TV5 give up na kay Willie Revillame
SHOW MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 18, 2013 - 12:00am
Magkakaroon daw ng major movement na naman ang mga programa ng TV5. Ayon sa isang source, diumano mawawala na raw kasi ang programa ni Willie Revillame na Wowowillie. Hindi pa rin daw kasi nagre-rate ang show kaya nagdesisyon na ang TV5 na tuluyan na itong tsugihin sa ere.
Consistent ang nagkuwento na ang host lang naman nito diumano ang kumikita bilang sa kanya napupunta ang kita ng mga commercial at hindi sa kaban ng nasabing network. Kaya ayun, tutuluyan na raw titigukin ang nasabing programa.
Saka matatapos na raw kasi ang kontrata ng TV host sa TV5 at wala na itong pag-asang i-renew pa.
Wala pang official na statement ang TV5 tungkol dito.
Wait natin na i-confirm ito ng pag-aaring network ni Mr. Manny Pangilinan kung hindi na nga sila interesado sa TV host-comedian.
Nauna nang itinanggi ng ABS-CBN na wala sa plano nilang pabalikin ang TV host dahil happy na sila sa programa nila sa tanghali na Showtime.
Source: TV5 give up na kay Willie Revillame | PSN Showbiz, Pilipino Star Ngayon Sections, Pilipino Star Ngayon | philstar.com
- hip!hip! Horay!! mayra! kay samok kaayo ni si Wille Bad influence kaayo sa mga Minors og di jud niya mapugngan ang pagka MANYAK ui!! Dawata na Will nga laos na jud ka!! di na jud pwede ng imoha nga gamiton nmo mga tiguwang og special child kay sa mata sa Tawo maayo ka pero deep inside dautan ka.. Salamat sa natabang nmo pero di najud pwede na imoha style kay daghan bata maburos sayo tungod nmo!! Good Job Tv5!!![]()