Liquor can destroy the Liver if grabe ka palahubog.
Liquor can destroy the Liver if grabe ka palahubog.
wil... bsta too much of everythng dli naman jud na maau.. so drink moderately..![]()
yap napz.
san ba nagsisimula yan? sa paunti unti
wow. anyway ts. wiki has tons of unreliable things on it.
too much alcohol intake make your belly big this is immediate result, if you still keep on drinking it may lead to stroke.. so if you love your family avoid drinking alcoholic beverage
One case everyday with friends.. Murag okay nana da. :d
Off topic muna.
share ulit ng Salita ng Diyos.
Awit ng pagpupuri ng mga Israelita at ng mga Kristiano ngayon sa pagpapala, pag- iingat at tagumpay na ipinagkakaloob ng Diyos sa Kanyang piniling bayan at mga ginawang anak sa pamamagitan ni Kristo Hesus.
1 Cronica 16:8
8 Magpasalamat kay Yahweh, tumawag sa kanyang pangalan;
ang lahat ng gawa niya sa lahat ay ipaalam.
9 Umawit ng pagpupuri at siya ay parangalan,
ang kahanga-hangang gawa'y ibalita kahit saan.
10 Dapat kayong magalak, sapagkat kayo'y kanyang bayan,
ang lahat ng sumasamba sa kanya ay magdiwang.
11 Lumapit kayo kay Yahweh upang tulong niya'y hingin,
sa tuwina'y parangalan siya at sambahin.
12 Inyong alalahanin ang mga kamangha-mangha niyang gawa,
ang matuwid na paghatol at gawang kahanga-hanga.
13 Mga supling ni Abraham na kanyang lingkod,
ang mga hinirang niya na mga anak ni Jacob.
14 Si Yahweh ang ating Diyos,
nasa buong mundo ang kanyang mga utos.
15 Tipan niyang walang hangga'y hindi niya lilimutin,
kahit libong salinlahi ito'y kanyang tutuparin.
16 Ang ginawa niyang tipan kay Abraham,
pinagtibay kay Isaac ang pangakong sinumpaan.
17 Kay Jacob ibinigay, pinagtibay na kautusan,
walang hanggang tipan sa Israel, ito ang nilalaman:
18 "Ang lupain ng Canaan sa iyo nakalaan.
Ito'y isang pamana ko sa iyo at sa iyong angkan."
19 Nang sila ay kakaunti pa at walang halaga,
nangibang-bayan sila't sa Canaan nakitira.
20 Sa maraming bansa sila'y natatagpuan,
nagpalipat-lipat sa iba't ibang kaharian.
21 Di hinayaan ng Diyos sila'y alipinin,
mga hari'y binalaang huwag silang aapihin.
22 Sabi niya, "Huwag sasaktan ang bayan kong hinirang,
ang mga propeta ko ay iyong igalang."
23 Umawit ka kay Yahweh, buong sanlibutan,
ipahayag araw-araw, bigay niyang kaligtasan.
24 Ipahayag sa mga bansa kanyang kaluwalhatian.
Sabihin sa mga tao gawa niyang makapangyarihan.
25 Si Yahweh ay dakila at karapat-dapat papurihan,
siya ay higit sa mga diyos ng buong sanlibutan.
26 Ang diyos ng mga bansa ay mga diyus-diyosan lamang,
ngunit si Yahweh ang lumikha ng buong kalangitan.
27 Kanya ang kaluwalhatian at karangalan,
lakas at kagalakan nasa kanyang tahanan.
28 Si Yahweh ay purihin ng lahat ng mga bansa,
dapat siyang kilalanin na marangal at dakila.
29 Kilalanin ng lahat maluwalhati niyang pangalan,
bawat isa'y lumapit at siya ay handugan.
Sambahin si Yahweh sa diwa ng kabanalan,
30 sa harap niya ay gumalang ang lahat ng mga bansa.
Ang sandigan ng daigdig ay matibay niyang ginawa.
31 Magalak ang kalangitan, ang daigdig ay matuwa.
"Si Yahweh ay naghahari," ganito ang ibalita.
32 Magpuri ang karagatan at ang lahat ng naroon,
ang lahat sa kabukira'y magpuri kay Yahweh.
33 Umawit ang mga punongkahoy na nasa kagubatan
sa pagdating ni Yahweh upang lahat ay hatulan.
34 Purihin si Yahweh, sa kanyang kabutihan;
pag-ibig niya'y tunay, laging tapat kailanman.
35 Sabihin ding: "Iligtas mo kami, O Diyos ng aming kaligtasan,
tipunin mo kami ngayon at iligtas sa kalaban;
upang aming pasalamatan ang banal mong pangalan
at purihin ka sa iyong kaluwalhatian."
36 Purihin si Yahweh, ang Diyos ng Israel,
purihin siya ngayon at magpakailanman!
Pagkatapos, ang buong bayan ay sumagot ng "Amen," at nagpuri kay Yahweh.
pwde ni e.summary TS.?
Similar Threads |
|