Mrs: Naniniwala ka ba na ang babae habang tumatanda ay gumaganda?
Mr: Oo naman.
Mrs: Sa tingin mo, gumaganda ba ako?
Mr: Sa tingin ko, hindi ka tumatanda.
REPORTER: Tita Cory, kung buhay si Ninoy ngayon, baka pangulo na siya.
CORY: Naka bilanggo siguro.
REPORTER: bakit naman po?
CORY: baka napatay na niya si Kris.
JUDGE: isa ka palang pusher, kidnapper, gun for hire, gambling lord,
swindler at bugaw! Wala ka bang matinong hanapbuhay?
ACCUSED: meron po. Pulis po ako.
JEEP PASSENGER: manong bayad.
JEEP DRIVER: saan galling?
JEEP PASSENGER: sa akin.
JEEP DRIVER: papunta saan?
JEEP PASSENGER: sayo.
Babae: Doc, kumusta na ang asawa ko?
Doc: Sorry ma'am. Mula ngayon, ikaw na ang mag-papakain at magpapaligo sa
kanya, kasi, putol na ang kanyang mga kamay at paa.
Babae: Hah?! Hindi nga?!?
Doc: Hehehe! Ninerbyos ka ano? Joke lang! Patay na sya!
Amo: Inday, titira dito ang biyenan ko ng 3 buwan.
Ito ang listahan ng mga favorite nyang pagkain.
Maid: Opo, sir.
Amo: Kapag may niluto ka dyan, lagot ka sa akin!
Son: Itay, pinagalitan ako ng titser ko!
Dad: Bakit?
Son: Hinalikan ko po ang seatmate ko.
Dad: Tong anak ko, manang mana. Hehehe.
Eh,masarap ba?
Son: Opo, pogi po sya eh.
Lasing: Hoy! Sinong matapang?! Labas!
Lalake: Ako! Bakit? Lalaban ka?!
Lasing: Pare, ihatid mo naman ako sa bahay,
natatakot ako kay misis eh.
Tatay: Asensado na talaga ang anak natin sa US .
Ito, nagpadala ng picture, nakasandal sa kotse.
Basahin mo nga ang nakasulat sa likod.
Nanay: Inay, nagpapasalamat ako, kasi, kung hindi dahil sa kotse na ito,
natumba na ako sa sobrang gutom.
Frat leader: Balita ko, gay ka?!
Member: Hindi ako bakla! Chismax lang yun ng mga chuvanes na walang
magawa sa mga chenelyn nila! Mga chaka ever! Me, Baklush? Haller?!
An alcoholic son wrote a letter...
Beer dad, Gin na ako iinom ulit, Whisky kelan. Tanduay mo yan, tiTequilan
ko na talaga, pRhumis po! Your San, Miguel.