Either its conspiracy or it was news block out as of today. Still no news or information on whats happening, maybe one of it is true.
(a letter from an OFW in Saudi.)
(Mula sa Inbox) Sir Even, paki post na lang po para malaman ng government diyan sa Pilipinas. Nag-start na po ang giyera dito sa Saudi, wala pong nagbalita dahil naka-block ang media dito. Sana po malaman ng government natin para makauwi na kaming mga OFW. Maraming salamat po.
From Anonymous
==
SAGOT: Sa mga kababayang OFW lalo na sa Saudi Arabia, wala pa kaming natatanggap na ulat na nagkaroon giyera sa naturang bansa. Gayunman, may mga ulat na nagbanta umano ang Saudi Arabia na maglunsad ng giyera laban sa Syria. Ito umano ang dahilan kung bakit nagsasagawa ngayon ng pinakamalaking military exercise ang Saudi Arabia na tinatawag nilang Operation Thunder. Ang naturang military exercise ay nilahukan ng mga Muslim countries kabilang ang United Arab Emirates, Jordan, Bahrain, Senagal, Sudan, Kuwait, Maldives, Morocco, Pakistan, Chad, Tunisia, Comoros, Djibouti, Oman, Qatar, Malaysia, Egypt, Mauritania at Mauritius. Ayon sa ilang analyst, ang naturang military exercise ng Saudi Arabia ay maaaring hudyat ng World War III. Ang Syria kasi ay kaalyadong bansa ng Russia habang ang Saudi Arabia naman ay kaalyado ng Amerika. Nilinaw naman ng Saudi Arabia na ang naturang military exercise ay para sa banta ng terorismo. Sa ngayon, mananatiling mahinahon at mapagmatyag sa kasalukuyang kaganapan lalo na sa mga kababayan nating OFW na nasa Middle East. Manatiling nakatutok sa page na ito. Ingat lagi. God bless.
-Even Demata
source: https://www.facebook.com/evendematafanpage