Page 8 of 25 FirstFirst ... 56789101118 ... LastLast
Results 71 to 80 of 250
  1. #71

    Default Balak


    Paboritong BBingka
    Tarsus

    nag bug-at ning ulo..
    nag kurog ning tiyan..
    ang lawas nagninahanglan..
    BBingka..!!!!
    daw walay sama..
    ang liki naga ingon..marika na...
    sa pag-uli,karong gabhi-una
    ang BBingka nga gi handum andam na..
    pagkaon na lang maoy problema..

  2. #72

    Default kelan kayo huling nagngitian nang walang dahilan?

    nung time na lang hassle and life

  3. #73

    Default kelan kayo huling nagngitian nang walang dahilan?

    What a beautiful piece annie, I love it... It reminds me of my younger years...thank you for sharing.

  4. #74

    Default Ang mga Balak ug Awit sa Pakigbisog

    Pagbabago?

    AWIT NI JESS SANTIAGO




    Nakakasawa ang mga pangako

    Nakakasawa rin ang maghintay

    Ang mga pangakong laging napapako

    Sa pagtitiwala ay pumapatay



    Nakakapagod din ang umasa

    Lalo’t ang bituka ay walang laman

    Napakailap sa mahirap ang histusya

    Lalo’t bansa ay hawak lang ng iilan



    Nag-People Power I, nag-People Power II

    Ang buhay nati’y di pa rin nagbabago

    Nag-People Power I, nag-People Power II

    Ngunit hindi pa rin tayo natututo



    Maghapon-magdamag sa pabrika

    Kayod-kalabaw sa bukirin

    Ulani’t arawin tayo sa kalsada

    Maisulong lamang ang adhikain



    Hinarap na natin ang lahat ng hirap

    Binalikat ang lahat ng pasanin

    Ngunit ang bunga n gating pagsisikap

    Sinasarili lamang ng mga sakim



    Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing

    Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

    Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing

    Ngunit nang maluto ay iba ang kumain



    Tayo ang pangharang sa tangke

    Tayo ang pambala sa kanyon

    Habang nag-aabang ang mga buwitre

    Naghihintay ng tamang pagkakataon



    Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing

    Ngunit nang maluto ay iba ang kumain

    Tayo ang nagtanim, ang nagbayo at nagsaing

    Ngunit nang maluto ay iba ang kumain



    Tayo ang pangharang sa tangke

    Tayo ang pambala sa kanyon

    Habang nag-aabang ang mga buwitre

    Bantay-salakay na mga lider ng nasyon



    Kahit nag-Edsa III, kahit mag-Edsa IV

    Ang buhay natin di pa rin magbabago

    Kahit mag-People Power tayo ang talo

    Hangga’t hindi tayo natututo



  5. #75

    Default Re: Ang mga Balak ug Awit sa Pakigbisog

    Ulos:
    Pambungad
    Ang Rebolusyonaryong Sining at Panitikan sa Gitna ng Tumitinding Krisis Panlipunan
    [img width=400 height=291]http://www.philippinerevolution.org/kul/images/ulos/199908/01.gif[/img]




    Damang-dama ngayon ng malawak na masang Pilipino ang hagupit ng panibago’t papatinding krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunan sa ilalim ng rehimeng US-Estrada. Gayunpaman makaaasa ang bagong tutang gubyerno na hindi magdadalawang-isip sa paglaban ang masa. Gayundin – lalu’t higit sa inspirasyon ng sunud-sunod na inaaning mga tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto – makaaasa ang masa na sa kanilang pagbabalikwas laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo at burukrata-kapitalismo, patuloy silang pagkakaisahin at pamumunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas.


    At sa kagyat na pagtugon sa ganitong pagkakataon – sa masinsing pagpapaigting ng palabang diwa’t praktika ng demokratikong rebolusyong bayan – inaasahan ding magiging maagap ang mapanlikhang pagtalima ng mga kadre, pulang mandirigma at masang aktibista sa hamon ng rebolusyonaryong sining at panitikan.


    Sa katauhan – sa katutaan – ni Estrada, garapalan ngayong pinasasagpang ng reaksyunaryong estado ang bayan sa di mabusog-busog nitong among imperyalista. Nito lamang Mayo, nabigyan-daan ang tuwirang panghihimasok ng pwersang militar ng Estados Unidos sa bansa nang maratipika sa Senado ang Visiting Forces Agreement. Susundan pa ito ng pakanang charter change o cha-cha; bagay na higit pang mag-iinstitusyonalisa at magpapahigpit sa pagkontrol ng dayuhang monopolyo kapital sa ekonomiya ng Pilipinas.


    Samakatwid, ibayong lumalalim ang interes at lumalawak ang saklaw ng pangungubabaw ng Imperyalismong US sa buhay ng sambayanang Pilipino. Sa tulang Bangungot ni Kasamang Sonia Gerilya, ginamit mismo bilang imahen ang bandila ng Amerika upang bigyang-patotoo ang puntong ito:


    "Ang mga pulang guhit

    sa bandila mo --

    ilan na nga ba ang mga ito? --

    ay mga rehas na nakatundos

    sa bawat kurba,

    sa bawat tadyang

    ng aming baybayin."



