Alin Ba Sa Dalawa?
by
, 10-18-2016 at 11:08 AM (4746 Views)
Buong akala ko hindi darating sa punto na mahihirapan akong sagutin ang tanong na,
"Mahal mo pa ba siya?"
Magkahalong tawa at hiya.
Ano nga ba talaga ang dapat na isagot ko?
Naipit ako sa mga sagot na,
"Oo, mahal ko pa siya,"
at
"Syempre, hindi na."
Alam ko naman ang dapat marinig nila,
Para makita nilang wala na talaga,
Pero ang hirap palang sumagot ng "hindi na"
Kung alam mo sa sarili mo na meron pa.
Natatakot akong sumagot ng totoo,
Natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga tao,
Natatakot akong muling masabihan na "ang tanga mo".
Dahil sa kabila ng lahat ng nangyari, heto ako,
Gustong sumagot ng "oo".
Habang isinusulat ko ito,
Naisip ko nalang na magpakatotoo.
Eh ano ngayon kung hindi pa ako nakamove on?
Hintay lang, darating din naman ang tamang panahon.