MALAYSIA - Tatagal pa umano ng dalawang linggo bago makamit ng mixed martial arts (MMA) fighter na si Ray Elbe ang full recovery sa natamong bali sa kanyang ari.
Nabatid na 10 tahi sa ari ang kinailangan ni Elbe na agad isinugod sa ospital nang tila maputol ang ari sa gitna ng mainitang pagtatalik nila ng girlfriend habang nasa bakasyon sa Malaysia.
Gayunman ay nagawa pa ring ikuwento ni Elbe ang nangyari na talaga naman daw nagbigay ng leksyon sa kanya.Ayon kay Elbe na lumaban sa "Ultimate Fighter 9," nasa ibabaw ang kanyang nobya sa kanilang love making session pero tila sobrang taas ng buwelo nito sa kanyang pag-pump kaya't hindi naging maganda ang bagsak sa naka-erect na ari nito.
Na-fracture daw ang ari ng MMA fighter at nagkalat pa ang dugo at inakalang mamamatay na dahil sa sobrang sakit.Matagumpay naman ang pagsailalim nito sa emergency surgery upang maisara ang sugat at na-repair din ang kaunting galos sa kanyang urinary tube.Inabisuhan din daw siya ng mga doktor na uminom ng "anti-erection pills" hangga't hindi pa lubusang gumagaling.
Sinabi ni Elbe na matapos ang insidente, hindi na nito gugustuin na umibabaw ang kanyang nobya sa tuwing sila ay magtatalik."In an attempt to make it up to me, (my GF) has promised me a threesome of my choice when we get to the Philippines ... which usually has some solid talent," wika ng MMA fighter
LINK >>> http://www.bomboradyo.com/news/sport...ipag-***-sa-gf