    Sa katauhan – sa kakronihan – ni Estrada, mabilis na nilulubos ngayon ng reaksyunaryong estado ang pagbuhay sa multo ni Marcos. Ang mga malalaking komprador at burukratang dating kasakapatan ng yumaong diktador, sampu ng mga kamag-anakan nito, ay nananalasa na namang muli sa pinaka-estratehikong poder sa negosyo’t burukrasya. Sila na di pa nababayaran ang dinambong na yaman at inutang na dugo sa bayan.


    Tampok ang temang ito sa satirikal na panulaan ni Kasamang Ester Redentor sa kanyang pyesang Papuri sa Boss-Dyip:


    "Sa katakawa’y di pahuhuli si Danding

    Sa kopra, tubo at sa tagay ng San Miguel Beer,

    Kay Lucio piloto nama’y perang-papel na eroplano,

    Habang tuloy ang pag-awit ni Imelda ng “Dahil Sa Iyo”

    Salat-salat ang alahas na animo’y nagrorosaryo...”



    Sa ganitong satirikong tono rin nagsasalimbayan ang mga imahen ni Kasamang Jose Maria Sison sa kanyang Karnabal. Bagamat naisulat ilang dekada na ang nakararaan (1959), kapansin-pansing tumutugma pa rin sa kasalukuyang panahon ang pinapaksa ng tulang ito; bagay na nagpapatunay lamang sa patuloy na pananaig ng kabulukan – ng kapalaluan at kapayasohan – ng burukrata-kapitalismo:


    "Sa anarkikong ayos ng mga tolda ng monopolista

    Nagpapakitang-gilas ang mga halimaw na mapagsamantala.

    Ang mga propesyunal at pulitiko

    Na sa alambre ng ambisyo’y tumutulay at sumisirko

    Ay bihasa rin sa pagkahayop ng mga leon, elepante at kabayo,

    Sa pagkahayok ng mga oso at tsonggo..."



    Sa katauhan — sa pagka-sanggano – ni Estrada, inihahasik ngayon ng reaksyunaryong estado sa mamamaya’t sa rebolusyonaryong kilusan ang sagad-sagarang panunupil at pandarahas. Pagkatapos ng pagkabigo ng usapang pangkapayapaan, namamayagpag na namang muli ang militar upang, sa huling pagkakataon, anila, ay malubos na ang pagkabigo ng rebolusyonaryong armadong pakikibaka.


    Mula sa mga propagandang anti-komunista at anti-Joma na inooperasyong-pinta sa mga pader ng kalunsuran, hanggang sa mga malawakang operasyong-kubkob sa mga sonang gerilya, malinaw na nagsisinsin ang estado sa opensiba. Mula sa pandarahas at pandarakip sa mga lider-masa at personahe ng kilusang masa sa lungsod hanggang sa muling pagpapalakas sa mga pormasyong CAFGU sa kanayunan, malinaw ang mga senyales ng lantay-pasismo at batas militar.


    Ang tulang Ipinagmamalaki Nila ni Kasamang Kris Tambang, sabihin pang walang tiyak na panahong pinatutungkulan, ay kapwa bangungot ng nagdaang batas militar at babalang pangitain ng umaalagwang bagong lantay-pasistang rehimen.


    Sinadyang pagtabihin sa isyung ito ng ULOS ang nasabing pyesa ni Kris Tambang at ang tulang Tres-Otso sa Ikatatlumpu ni Kasamang Mario Ruso upang higit na mapatingkad ang pagkakaiba ng militar sa mga pulang mandirigma.


    Sa isang panig ng digmang bayan, naroroon ang reaksyunaryong sandatahan, na ang sukdulang pagkamanhid at kahambugan ay binigyang-buhay ni Kris Tambang sa isang maitim subalit makatotohanang pagsasalarawan:


    “Ipinagmamalaki nila

    Na ang kanilang kwintas

    Ay gawa sa ngipin ng pulahan

    At ang utak ng rebelde

    Ay kanila lamang pampulutan…”



    Sa kabila naman ay ang Bagong Hukbong Bayan, at sa mga taludtod ni Mario Ruso, ang masang anakpawis mismo ang pinagsasalita upang sa ika-tatlumpung anibersaryo nito ay bigyan ng pinakapayak subalit pinakataimtim na pagpupugay:


    “Kilala namin ang mga mandirigmang ito

    kung paanong sa araw-araw

    Kinukupkop ng aming mga dampa at kubo

    ang kanilang nag-aalab na anino

    Sapagkat sila ang namumukod-tangi sa lahat

    ng aming mga mahal sa buhay at mga anak…”




    Tatlong dekada na nga ang Bagong Hukbong Bayan. Tatlong dekada na rin ang namumunong taliba nito, ang Partido Komunista ng Pilipinas. Mga dekadang ngayo’y hindi lamang ginugunita kundi patuloy na pinaghahalawan ng buhay na mga aral. Mga aral na hindi lamang kinakabisa kundi s’yang laging tuntungan ng kawastuhan ng paninindigan -- at ng paninindigang magwasto. Alang-alang sa masa. Alang-alang sa ikatatagumpay ng rebolusyon.


