority.)


    14. Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw ung bida sa script na pinili niya. (It's hard to be casted in a person's life. Especially if you are not the leading lady/ leading man in the script he/she has chosen)

    15. Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
    (Do you know how long is the distance between two people if they turned their backs on each other? You have to roam around the whole world to find the person you've turned your back from).

    16. Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala. (It is better to fail in doing something than to succeed in doing nothing.)

    17. Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan. (Not all things that you can understand is the truth, and not all that you can't understand are lies).

    18. Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, huwag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!

    (If you loved someone and you got hurt, don't blame your heart. The heart is just there to supply blood to your body. Now, if you are good in Anatomy and you are going to blame your hypothalamus that controls your emotions, you are stilll wrong! Why? Oh please! Don't blame your body organs for your emotional pains. Remember: You are only going to be happy if you will learn to accept that it's not your heart, liver or intestine who is to blame of everything that happened to you but YOU yourself!

    19. Pakawalan mo ung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo. (Let go of the thing that hurts you even if it makes you happy. Don't wait for the day that you'll only feel pain and your joy has left you)

    20. Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. (Use your heart to take care of the people close to you. Use your head to take care of yourself.)

    21. Ang pag-ibig parang imburnal nakakatakot mahulogat kapag nahulog ka, its either by accident or talagang tanga ka. (Love is like a sewer. It's scary to fall but if you fell, it's either by accident or it's just that you're really stupid).


    ****well said...Gudluck mga brad!

  2. #2
    magtagbao ta og basa ani!

  3. #3
    Quote Originally Posted by shemustbeasnob View Post
    7. Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang. (If you love someone and he/she does not love you, let it be. Who knows, one of these days, you also won't want him/her anymore.)

    8. Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa. (Break-up when you are not happy. There is no medicine for stupidity but free will).


    19. Pakawalan mo ung mga bagay na nakakasakit sayo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo. (Let go of the thing that hurts you even if it makes you happy. Don't wait for the day that you'll only feel pain and your joy has left you)

    20. Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo. (Use your heart to take care of the people close to you. Use your head to take care of yourself.)

    21. Ang pag-ibig parang imburnal nakakatakot mahulogat kapag nahulog ka, its either by accident or talagang tanga ka. (Love is like a sewer. It's scary to fall but if you fell, it's either by accident or it's just that you're really stupid).


    ****well said...Gudluck mga brad!
    those are the commandments that suits me...

  4. #4
    ^^kang bob ong mn ni nga sayings..ehehhehe

  5. #5
    bob ong who?

  6. #6
    Quote Originally Posted by shemustbeasnob View Post
    bob ong who?
    usa na xa ka author oi..naa pa gani ko mga qoutes ana niya nga gtagoan
    di.ara ai..

    "ayokong masanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko."

    "Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan."

    “Kung hindi mo mahal and isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya..”

    “Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”
    “Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

    “…mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.”

    ”…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
    “Nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

    ”Mag-aral maigi; Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”

    “…ayokong sabihing susubok naman ako ng iba. Walang “iba”. Wala akong iiwan, meron lang babalikan. Kung meron mang iba sa ginawa ko, yun ay ang Bobong Pinoy. Kung may magsasabi man sa hinaharap na: “Sana nagpatawa ka na lang!” Yun ay opinyong handa kong tanggapin. Marami ang kaya at pwedeng gumawa ng mga isinusulat ko ngayon para sa mga mambabasa, pero ang gusto kong isulat at gawin para sa sarili, walang pwedeng tumupad kundi ako. Inumpisahan ko ang dialogue sa ikatlong libro para ipakilala sa mambabasa ang fiction. Umatras pa ‘ko ng bahagya sa ikaapat para mas maging kumportable sila dito. Sa mga susunod pa, pwede na siguro ako magtangka ng maikling kwento o nobela. Tulad ng pagsusulat ko, ayoko rin kasi malimitahan ang pagbabasa ng mga tao sa iisang klase ng libro…”

    “iba ang informal gramar sa mali!!!”

    “Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

    “Kung kabayo gagawa ng libro mahirap maging palaging politically correct para sa mga damo”

    “Kung ako ay isang walang kwentang manunulat, english ang isusulat ko, para kahit anu anu ang sabihin ko hindi na nila mahahalata.. Kaya nga ako nagsulat sa tagalog para maintindihan ng mambabasa ang lahat ng sinasabi ko”

    “Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

    “Hi*****in mo lahat ng kakilala mo na magkaroon kahit isa man lang paboritong libro sa buong buhay nila..dahil walang
    mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa “

    “Kung paniniwalaan namin kayo na hindi naglaro ng tubig kahit na basa ang damit n’yo, kayo ang niloloko namin; Hindi kayo ang nakapanloloko.”

    “Para san ba ang cellphone na may camera? Kung kailangan sa buhay un, dapat matagal na kong patay.”

    “Iba ang walang ginagawa sa gumagawa ng wala”

    ” Hi*****in mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa. “

    “Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.”

    “Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”

    __________________

  7. #7
    nice nice.. thanks for sharing this..

  8. #8
    waahhh.. taasa sad oi...

  9. #9
    payter ani oi hehehe daghan lessons to be learned pa jud d ay

  10. #10
    nindot ni dah... hehehe...

  11.    Advertisement

Page 1 of 3 123 LastLast

Similar Threads

 
  1. For Sale: FOREVER 21 DRESSES FROM THE U.S. >perfect for Christmas<
    By doyceebabe in forum Clothing & Accessories
    Replies: 28
    Last Post: 06-22-2011, 09:26 AM
  2. For Sale: FOREVER 21 tops! fresh from the U.S!!!
    By marsh_27 in forum Clothing & Accessories
    Replies: 0
    Last Post: 11-20-2008, 12:45 PM
  3. FS: FOREVER 21 NECKLACES FROM THE U.S.UPDATED 5.18.2008
    By soulstar88 in forum Clothing & Accessories
    Replies: 24
    Last Post: 06-05-2008, 10:24 AM
  4. Replies: 1
    Last Post: 09-09-2007, 08:50 AM
  5. Daily Scripture Reading (from the Catholic Bible)
    By thisbe.ara in forum Arts & Literature
    Replies: 580
    Last Post: 03-20-2007, 01:25 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top