Page 8 of 17 FirstFirst ... 567891011 ... LastLast
Results 71 to 80 of 166
  1. #71



    Lady pilot Maya Segovia becomes the third castaway to be voted off Survivor Philippines: Palau after getting the most number of votes in tonight's Tribal Council.
    Courtesy of GMA-7

    Survivor Philippines Palau Watch: Lady pilot Maya Segovia takes an early flight back home
    Erwin Santiago
    Friday, September 4, 2009
    11:21 PM
    Rating




    Hindi lubos na nakalipad ang lady pilot na si Maya Segovia pagkatapos siyang ma-vote off sa ikatlong Tribal Council ng Survivor Philippines: Palau.

    Si Maya ang unang miyembro ng Airai tribe na natanggal sa reality show ng GMA-7, pagkatapos niyang makatanggap ng anim na boto mula sa kanyang mga kasamahan.

  2. #72

    JC gets to strut his stuff at the Cosmo Bachelor Bash, but the model-turned-actor admits he gets butterflies under his six-pack abs just thinking it: "Siyempre, excited ako, pero kinakabahan din. Kasi, hindi mo alam kung ano ang mai-e-expect mo sa tao. Baka i-boo nila ko ru'n. Nakakahiya."
    File photo

    JC Tiuseco takes to the ramp at the Cosmopolitan Bachelor Bash on September 10
    Rose Garcia
    Sunday, September 6, 2009
    03:59 PM
    Rating




    Nakausap namin si JC Tiuseco kagabi, September 5, bago ito mag-work out sa Gold's Gym, bilang preparasyon niya sa nalalapit na pagrampa niya sa Cosmopolitan Bachelor Bash sa September 10 sa NBC Tent.

    Second time na raw ni JC sa Cosmo Bash, pero first time niyang mag-centerfold. Nung una siyang napasama rito in 2007, isa lang siya sa 69 Cosmo Men. Model pa lang siya noon.

    "Last year kasi, hindi ako nakasama dahil yun ang time na nasa Survivor Philippines ako. Yung 2007 naman, nagmo-model pa lang ako. Kaya ngayon, parang mas malaki ang pressure."

    Nakangiti man siya, pero aminado si JC na kinakabahan daw siya.

    "Siyempre, excited ako, pero kinakabahan din. Kasi, hindi mo alam kung ano ang mai-e-expect mo sa tao. Baka i-boo nila ko ru'n. Nakakahiya yun," natatawa niyang sabi.

    Ano ba ang mga preparations niya?

    "Actually, isa pa yun sa nakakaragdag ng pressure sa akin. Kasi, halos ngayon lang ako magsisimulang mag-work out. Hindi ako nakakapag-work out dahil kakatapos lang ng taping namin for Kung Aagawin [Mo Ang Lahat Sa Akin]."

    Baka confident naman kasi siya sa katawan niya?

    "Siguro, kasi kahit hindi naman ako nakakapag-work out regularly, mine-maintain ko naman yung sa kain ko. Pinipigil ko naman yung sarili ko kapag sobrang kumakain na 'ko."

    Last night, kasama ni JC na nag-work out ang iba pa niyang co-Mercartor talents na sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga na katulad niya'y mga featured centerfolds din ng Cosmo Men ngayong taong ito.

    KUNG AAGAWIN REACHING FINALE. Nag-final taping day na daw ang afternoon series niya na Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin. Basta abangan na lang daw ang ending nito dahil siguradong marami ang magugulat sa mangyayari.

    "Hindi ko pa sure kung ilang weeks pa siya ipapalabas, baka two or three weeks pa siya ipapalabas. Pero ang saya ng soap. Pati yung cast. Sobrang bonded kaming lahat du'n, pati mga crew, staff, ang babait."

    Kanino ba siya naging close sa show?

    "Actually lahat, e. Pati yung mga cameraman, kakulitan namin. Pati yung mga AD [assistant director], minsan, hirap na kaming umarte kasi tawa kami nang tawa. Sa cast, promise, lahat sila naging ka-close ko. Glaiza [de Castro], Rich [Asuncion], Jace [Flores]. Si Jace naman, matagal na. Si Patrick Garcia, hindi ko akalain na magiging ka-close ko, pero, mabait siya."

    Si Maxene Magalona ang kapareha niya, di ba?

    "Okey naman, okey naman si Maxene. Masarap siyang katrabaho. At saka, hindi siya nagagalit kahit madalas akong mag-buckle."

    GREAT EXPERIENCE. First serious acting job niya ang Kung Aagawin, kaya marami raw siyang natutunan at hindi makakalimutan sa show.