    Sa ganitong balangkas at diwa halos magsilbing sumada ng tatlumpung taon ng Partido ang tulang Mapulang Pagpupugay ni Kasamang Lorenzo Magpunyagi, na sa huli’y malinaw ang diin at hamon sa paglubos sa tagumpay ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto:



    “Mula roon ay patuloy kang naglayag sa laot

    Higit na matatag, higit na matibay

    Kapasyahang isulong ang rebolusyon

    Handang harapin ang bagong hamon

    Lagi na’y katuwang mo ang masa

    Sa pagsulong sa ulan tuwing may unos

    Sila ang walang kupas na tala ng iyong buhay,

    Ang kabuuan ng iyong buhay…”



    At ilan na nga ba ang tumalima sa hamong ito? Ilan na nga ba ang mariing nagpasyang pagtibayin ang prinsipyo ng bagong pambansa demokratikong rebolusyong may sosyalistang perspektiba? Itanong pa, ilan na nga ba ang mga bagong martir ng ating matagalang digmang bayan?


    Isinasama sa isyung ito ng ULOS ang mga akda ng mga bagong rebolusyonaryong martir na sina Kasamang Lennon, Mayang Algarme at Mary Gene Dumaplin sa dalawang kadahilanan. Pangunahin, upang bigyang-parangal ang mga dakilang buhay na inialay nila bilang mga kadre ng rebolusyon. At ikalawa, upang ipakita kung paanong nagiging bahagi ng kumprehensibong gawain at tungkulin ng mga rebolusyonaryong pwersang gaya nila, ang pagpupursige sa paglinang ng rebolusyonaryong sining at panitikan.


    Ilang beses na ring napalawig sa teoretikal na antas ang kahalagahan ng ganitong pagpupursige. Marami nang mga sulatin ang nagsinsing balangkasin ang mga aral at gabay sa praktika ng rebolusyong pangkultura. Ang Panitikan at Paninindigan, halimbawa, ni Kasamang Jose Maria Sison (na isinasama sa isyung ito bilang bahagi ng regular na pagtatampok ng ULOS sa mga akdang panunuri at teoretikal) ay malinaw na pagtatambuli sa kahalagahan ng panitikan sa rebolusyon at ng makauring oryentasyon sa sining.


    Sa pamamagitan ng pagtangan sa oryentasyong ito, ang mga mulat na artista at manunulat ay makalilikha ng mga obrang magpapalalim sa arsenal ng rebolusyonaryong propaganda ng kilusan. Napatunayan na sa maraming pagkakataon ang di matawarang kapangyarihan ng mga pangkulturang sandatang ito. Sa iba’t ibang antas at pamamaraan, ang mga rebolusyonaryong likhang sining ay nagbibigay ng kakaibang tingkad at kung gayon ng mabisang pagtatampok sa mga pagsusuri, linya at patakaran ng rebolusyon.



    Ang tulang Walang Pag-aari ni Kasamang Sikhay Laya, halimbawa, ay isang tuwirang pagtitilad, batay sa Marxistang pananaw, sa panlipunang kalikasan ng lakas-paggawa ng uring proletaryado sa loob ng isang kapitalistang relasyon:


    “Sa ayaw mo man at sa gusto

    Katumbas ng nais nilang presyo

    Ikaw ay lalagda sa kontrata

    At sa loob ng walong oras o higit pa

    Kasama ng iyong lakas-paggawa

    Ika’y buong-buong pag-aari nila

    Pagkat ni anuma’y wala kang pag-aari

    Kundi kakayahang lumikha para sa may-ari…”



    Sa awit na Imperyalismo ng rebolusyonaryong martir na si Ka Lennon (Melchor Llago Jr.), animo’y ang dakilang komunistang si Lenin ang nagsasalita:


    “Ang imperyalismo

    Pinakasukdulang yugto

    Ng mismong kapitalismo

    Ang bisperas ng sosyalismo”



    Sa Datos ng Buhay, epektibo namang ginamit ni Kasamang May Amor ang balangkas ng SI bilang isang bagong porma ng panulaan upang, pagkatapos pagsalitain ang masang magsasaka sa isang maikling panayam, ay ipahiwatig na ang tanging magwawakas sa kanyang kadustahan ay ang rebolusyong agraryo:


    “Paano na lang sila?

    (Walang sagot, malayo ang tingin)

    Paano na lang ang ganitong klaseng buhay?

    (Walang sagot, nakatingin lamang sa aking armalayt).”



    Rebolusyong agraryo rin ang pinaksa ng tulang Pag-alpas sa Konserbatismo ni Emil Magalat. Kasabay ng ahitasyong iwaksi ang bagahe ng mga kamalian ng nakaraan ay ang maikling pagbaybay sa mga batayang sangkap ng anti-pyudal na pakikibaka sa kanayunan; mula sa minimum na rekisito hanggang sa pagtatayo ng organo ng kapangyarihang pampulitika:


    “Kayraming dapat isahapag:

    paano ibaba ang upa sa lupa at itaas ang sahod

    paano itatayo ang mga komiteng pang-organisa

    paano parurusahan ang mga traydor

    paano iluluwal ang makapangyarihang lakas ng masa.”



