Madaling sabihing mahal ko ang Diyos, pero mahirap ganapin ang kalooban Niya.
Kailangan makilala muna natin ang lubusan ang Diyos upang maisakripisyo natin ang lahat para sa Kanya.
Pananalig na may kasamang pagsunod sa pagawa ng katwiran para sa kapwa ng walang hiniintay na papuri o anumang kapalit.
Pero higit dito ay ang buong pusong pagtanggap kay Hesu Kristo bilang Panginoon at Tagapagligtas, ang buong tiwala sa Kanya, pagsisisi at pagbabagong buhay…
*Ang ibalita ito sa iba ang ginawa ng Diyos sa iyo sa mga nawawalan ng pag-asa sa buhay.
*Ang pagbibigay ng mga babasahin o bibliya sa ibang wala nito.
*Ang pananalangin at pagpapayong spiritual at moral sa mga naliligaw ng landas.
*At pagdadala ng mga tao sa simbaan upang makinig sa Salita ng Diyos.
Ang mga Aklat na ating sinusulat, mga cellphones at sa internet ay mga opportunidad para makapagbahagi kung nahihiyang sabihin ito ng harapan sa mga kaibigan o ibang tao.
Nawa’y Makita natin ang tunay na kalayaan na makasamba sa Diyos ng Malaya (Sa Spiritu at Katotohanan)
Kalayaan mula sa pagkaalipin sa kasalanan
Kalayaang magkapagsalita at tumayo sa tama
Kalayaan sa lahat ng karapatang biyaya ng Diyos…
Iwaksi natin ang mga haka- haka at maling paniniwala o tradisyon, lumayo sa mga taong nagpapahayag ng sariling pananaw na malayo at labag sa liwanag ng Salita ng Diyos…
Dahil sila ay nagpapagulo sa ating kaisipain at magpapahamak sa atin kung makikinig tayo sa kanila.