Results 1 to 3 of 3
  1. #1

    Default Matina, Davao Flash Flood (June 28-29, 2011)


    I don't think a lot of people realize the devastation so I'm posting this.

    Flash flood sa Davao City, 19 katao patay; 5 pa nawawala

    Umabot na sa 19 katao ang kumpirmadong nasawi sa naganap na flash flood sa Davao City nitong Martes ng gabi dahil sa biglaang malakas na buhos ng ulan.

    Sa News TV Live ng GMA News TV 11 nitong Miyerkules ng tanghali, iniulat na 15 sa mga nasawi ay nakilala na. Limang iba pa ang patuloy na hinahanap.

    Sa ipinatawag na press conference ni Davao City Mayor Sarah Duterte, pinayuhan nito ang mga residente na nakatira sa mga mababang lugar na lumikas kapag nagkaroon muli ng pag-ulan at tumagal na ng 30 minuto.

    Dahil sa naturang pagbaha, 40 na bahay umano ang nawasak, at tinatayang 15,000 katao ang apektado.

    Magpapatawag naman ng pulong ang Konseho ng lungsod para isailalim sa state of calamity ang apat na barangay. Kasabay nito ang pag-apruba sa P40 milyong calamity fund para magamit sa pagtulong sa mga biktima ng baha.

    Sa naunang panayam, sinabi ni Duterte na ang mga barangay na matinding naapektuhan ng pagbaha ay ang Matina Pangi, Matina Crossing, Matina Aplaya, at Talomo.

    Nitong 9 a.m., sinabi ng alkalde na gumanda na ang panahon at nawala na ang baha sa ilang lugar.

    "Nag-call off kami ng search-and-rescue sa apektado ng baha dahil bumaba ang tubig at ang iba bumalik sa bahay except those nawalan ng bahay dahil sa tubig baha. Ang nawalan ng bahay estimated 40 families as of this hour," pahayag ni Duterte, anak ni Rodrigo Duterte, vice mayor ngayon ng lungsod.

    Ikinuwento naman ni Raul Tolibas ng dzBB radio Davao, residente sa lungsod, na kasamang nalubog sa baha ang National Housing Authority (NHA) Subdivision, Bangkal, at Flores Villages.

    "Ang tubig 8 feet ang lalim," aniya. "Rescuers did not allow us to get near the flooded areas. The floods also left vehicles to be stranded along the highway there."

    Paliwanag ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), hindi bagyo kundi inter-tropical convergence zone ang nagbuhos ng malakas na ulan sa lugar.

    "Dala ito ng [intertropical convergence zone] ITCZ na nakakaapekto sa Mindanao," ayon kay PAGASA forecaster Rene Pamil sa panayam ng dzBB radio.

    "Mindanao will experience mostly cloudy skies with scattered rain showers and thunderstorms becoming cloudy with widespread rain over Northern and Eastern Mindanao which may aggravate flashfloods and landslides," paalala sa abiso ng PAGASA nitong Miyerkules ng umaga. -- FRJ, GMA News
    Photos:
































    Photo source

  2. #2

    Default Re: Matina, Davao Flash Flood (June 28-29, 2011)

    hala noh...i ddint realized this. ka paet pud oi

  3. #3
    Some news are trying to downplay the flash floods in Davao na pirmi daw na bahaon na lugara. Same ra sad adtong tiguwang na gi-interview sa TV ganihang buntag regarding the floods sa Colon area -- pirmi jud daw bahaon ilang lugar didto.. I think that's preposterous.

    Siguro sauna ang baha kutob ra sa tikod. Karon lapas na kaayo sa tuhod.

    I saw some photos about the flooding sa Freedom Park area sa Dumaguete City yesterday. In all my 9 years ug laruy-laruy sa Dumaguete wa pa ko kitag baha na ingon ana ka-grabe.... The water at street level was probably 3/4 sa ligid sa Pajero (in picture).

    Freedom Park is probably about 4 or 5 feet below street level. tsk tsk tsk.

  4.    Advertisement

Similar Threads

 
  1. ABSOLUTE TRADERS SEMINAR on Technical Analysis Sept. 28-29-30- 2007
    By inspector_ronan in forum Parties & Events
    Replies: 10
    Last Post: 10-23-2011, 02:30 AM
  2. Replies: 23
    Last Post: 05-04-2011, 09:49 PM
  3. Will u Support The Great Flood on Jan.29, 2008 ???
    By rambutan in forum Networking & Internet
    Replies: 29
    Last Post: 02-04-2008, 10:29 PM
  4. Replies: 6
    Last Post: 10-06-2007, 07:58 PM
  5. FREE Microsoft Cebu Training - June 28 and July 2
    By borge1580 in forum Software & Games (Old)
    Replies: 0
    Last Post: 06-21-2007, 01:19 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top