    Labas pa sa mga opisyal na dokumento ng paglalagom at pagtatasa, ang mga lrebolusyonaryong ikhang-sining ay nagsisilbi ring talaan ng pang-araw-araw na buhay-at-kamatayang pakikibaka. Ang Tiagew ni Kasamang Bimmulon Sumkad, halimbawa, ay mahihinuhang halaw sa tala-arawan ng isang pulang mandirigma o ng mismong yunit na kinabibilangan. Anupa’t bago matapos ang nasabing kwento, ang pangunahing tauhan ay magsusulat din sa kanyang tala-arawan:



    “Bago matulog, nagsulat muna si ka Lisa…Gawa na rin ng kapaguran, hindi niya kaagad nakuhang makatulog sa hinihigaan niyang latag na sako. Tinitigan niya ang dilaw na buwan at ngumiti, magaan ang pakiramdam habang sinasariwa ang napagkaisahan ng masa at mga kasama — mga gawaing pagdating ng umaga’y pagtutulungan nilang tapusin.”

    Malinaw kung gayon, na ang sining at panitikan ay nagiging isang makulay na porma ng dokumentasyon ng rebolusyonaryong kilusan.


    At sa pamamagitan ng mga ito, maaaring makapagpalitan ng mga karanasan ang mga rebolusyonaryong pwersa. Ang mga palitang ito, sa maraming pagkakataon, ay matamang pinaghahalawan ng mga aral, inspirasyon at ibayong ahitasyon upang patuloy pang magsikhay sa pagkilos.



    Pansinin, halimbawa, ang mistulang sagutan ng mga tulang Sa Aking Panganay ni Kasamang Pinay at Sa Ama’t Inang Nagmamahal ni Ka Ken.


    Isinasalaysay sa unang tula ang lunggati ng isang rebolusyonaryong ina. Sa partikular, tinatalakay nito ang kahirapang ipaunawa sa kanyang anak kung bakit lagi’t lagi silang kailangang magkalayo:



    “ngunit paano ko rin sasabihin sa kanya

    na maari ngang hindi ako lubos na palarin

    upang maabutan ko ang katuparan ng lahat ng ito

    paano ko sasabihin sa kanya

    na sadyang ganoon ang buhay

    sapagkat dakila ang hinihiling na alay ng rebolusyon…”



    Sa ikalawang tula naman, namamaalam ang isang anak sa kanyang mga magulang bago tumulak patungo sa sonang gerilya:


    “Huwag mangambang anak ay mangungulila

    Sapagkat sa paroroona’y libo pang mga magulang

    Ang handang kumupkop at lubos ang pagkalinga

    Gayundin, hindi kayo mawawalan

    Bagkus ay masusuklian ng libo pang mga anak

    Na binigkis ng digmang bayan.”



    Habang malinaw na tinutukoy, batay sa makauring pagsusuri, na ang panlipunang salalayan ng mga pangunahing lumilikha ng sining at panitikan ay nagmumula sa uring petiburgesya, mariin ding iginigiit ang pangangailangang sila ay marebolusyonisa. Isang sukatan ng pagiging epektibo’t makatotohanan ng kanilang mga rebolusyonaryong likhang sining ay kung matapat nitong nasasalamin ang kongkretong buhay at pakikibaka ng masang anakpawis.


    Susi dito ang puspusang pakikipamuhay sa batayang masa at ang sabayang pagwawaksi sa mga burges na aktitud at kultura. Kinakailangan ito upang lalu pang lipusin ang rebolusyonaryong paglilingkod, labas pa sa balangkas ng paglikha ng sining at panitikan. Kung gayon, kaugnay ng ideolohikal na salik ng rebolusyong pangkultura, ang rebolusyonaryong sining at panitikan ay nilalayon ding maging bahagi ng masaklaw at pangmatagalang gabay sa pagpapanibagong-hubog.


    Ang Paglilingkod ni Kasamang Namnama T. Pinagsikka ay isang maikling testimonya ng pag-igpaw ng mga petiburges na intelektwal sa kanilang mga limitasyon at kahinaan sa gitna ng makauring tunggalian.



    Labas pa sa mga nailalathala sa ULOS, isang di mapabubulaanang obserbasyon sa kasalukuyan ang kakaibang kasiglahan sa pagpupursige ng mga rebolusyonaryong pwersa sa mga gawaing pangkultura, partikular sa larangan ng sining at panitikan.


    Kapansin-pansin ang paparaming bilang ng mga nabubuo at namimintinang mga iskwad pangkultura sa mga larangan ng iba’t ibang rehiyon. Patunay ito na naisasabuhay ang kumprehensibong katangian ng Bagong Hukbong Bayan bilang isang pampulitika, pangmilitar, pang-produksyon at pangkulturang organisasyong masa.


    Sa iba’t ibang rehiyon din, regular na nakapaglalabas ng mga koleksyong naglalaman ng mga rebolusyonaryong akda. Nariyan ang Punla ng Bikol; ang Dagitab ng Timog Katagalugan, ang Dangadang ng Hilagang Luzon, at iba pa. Mapapansing marami sa inilalathala sa ULOS ay mga nailabas na sa mga nabanggit na dyornal. Maging ang mga iba pang publikasyon na hindi tuwirang pampanitikan ay sinasamahan na rin ng mga tula o maikling kwento.