    "Actually, sabi nila, like sila Direk, sabi nila, patay raw ako kasi, mamimiss ko raw itong Kung Aagawin... kasi, ibang-iba yung nangyari sa amin. Parang sobrang saya, hindi ka mabo-bore sa taping, kulitan lahat. Mga staff, mababait. E, madalas daw hindi ganu'n.

    "Sa acting ko naman, kahit paano, maganda naman yung mga naririnig kong feedback, lalo na yung pa-last namin. Malaki na raw ang in-improve ko. Tulad ni Ms. Anne Villegas, yung acting coach namin, sinabi niyang malaki na raw ang in-improve ko. May mga scenes na nakakaiyak na 'ko. Yung ganoon, so, okey naman."

    So far, hindi pa raw niya alam kung ano ang ibibigay sa kanyang follow-up project ng network, pero regular pa rin naman daw siyang napapanood sa Unang Hirit.


    Mas gusto na ba niya ngayon ang acting sa hosting?

    "Pareho, e... kasi, like yung taping namin, Tuesday and Thursday. Kapag Tuesday, inaabot nang umaga. So, diretso na 'ko ng Unang Hirit, hindi pa rin ako nabo-bore. May energy pa rin ako. So, pareho ko lang silang nae-enjoy."

    PINOY SURVIVOR. Kinamusta rin namin kay JC ang Pinoy Survivor ngayon, kunsaan siya ang kauna-unahang Pinoy Survivor.

    Aniya, "Ang ganda! Ang ganda ng show nila! Actually, matagal akong hindi nakapanood. Puro taping nga. Pag-uwi ko, tapos na or hindi ko naabutan. Pero kagabi, nakapanood ako. At kahit hindi ako nakakapanood ng mga last episodes, noong pinanood ko kagabi, nakaka-excite pa rin kung bakit ganoon ang nangyayari. Maraming twist na nangyayari sa kanila. May ibang island pa na pinupuntahan ang natatanggal."

    Mas exciting ba sa tingin niya itong season ngayon kesa nung nakaraaan?

    "Siguro pagdating sa mga twist, mas exciting yung sa kanila kasi mas maraming nangyayari. Mas magulo sila ngayon kesa sa amin. Yung sa amin naman kasi, bago pa lang, so, ini-introduce pa lang sa audience, so, hindi puwede yung ganoon kagulo, malilito na ang mga tao."

    Nakikita ba niya ang sarili niya sa mga castaway ngayon?

    "Oo, e... kapag nanonood ako, nare-reminisce ko yung mga nangyari before."

    Wala pa raw siyang bet sa ngayon kung sino sa palagay niya ang tatanghaling survivor, pero kung sinuman yun, naniniwala raw siyang karapat-dapat lang.

    "Kung sinuman yun, naniniwala ako na na-experience rin niya kung ano ang na-experience ko or maybe more, baka mas nahirapan siya or mas nadalian siya. Siyempre, may common denominator na kami. Pareho kaming survivor, 39 days pareho at kung ano ang na-feel ko, na-feel niya rin. Kahit hindi ko pa siya kilala, siyempre, mas marami na kaming pagkakapareha."

    At this point, naniniwala naman daw si JC na kahit magkaroon ng bagong Survivor, kahit paano ay nakagawa na rin siya ng pangalan niya sa showbiz.

    "Okey naman, happy naman ako sa itinatakbo ng career ko ngayon. Marami naman ng naibigay na opportunity, mga projects, tapos, okey naman ang Kung Aagawin... mataas ang rating, so, happy naman ako du'n."

    Dugtong pa niya, "Hindi naman ako nagda-doubt na baka mapalitan or what, alam ko naman na aalagaan pa rin ako ng network at siyempre ng management ko."

  3. #73


    Actor and host KC Montero has been out of the local limelight for nearly two years. He was summoned back by MTV to be their main man for an upcoming project this October.


    Noel Orsal

    KC Montero has big MTV project in the Philippines
    Elyas Isabelo Salanga
    Sunday, September 6, 2009
    01:33 AM
    Rating





    After living nearly two years in the United States, actor and host KC Montero finally returned to Philippine soil and vocally expressed his pleasure to be back again. At the airport, he was interviewed by Startalk to know what his plans are.

    "I was summoned back," explained KC to Startalk last September 5, 2009. "I was summoned back by the company that owns MTV [Music Television] and I'll be doing something really big here in October and I can't say what it is, but they told me that they need me to be their main guy."

