Short Film Coming : Negative One
"Ang Pagbabalik"
Chapter 79
(award-giving night)
(the two presentors are entering the stage)
< Guy > : … friends and nominees, dumating na rin tayo sa oras, para parangalan ang natatanging may tunay na angking talento ng isang Pilipino, na maipagmamalaki natin sa lahat, maging sa buong mundo, sa larangan ng pag-arte
< Woman > : at ang category na ito, ang masasabi kong pinakamataas na parangal sa prestiryosong gabi na ito so good luck … and the nominees for the best drama performance of all history are …
(clip) (showing Nora Aunor)
< Guy’s voice > : Nora Aunor, in HIMALA
< Nora Aunor > : walang himala!
(‘bang!’)
(she is shot)
(clip) (showing Sharon Cuneta)
< Woman’s voice > : Sharon Cuneta, in PASAN KO ANG DAIGDIG
< Sharon > : inay! niloloko na kayo nang harap-harapan … gutay-gutay na ang katawan ninyo … pati ang kaluluwa nyo, gutay-gutay na rin! … wala na bang halaga sa inyo ang inyong sarili?
(clip) (showing Vilma Santos)
< Guy’s voice > : Vilma Santos, in SAAN NAGTATAGO ANG PUSO
< Vilma > : si Val ... si Val si Val si Val !!! palagi na lang sya ang may kasalanan ... si Val na walang malay, si Val na ang tanging kasalanan ay naging anak ng Mommy mo sa ibang lalake! ... at nitong nasira na ang kanyang pag-iisip, alam nyo bang si Val pa rin ang pinanagot nila? sa isang responsabilidad na ikaw Rick sana ang nanagot!
(clip) (showing Mia)
< Woman’s voice > : and finally si Mia, HINDI KO KAKAININ YAN
< Mia > : hindi ko kakainin yan!!!
(clip) (showing Nora Aunor)
< Guy’s voice > : at Nora Aunor ulit, in HIMALA
< Nora > : walang himala!
(‘bang!’)
(back to them)
(audience clapping)
< Guy > : and we’re back, this is it
< Woman > : dalawang nomination sa isang category, mananalo na sya sigurado
< Guy > : malamang
(binubuksan na yung envelope)
< Guy > : … at ang best drama performance, sa buong kasaysayan ay si …
< Woman and Guy > : … Mia, hindi ko kakainin yan
< Guy > : pero kinain (then clap)
(audience clapping)
(showing Mia, umaakyat sa stage nang naka-gown)
< Mia > : (tinanggap yung award habang umiiyak at lumuluha nang matinde)
(audience clapping)
< Mia > : (umiiyak lang ng malakas)
< Woman > : hindi sya makapagsalita
< (close-up) Mia > : (umiiyak ng malakas habang hawak yung award)
< Guy > : … Mia baket? gusto mo ng sigarilyo?
< Mia > : (nodding no while crying)
< Guy > : gusto mo ng sigarilyo?
< Mia > : (nodding no) … ayo-ko huhuhuhu
< Guy > : may sigarilyo ako dito, eto o, wag ka nang mahiya (offering an open pack of cigarettes)
< Mia > : ayoko!!! hu---
< Guy > : ano? gusto mo?
< Woman > : narinig ko gusto nya, bigyan mo ng isa
< Guy > : Mia o (kumuha ng isa and offering the cigarette)
< Mia > : ayoko! ayoko! ayoko!!! hu--- (umiiyak tapos kinuha yung sigarilyo, kinain)
< Guy and Woman > : (they clap)
< Mia > : (still crying holding the award while chewing)
(end of film)
--- end of Chapter 79 ---
Short Film Coming : Negative One
"Ang Pagbabalik"
Chapter 80
(blackscreen)
[[ FINAL CHAPTER ]]
CLOUDED MOON
UNRECORDED MEMORIES
(cemetery)
(Elvis is looking at his father’s graveyard)
< Elvis > : … sorry Dad, hindi ko na talaga kayang magtanim ng galit sa mga taong pumahamak sayo
(other location)
(swing)
< Gary >: sa palagay ko, wala yatang kakayahan si Dad na makaisip ng ganung bagay (tawa)
< Christoper > : si Dad?
< Gary > : (agreeing gesture) … Christoper, kapatid mo ko … half-brother actually, pero technically, kuya mo ko
< Christoper > : ku-kuya?
< Gary > : … alam ko, mahirap pang i-absorb para sayo ang mga nangyayari ngayon … (may kinuha sa pitaka) here’s my card, if there’s anything you need, wag kang mahihiyang tawagan ako
< Christoper > : …
< Gary > : ang totoo nito, ayokong lumipas ang panahon na hindi man lang tayo nagkakakilala … so think about it
(not far)
< Elvis > : … (while walking, noticed Christoper talking to someone and then the guy leaves)
< Christoper > : (holding a card)
(Elvis approach him)
< Elvis > : kaibigan mo?