    Nagagamit naman ang sining biswal upang maging gabay ng masa at mga kasama sa pag-unawa sa mga aralin. Ang mga publikasyong inilalathala ay lagi nang may mga drowing upang higit na maging interesante ang mga dokumento’t babasahin. Marahil isa na nga sa pinakamatingkad na halimbawa ay ang pagkakalimbag ng Lipunan at Rebolusyong Pilipino, Isinalarawan na ngayo’y nakapagbibigay ng bagong sigla sa masa upang yakapin ang gawaing pag-aaral. Kasama rin sa isyung ito ng ULOS ang isang komiks na inaasahang makapagpapasigla sa mga talakayan. Makapaghihi***** rin ito sa mga kasamang may hilig sa pagguhit. Idagdag pa rito ang mga mural na ginagamit naman sa mga pagdiriwang at mobilisasyon.


    Sa musika, patuloy na nakalilikha ng mga bagong rebolusyonaryong awit sa maraming larangan. Patuloy na nagagamit ang iba’t ibang tradisyunal na porma na pinagyayaman ng rebolusyonaryong nilalaman. Sa kasalukuyan, inirerekord na ng mga rehiyon ang mga bagong awit na ito, kasama ng mgaawiting matagal nang napopularisa sa masa at Pulang mandirigma.


    Ang mga bagong dulang itinanghal sa iba’t ibang lugar sa nakaraang pagdiriwang ng anibersaryo ng BHB at ng PKP ay patunay na nauunawaan ng mga kadreng pangkultura ang bisa ng teatro bilang isang makapangyarihang porma ng propaganda. Kinakailangan na lamang na sinsinin ang dokumentasyon nito upang maitanghal pa nang kung ilang beses maging sa labas ng erya kung saan ito isinulat at unang ipinalabas.


    Gayundin ang kasiglahan ng gawaing pangkultura sa hayag na pakikibaka sa kalunsuran, sa gitna ng anti-imperyalista, anti-pasista at maging anti-pyudal na mga pagkilos. Lahat ng porma ng sining at panitikan ay malikhaing ginagamit at inaangkop sa iba’t ibang gawain sa pang-araw-araw na pag-oorganisa, lalo na sa mga kampanyang masa. Mula sa mga makukulay na poster na inooperasyong-dikit sa mga pader hanggang sa mga t-shirt na tinatatakan ng mga islogang may disenyo. Mula sa mga dulaang-iglap sa mga pasilyo ng paaralan hanggang sa mga konsyerto sa mga mobilisasyon.


    Masinsin ding nakapagtatalaga ngayon – permanente man o pansamantala – ng mga komiteng pangkultura sa loob ng iba’t ibang organisasyon at institusyong masa. Kasabay nito ang pagbubuklod at mismong pag-oorganisa sa mga artista’t manunulat ng kalunsuran sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga alyansa at organisasyong pangkultura.


    Ang mga mahahalagang aral ng mahabang karanasan sa rebolusyonaryong gawaing pangkultura ay kasalukuyan na ring binabalangkas at binubuo bilang tugon sa panawagan ng Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto kaugnay ng pagtitiyak sa mga paglalagom.


    Sa diwa ng pagpuna at pagpuna sa sarili, makatutulong ang mga ito sa agad na pagtukoy sa mga kahinaan at pagkakamali; sa malalimang pagpapatimo sa kawastuhan ng rebolusyonaryong linyang pampulitika at pangmasa. Sa pamamagitan ng mga ito, ibayo pang makokonsolida ang mga rebolusyonaryong artista at manunulat sa ideolohiya, pulitika at organisasyon; ibayo pang mabibigyan ng wastong gabay ang papaunlad na tunguhin ng rebolusyong pangkultura sa sining at panitikan.



    Kung gayon, sa gitna ng papatinding pagbulusok ng palagiang krisis panlipunan, nariyan ang hanay ng paparaming bilang ng mga artista at manunulat na armado ng mga awit at tulang may wastong palabang diwa at paninindigang rebolusyonaryo. At sa kagyat na pagharap sa kabulukan ng reaksiyunaryong tutang estado ng kasalukuyang rehimeng US-Estrada, patuloy na gagamitin ng ating kilusan ang mapanlikhang kakayahan upang abutin ang masa at pagkaisahin sila sa umiigting na pakikibaka, hanggang sa makamit ang tagumpay:


    A, dam’hin, ang ngayo’y ipadadama natin sa kanilang mga bungo

    Bawat andap ng mga matang didiklap sa sangmilyong puso at sulo

    Bawat kambal na tainga’y bagwis sa kaulapa’t katig ng bangkang pulo

    Bawat dila’y bandilang tinina sa apog at sa dugong kumukulo

    Bawat ilong ng komunistang bulka’y apaw na ilog ng silakbo

    Dam’hin, pagbawi ng tao sa kanyang pagkatao’y ‘di na nalalayo.


