
Originally Posted by
KDThunder
They heard so many NEGATIVE things About MLM Because of some illegal MLM Companies and other networkers who don’t know how to do the business professionally ruined the Image of MLM.. Actually kaya maraming galit sa MLM eh dahil kasalanan din na mga MLMers at Networkers..
bakit maraming galit na OFW sa networkers? eh pano ba naman sabihan sila na mas pinili pa ang pera kaysa makasama ang pamilya..
bakit maraming EMPLOYEE na galit din sa networkers? eh sabihan ba naman na mga tamad ke kesyo ayaw daw umasenso at kuntento na sa fixed income..
bakit maraming FRIENDS and RELATIVES ang galit sa networking? pagsinungalingan mo ba naman ang close friend mo pati relatives mo para lang maka attend sa mga seminar kung ano-ano pa ang irarason..syempre ikaw na may tiwala sa kaibigan mo sasama ka naman ang ending orientation lang pala..yung trust ng friendship na iningatan ng mahabang panahon nasira na..
bakit maraming tao ang ayaw at galit sa NETWORKING.? eh papano ba naman tawagin kaba namang close minded pag dika nag join sabihan kapa na looser ka at malaking kawalan sayo, wala daw pangarap. etc. etc... then automatically sasabihin nya sa mga kakilala nya yun..theyre not just hurting the person.. but theyre also multiplying the negative effects.... tsk tsk tsk... kawawa yung mga matitinong networker.. nadadamay!
I am not an anti MLM... because I am a member of an MLM company until now...pero ako mismo nasabi ko sa self ko may mali sa sinalihan ko actually nadala lang din ako ng friend ko dun ko nalaman yung maling system na ginagawa nila para makahatak ng tao... dalawang MLM na napasukan ko pare-pareho lang ng sistema, para sakin di ko kaylangang mag sinungaling para lang magka prospect or pay in..kaya tinamad nako sa ganyang klase ng business maling mali yung tinuturo nilang technique sa mga new member ang nagiging outcome sa iba nagiging mayabang na at kahit pa sabihing ok lang mag sinungaling kase para naman daw sa kanila ganon parin yun paulit-ulit lang ang cycle na yan...pag nagka downline ka tuturuan mo ring mag sinungaling tsk2.. if you really are a professional networker it would be great if hindi tayo magiging matapobre sa kapwa mas maganda isipin na nag join yung downline mo hindi dahil sa hype kundi dahil nakikita nyah pagiging sincerity mo as a leader...simple lang yan eh di natin mapipilit ang tao sa bagay na nagustuhan natin,bago siguro tayo tumingin sa iba.. tignan muna natin ang sarili nating industriya...