< Christoper > : hinde, kuya ko daw sya
< Elvis > : ah---, step brother
< Christoper > : …
< Elvis > : … will you relax, hindi lang ikaw merong ganyan … meron din akong step brother na kagaya mo
< Christoper > : ..? wala pa yata akong nakikitang kapatid mo
< Elvis > : nakita mo na sya, in fact kilala mo na pati
< Christoper > : huh?
< Elvis > : si Vincent ang step brother ko hindi mo ba alam?
< Christoper > : (awkward face) ba’t parang hindi yata kayo nag-uusap?
< Elvis > : nakasanayan na lang siguro, kumplikado kasi sitwasyon namin eh
(then showing, lamay sa simbahan)
(Vincent is sobbing and pouring tears in front of the coffin)
< Elvis’ voice as Narrator > : magkagalit ang bawat side ng family ko sa pamilya nya … alam mo na, ganun talaga kapag pulitika
(gestures only … itinataboy papalabas ng simbahan si Elvis at Mommy nya)
(may kumukuha ng picture sa kanila pero kinumpiska yung camera)
< Elvis > : Mommy (iyak)
(then showing Vincent look at Elvis)
< Christoper’s voice as Narrator > : kaya pala kapag nagpupunta ako sa inyo, nagtataka ako kung bakit walang picture ni isa ang Daddy mo
< Elvis’ voice as Narrator > : wag ka nang mausisa pa
(other location)
(back when Vincent visit Anton with gifts)
(left alone in the living room, Vincent puts a bug transmitter inside the lamp near the telephone)
(other location)
(school rooftop)
< Elvis > : bukas daw ang group meeting nila sa bahay ni Ann pero hindi ko alam kung anong oras
< Vincent > : good, okey na yon ... ako na lang ang bahala tungkol sa oras ... pano, saka na lang ulit
< Elvis > : ...
< Vincent > : sige (paalis na sana)
< Elvis > : ... ah Vincent
< Vincent > : ..? bakit
< Elvis > : gusto ko lang malaman mo na, gusto ko tong ginagawa natin, bilang alam mo na ... bilang, magkapatid (then smile)
< Vincent > : (nilapitan si Elvis)
(then he hugs him)
< Elvis > : ...
< Vincent > : yung ginawa mong pagsabog kay Mia okey na sana, pero hindi ko inaasahan ang tibay pala ni Mia (tawa)
< Elvis > : nagulat nga ako non nung nakita ko sya sa party, buhay na buhay ang sabi ko, say what?
< Vincent > : di bale, kahit siyam pa ang buhay ni Mia, madadale rin natin sya, silang lahat haha
< Elvis > : (napangite then) ... mababait sila Christoper hindi tulad ng pagkakakilala mo sa kanya
< Vincent > : ... don't, just just don't
< Elvis > : natanggap ko na sa sarili ko na hindi nila sinasadya ang lahat, hindi nila kasalanan ang nangyare sa audito...
< Vincent > : (nagalit) hindi mo alam ang sinasabi mo they killed my father---!!!
< Elvis > : ...
< Vincent > : ... kinitil ni Mommy sariling buhay nya pagkatapos ng dalawang Linggo alam mo yan! malaki pa rin ang pagkakautang namin dahil sa nakaraang eleksyon na kaming magkakapatid ang sumasalo sa ngayon! kaya wag mong sabihin na, na napakabuti nilang tao para sirain ang buhay ko! ang buhay natin! (umiyak)
< Elvis > : ...
(then nilapitan nya si Vincent)
< Vincent > : (iyak then) ... mahal tayo ni Dad ... alam ko yan kasi, tuwing Pasko sa inyo pumupunta lagi si Dad para mag-celebrate
< Elvis > : well, tuwing Pasko, at birthday ko
< Vincent > : (smiled) ... Elvis tama ka rin alam mo ... hindi porket nawala na si Dad don rin natapos ang mga pangaral nya
... ang buhay ng bawat tao ay mahalaga, may kanya-kanyang ...
< Elvis > : ang buhay ng bawat tao ay mahalaga, may kanya-kanya tayong papel na ginagampanan ... sa iisang istorya
< Vincent > : yeah, yeah that's right
< Elvis > : ... hindi ko kasi gusto yung naramdaman ko pagkatapos ng attempted murder ko kay Mia ... believe me, it's not a good feeling, gusto ko lang sanang protektahan ka na wag pagdaanan yon
< Vincent > : sapat na sa kin yung nandyan ka sa prosesong ito, hindi ko kasi talaga kayang gawin to nang nag-iisa, brother
(then natawa na lang sila)
(back to them)
< Christoper > : kaya pala kapag nagpupunta ako sa inyo, nagtataka ako kung bakit walang picture ni isa ang Daddy mo
< Elvis > : wag ka nang mausisa pa ... di ba wala parents mo sa bahay mo ngayon? magpa-party tayo sa inyo
< Christoper > : …
(then static screen)
--- end of Negative One ---
--- end of Chapter 80 ---
FOR CHAPTERS 1 - 78 click here
Free forum : Kwela Nobela
enjoy people