    (Pagbawi, Sonia Gerilya)




  6. #76

    Default Re: Ang mga Balak ug Awit sa Pakigbisog

    Dugos sa Bug-os nga Pakigbisog
    (alang kina ka bobit, ling ug marly)

    Godofredo "Ka Paking" Guimbaolibot




    Lain-laing dalan ang imong gilatas

    Taliwala sa kagabhion

    Naghambin og mga damgo, nagpanday

    Og mga pangandoy,

    Susama sa mga anunungga sa

    Naglugitom nga kangitngit

    Nagpangita kamo sa kahayag

    Gikan sa suga sa kamatuoran

    Hain kini makaplagan?



    Sa dughan sa katawhang linupigan

    Imong nakita ang dan-ag sa kahayag

    Nagsandig kamo sa huni sa mga tambol

    Sa martsa sa mga dinaugdaug

    Gitagbo ang atong mga dalan sa kainit

    Sa diwa sa proletaryong pakigbisog

    Uban sa nahigmatang masa ginagiok sa

    Atong mga tiil ang bukog sa mga mapahimuslanon

    Ah! Haduol na ba ang kadaugan?



    Gilatas ninyo ang mga tagaytay sa

    Maguboy-uboy ug Pangapugan

    Dili kalikayan ug susama sa uban

    Nadakin-as kamo sa liko-liko ug lapukong dalan,

    Sa dan-ag sa nahimatngong diwa ug kaisog

    Kamo mibangon ug sa paglakaw mipadayon

    Naligo sa busay sa Sayapu diin ang tubig

    Makahinlo sa mga kalag nga nahugawan

    Ah! Kagaan sa pagbati sa nahinloang dughan!



    Hinambin ang bag-ong kusog gikatkat ninyo

    Ang hataas ug liku-likong busay sa Bangangan

    Aron pupuon sa pungkay ang matahom

    Nga mga bulak sa ilang-ilang

    Ug ihalad kini sa tiilan sa masakiton

    Nga inahang nasud,

    Diin ang bugtong tambal mao ang alimyon

    Ug duga sa talagsaong bulak

    Ah! Katam-is sa dugos sa bug-os nga pakigbisog!



    Apan sa kalit lang ang mga demonyong pasista

    Mipaulan og mga hiniloang bala

    Mipatay sa inyong mga lawas, hinunoa mipakita

    Sa dili malumpag ninyong baruganan!

    Natisok kamo sa dughan sa masang katawhan

    Gimatuto sa mga awit ug pagdayeg

    Ang midagayday nilang mga luha mihugas
    Sa nagkadugo ninyong kalag.

    Ah! Katahom sa mga bayaning gihalad panglingkawas

    Sa nasud nga linupigan!



    Ka Bobit, Ka Ling, Ka Marly ang mga susama

    Ninyong miula sa inyong mga dugo

    Nagasilbing sugnod nga nagapakusog

    Sa kalayo sa pakigbisog

    Nagahinlo sa mga taya ug hugaw, nagabaid

    Sa mga espada sa linupigan
    Mas daku ang mga samad, mas lalom ang mga
    Tampok sa lawas sa higanteng madaugdaugon

    Ah! Inihap na ang adlaw sa itom nga

    Agila sa kasadpan!




    Tamis ng Puspusang Pakikibaka

    (para kina kasamang bobit, ling at marly)

    --------------------------------------------------------------------------------

    Salin



    Iba't ibang landas ang inyong tinahak

    Sa gitna ng kadiliman
    Yakap ang mga pangarap, pinapanday

    Ang mga mithiin.

    Tulad ng mga ginagabi

    Sa malawak na karimlan,

    Hanap nyo'y ang tanglaw

    Mula sa ilaw ng katotohanan:

    Saan ito matatagpuan?



    Sa dibdib ng inaaping sambayanan

    Nakita ninyo ang tanglaw ng liwanag,

    Nagtiwala kayo sa dagundong ng mga tambol
    Sa martsa ng mga inaapi.

    Nagsalubong ang ating mga landas sa init

    Ng diwa ng proletaryong pakikibaka,

    Kasama ang masa, dinudurog ng ating mga paa
    Ang buto ng mga mapagsamantala.

    Ay! Malapit na ba ang tagumpay?



    Tinawid ninyo ang tagaytay ng

    Maguboy-uboy at Pangapugan

    Hindi maiwasan na katulad ng iba

    Nadulas kayo sa liku-liko at maputik na daan.

    Sa gabay ng inyong diwa at katapangan,

    Kayo'y bumangon at nagpatuloy sa paglalakbay,

    Naligo sa talon ng Sayapu; doon ang tubig ay
    Nakakagaling sa katawang may sakit.

    Ay! Kay sarap damhin ang lunas sa dibdib.

    Angkin ang panibagong lakas, inakyat ninyo

    Ang mataas at liku-likong talon ng Bagangan,

    Upang sa dulo'y pitasin ang kaygandang

    Mga bulaklak ng ilang-ilang

    At nang ito'y maialay

    Sa paanan ng Inang Bayang nagdurusa.

    Sa kanya na ang tanging lunas ay ang halimuyak

    At katas ng di pangkaraniwang bulaklak.

    Ay! Kay tamis ng sanghaya ng puspusang pakikibaka!



    Ngunit 'sang araw mga demonyong pasista'y

    Nagpaulan ng mga balang nakakasindak

    Pinatay ang inyong mga katawan, pero tandaan nila,

    Kailanma'y di mayayanig ang inyong paninindigan,

    Di kayo mamamatay sa alaala ng masa

    Hahandugan kayo ng kanilang mga awit at papuri

    Huhugasan ng kanilang luha
    Ang duguan ninyong mga katawan.

    Ay! Kay giting nyo'ng mga bayani

    Sa pagpapalaya ng ating bayang inaapi!



    Ka Bobit, Ka Ling, Ka Marly, ang mga katulad
    Ninyong nag-alay ng buhay
    Nagsisilbing gatong na nagpapalakas

    Sa lagablab ng apoy ng himagsikan!

    Tinatanggal ang mga kalawang at mali,
    Hinahasa ang sundang ng masa ng sambayanan.

    Mas malaki ang sugat, mas malalim ang
    Baon ng ulos sa dibdib ng higanteng mapang-api

    Ay! Bilang na ang mga araw ng itim na

    Agila sa kanluran!






    --------------------------------------------------------------------------------
    Maguboy-uboy-- malaking bundok sa Cateel, Davao Oriental

    Pangapugan-- malaking bundok sa Baganga, Davao Oriental

    Talon ng Sayapu-- paliguan ng mga babaylan para sa spiritual cleansing
    Si Ka Bobit ay kadreng lumad na pinaslang sa Caraga, Davao Oriental noong Marso,1999.

    Sina Kasamang Ling at Marly ay mga kadreng organisador na pinaslang ng mga berdugong militar sa Baganga, Davao Oriental noong Hunyo,1999.





  7. #77

    Default Re: Ang mga Balak ug Awit sa Pakigbisog

    Hinundayan, Gubatan, Kampalili & Other Peaks
    In memory of Ka Dags (Cesar Cayon), who guards these mountains

    Joven Obrero


    Was it like this in Hinundayan?

    Did the fog gently touch the mountains in farewell?

    Did the smell of alangilan fill the air?

    Did the wind weep in sadness?

    I stood on a slope and wondered how you fell.

    Even Mawe, our dear friend, would not tell.

    I heard they took your head.

    It doesn't matter. Let the enemy have their silver.
    It doesn't matter. Hadn't we known it would be like this?

    Had we not prepared ourselves for this?

    I close my eyes, still there is this wound that would not heal.
    Grieve, grieve no more, comrade.



    In another mountain called Gubatan

    We sowed our name on the land until it bloomed.

    Ay, what laughter passed

    Between us and the peasants

    As we learned their tongue, their heart,

    Singing songs of love and freedom.

    Do you remember how the fog danced when in
    The morning we tiptoed from the hut to touch hands?

    Your eyes went heavy with love

    When you sang to sleep our child.

    Grieve, grieve no more, comrade.



    In another age, another hill called Kampalili,

    Where streams are clearer, peaks are higher,

    We walk along the mountain path:
    Each wound, each grief is etched in memory.

    The child has grown, a young man walks,

    Sturdy and strong: how fast he climbs,
    Putting away the mist and fog, higher
    And higher still for the final hour,
    As the enemy detachment sleeps below,
    Awaiting death. The mountains soon
    Will enclose them, surprise the demons in their lair.

    The final reckoning, the people's war.
    Grieve, grieve no more, comrade.









    Hinundayan, Gubatan, Kampalili at Iba Pang Bundok

    Sa alaala ni Ka Dags (Cesar Cayon), na bantay sa kabundukang ito

    --------------------------------------------------------------------------------

    Salin



    Kagaya rin ba dito ang Hinundayan?

    Dumampi ba sa kabundukan, namamaalam, ang mga ulap?

    Ang alangilan ba'y humahalimuyak sa paligid?
    May luha sa likod ng haluyhoy ng hangin?

    Sa dalisdis ng bundok, inisip ko kung paano ka bumagsak.

    Ayaw magsalita kahit ni Mawe, kaibigang matalik.

    Narinig kong kinuha nila ang ulo mo.

    Kahit ano pa man. Kunin na ng kaaway ang kanilang gantimpala.

    Kahit ano pa man. Hindi ba alam na nating magiging ganito?

    Hindi ba inihanda na natin ang sarili para sa ganito?

    Sa kabila ng pagpikit-mata, may sugat na hindi humihilom.

    Huwag, huwag nang malumbay, kasama.



    Sa isa pang bundok, kung tawagi'y Gubatan,

    Ipinunla natin ang ating pangalan sa lupang namulaklak.

    Ay, kung anong kagalakan ang namagitan

    Sa atin at sa mga magbubukid

    Habang tinutuklas natin ang kanilang wika't diwa
    Habang ang puso'y umaawit ng pag-ibig at kalayaan.

    Naaalala mo ba ang nagsasayawang ulap sa umaga nang

    Mula sa kubo tayo'y patiyad na humakbang, nangungumusta?

    Ang mga mata mo'y namimigat sa pag-ibig
    Habang inihehele ang ating anak.

    Huwag, huwag nang malumbay, kasama.



    Sa isa pang panahon, sa munting bundok ng Kampalili,

    Mas malilinaw ang mga sapa, mas nagtatayugan ang kabundukan,

    Tinalunton natin ang landas sa bundok:

    Mga kawalan at sugat na di malilimutan.

    Ngayon ang bata'y lumaki na, isang binata na ang naglalakad,

    Matatag at malakas: mabilis siyang umakyat,

    Hinahawan ang mga ulap at hamog, umaahon
    At umaahon hanggang sa kataas-taasan.

    Sa ibaba, binabangungot ang destakamento ng kaaway,

    Naghihintay ng kamatayan. Mula sa kabundukan

    Papaligiran, sisindakin ang mga nakakubling demonyong

    Pagbabayarin sa huling paniningil ng digmang bayan.

    Huwag, huwag nang malumbay, kasama.







  8. #78

    Default Re: Ang mga Balak ug Awit sa Pakigbisog

    Ang Kamatayon Butang Nga Kamatuoran

    Kasamang Valdez


    Ang kamatayon butang angay hinumduman

    Sa mga kabus ug nilupigan

    Ikaw kanunay among gipangandaman

    Kay kon ikaw moabot dili namo matag-an.



    Unos sa kusog nga bul-og nga singgit sa masang gidaug-daug

    Kuyog ang ilang pangandoy'g tinguha nga maabo

    Kining dugay na nilang giantos nga kagutom, taliwala

    Sa kaaway nga mapintas pa sa tigre ug leon.



    Ang laraw sa birdogong kaaway pakigbisog pukanon

    Apan dili kapugngan dugoong pagsukol padayong molig-on

    Kay ang gatilyo sa pusil gihuptan sa mabagang tudlo

    Dungan niining kabliton sa walay puas nga buto.



    Kinabuhi sa kamatayon nagdungaw ug nagbung-aw sa kakuyaw,
    Bisan pa man niining tanan, dili igsapayan, kay ang dugay ng gisindihan
    Nga sulo sa paglaum karon miulbo ug misilaob ang kalayo ug mokoyanap
    Sa kinapungkayan sa taas nga pag-antus ug makasaysayang kadaugan.



    Ikaw kauban among gipahinungdan,

    Bisan subo ug sakit pamation sa among mga dughan,

    Ikaw dili na makita sa among panan-aw

    Apan ang imong lakang ug pangandoy mga kahayag sa mga damgo.



    Diha sa imong pagmata sa mabulokong kabuntagon,

    Ikaw madasigong mipahiyom ug miwara-wara sa mga kamot,
    Diha sa malipayong kabus uyamot, maoy buhing larawan ug handumanan

    Nga midulot sa among galamhan nga dili daling mahanaw.



    Kauban, sud-onga ang miduyog karon diha
    Sa imong kiliran, midagayday ang mga luha
    Ug nagbakho ang mga dughan,

    Timaan nga bahandi sa yutang kabiling imong gipakamatyan.



    Ang imong mga tunob mapatik sa kasaysayan,

    Kay ikaw mipanaw paingon ngadto sa lubnganan,

    Kasubo ug kamingaw dawaton ang tanan

    Kay ang kamatayon butang nga kamatuoran.


  9. #79

    Default Re: kelan kayo huling nagngitian nang walang dahilan?

    Quote Originally Posted by junenine
    What a beautiful piece annie, I love it... It reminds me of my younger years...thank you for sharing.
    no. thank YOU for even reading.
    hehe. hindi po ito bump, mods.

  10. #80

    Default BISIBIS, a Cebuano literary folio

    Maayong adlaw sa tanang Bisdak!

    Here's to inform everyone that BISIBIS (Balak, Inigmat, Sugilanon, ug Inigat sa Bisdak), a quarterly Cebuano literary folio published and edited by poet/Sun.Star Daily columnist and Weekend Magazine editor, Myke U. Obenieta, is now out with its 2nd issue. It only costs P10 and contains at least 10 balak from Visayas and Mindanao as well as sugilanon and an essay on the first Cebuano epic poem. Included here are new works by Ernesto Lariosa, Merlie Alunan, Cora Almerino, Temistokles Adlawan, among others

    Since 10 pesos is not much of a sacrifice to do your share in promoting Cebuano literature, Bisdak buffs are encouraged to buy more than one copy for their friends, etc. Salamat kaayo.

    Please call or text Mr. Obenieta at his office (255-2645 local 20 or through 0917-2694242.

    Mabuhi ang Binisayang katitikan!


    Anakbisdak

  11.    Advertisement

Page 8 of 25 FirstFirst ... 56789101118 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Replies: 431
    Last Post: 10-09-2015, 05:03 AM
  2. Replies: 97
    Last Post: 07-09-2012, 07:00 PM
  3. Replies: 19
    Last Post: 03-25-2011, 07:00 PM
  4. Replies: 266
    Last Post: 08-22-2010, 10:42 PM
  5. Mga Huni ug Awit sa Taga Cebu!!!!!!!!!!
    By iSTORYA in forum Music & Radio
    Replies: 106
    Last Post: 02-02-2007, 05:14 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top