    KC is not alone, by the way. With him is his adopted son, Heaven. Thirteen-year-old Heaven is Geneva Cruz's child with former Introvoys drummer Paco Arespacochaga.

    "He's gonna be staying here for a bit, so it's cool for him to be reunited with his mom and live in the country for a while," smiled KC. When asked if he and Geneva have talked about having a child of their own, he said, "We actually talked about that and we're planning to do that. Maybe within this year. We'll see."

    It was once circulated that he and Geneva had called it quits. He debunked such rumors, saying, "Oh, no. That's not true. She's actually in the hotel, waiting."

    When confronted with the rumor that Geneva and champion boxer Manny Pacquiao had something going, he joked, "I wish! I love Manny! But that's not true. I guess I'm kind of weirdly honored 'cause I'm a huge fan of Manny, but I'm a bigger fan of my wife."

  4. #74

    GMA-7 telefantasya Darna, starring Marian Rivera, remains unbeaten in the primetime race.
    Noel Orsal

    AGB Mega Manila TV Ratings (Sept. 1-3): "Darna" is still unbeatable
    Erwin Santiago
    Friday, September 4, 2009
    07:49 PM
    Rating





    Here are the Top 10 daytime and primetime programs from September 1 to 3 based on the overnight survey of AGB Nielsen Philippines among Mega Manila households:

    September 1, Tuesday
    Daytime:

    1. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) - 27.3%
    2. Eat Bulaga! (GMA-7) - 26.4%
    3. Ngayon at Kailanman (GMA-7) - 24.3%
    4. Daisy Siete: Chacha Muchacha (GMA-7) - 20.9%
    5. Hunter X Hunter (GMA-7) - 14.9%
    6. Kambal Sa Uma (ABS-CBN) - 14.5%
    7. Wowowee (ABS-CBN) - 14%
    8. Spongebob Squarepants (TV5) - 12.2%
    9. Hole In The Wall (GMA-7) - 11.9 %
    10. Wonder Pets (TV5) - 10.5%


    Primetime:

    1. Darna (GMA-7) - 41.1%
    2. Tayong Dalawa (ABS-CBN) - 33.6%
    3. Rosalinda (GMA-7) - 31.4%
    4. 24 Oras (GMA-7) - 30.9%
    5. Adik Sa ‘Yo (GMA-7) - 30.6%
    6. May Bukas Pa (ABS-CBN) - 29.7%
    7. Survivor Philippines: Palau (GMA-7) - 28.6%
    8. TV Patrol World (ABS-CBN) / Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) - 28%
    9. Katorse (ABS-CBN) - 18%


    September 2, Wednesday
    Daytime:

    1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 28.2%
    2. Ngayon at Kailanman (GMA-7) - 25.3%
    3. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) - 25.2%
    4. Daisy Siete: Chacha Muchacha (GMA-7) - 21.8%
    5. Hunter X Hunter (GMA-7) - 14.7%
    6. Hole In The Wall (GMA-7) - 13.7%
    7. Pilipinas, Game KNB? (ABS-CBN) - 13.5%
    8. Kambal Sa Uma (ABS-CBN) - 13.4%
    9. Wowowee (ABS-CBN) - 13%
    10. Bleach (GMA-7) - 10.9%


    Primetime:

    1. Darna (GMA-7) - 37.2%
    2. Adik Sa ‘Yo (GMA-7) - 32.4%
    3. Survivor Philippines: Palau (GMA-7) - 31.4%
    4. Tayong Dalawa (ABS-CBN) - 31.2%
    5. Rosalinda (GMA-7) - 29.9%
    6. May Bukas Pa (ABS-CBN) - 28.7%
    7. 24 Oras (GMA-7) - 27.6%
    8. Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) - 27.2%
    9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 25.7%
    10. All My Life (GMA-7) - 20.3%


    September 3, Thursday
    Daytime:

    1. Eat Bulaga! (GMA-7) - 28.4%
    2. Kung Aagawin Mo ang Lahat Sa Akin (GMA-7) - 25.9%
    3. Ngayon at Kailanman (GMA-7) - 24.9%
    4. Daisy Siete: Chacha Muchacha (GMA-7) - 22.8%
    5. Hole In The Wall (GMA-7) - 18%
    6. Wowowee (ABS-CBN) - 14.2%
    7. Kambal Sa Uma (ABS-CBN) - 13.7%
    8. Game About Love (GMA-7) - 13%
    9. Hunter X Hunter (GMA-7) - 12.5%
    10. Precious Hearts Romances Presents Ang Lalaking Nagmamahal Sa Akin (ABS-CBN) - 10.8%


    Primetime:

    1. Darna (GMA-7) - 39.9%
    2. Rosalinda (GMA-7) - 32.6%
    3. Tayong Dalawa (ABS-CBN) - 31.4%
    4. Adik Sa ‘Yo (GMA-7) - 30.9%
    5. 24 Oras (GMA-7) - 30.8%
    6. Dahil May Isang Ikaw (ABS-CBN) - 27.8%
    7. May Bukas Pa (ABS-CBN) - 27.6%
    8. Survivor Philippines: Palau (GMA-7) - 26.5%
    9. TV Patrol World (ABS-CBN) - 24.8%
    10. All My Life (GMA-7) - 22%


    Source: AGB Nielsen Philippines

  5. #75


    Sarah Lara (right), representative of the international chapter of dongyanatics.org, turns over to Dingdong Dantes (left) cheques worth P1.2 million for the actor's YES Foundation.
    Elyas Isabelo Salanga

    Dongyanatics.org donates P1.2 million to Dingdong Dantes's YES Foundation
    Rose Garcia
    Monday, August 31, 2009
    02:45 PM
    Rating




    Sa TV special Dantes Peak ni Dingdong Dantes na ipinalabas kagabi, August 30 sa GMA-7, pormal nang ni-launch ang YES Pinoy Foundation, na itinatag ng aktor kasama ang ilang mga kaibigan. Ang naturang foundation ay naglalayong tulungan ang mga anak ng marines—lalo na yung mga namatay sa pakikipaglaban para sa bayan—sa pamamagitan ng pagbibigay ng edukasyon sa kanila. Ang ibig sabihin ng YES ay Youth, Education, at Service.

    Pero bago pa man ang launching ng YES Foundation ay nag-abot na ng kanilang tulong ang international chapter ng Dongyanatics Fans Club—isang grupo ng fans nina Dingdong at Marian Rivera. Ito ay naganap sa press conference para sa bookazine ni Dingdong noong August 25. Dumating ang dalawang representative ng dongyanatics.org upang personal na iabot ang kanilang post-birthday gift sa aktor, na nagdiwang ng kanyang 29th birthday noong August 2.

    Ito ang mensahe ni Sarah Lara mula sa U.S. para sa aktor: "Dong, in behalf of dongyanatics.org, we're giving you, YES Pinoy Foundation, 1.2 million pesos cash and cheques. And our birthday gift to you..." sabay abot ng isang box.

    Nasorpresa talaga si Dingdong sa ipinagkaloob ng kanilang fans ni Marian at may ilang segundo rin siyang hindi nakapagsalita. Ang ginawa ng aktor ay binasa muna niya ang nakalagay sa certificate na kalakip ng 1.2 million pesos na donation sa kanya at saka siya nagbigay ng mensahe.

    "From dongyanatics.org, global chapter," banggit ni Dingdong. "Si Sarah kasi, nagkakilala kami dati pa sa Amerika, nang mag-concert kami [ni Marian] sa Los Angeles. Magmula noon, constant na ang communication, kasi in touch talaga kami sa international chapter.

    "At noong malaman nga nila that there's this kind of foundation, 'eto, meron na. Like what I said, unang-unang donation na nanggaling sa dongyanatics.org. Thank you very much at sigurado akong maraming buhay ng kabataang Filipino ang mabibigyan ng pag-asa. Maraming panaginip nila ang matutupad dahil sa donation ninyong ito. In behalf of YES Pinoy Foundation, thank you very much sa donation ninyong ito."

    Ayon kay Sarah, ang 1.2 million pesos na naging donation nila for Dingdong's foundation ay ambag-ambag ng iba't ibang members ng dongyanatics.org.

    "Nag-ambag-ambag kami para sa birthday niya. Kasi, narinig namin na he's launching his first charity. I have a friend who's wealthy, so siya yung talagang nagbigay. And then, kaming ibang members, nag-contribute din kami," saad ni Sarah.

    Ang ibang members daw ng dongyanatics.org ay galing pa sa U.S.A., Middle East, Europe, at iba pang panig ng mundo.

    Nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong kung ano ang reaksiyon niya sa donasyon na ibinigay ng kanilang mga tagahanga, sinabi niyang kahit paano ay may idea siya na may intensiyon ding tumulong sa kanya ang fans. Hindi nga lang niya inaasahan na ganoon agad kalaki ang nalikom nila sa lahat ng members.

    "Nalaman ko naman dati na may intention to help at alam ko na magkakaroon ng... hindi naman exactly donation kundi contribution. Nakakagulat because this is a good way to start it. At talagang mas gaganahan ang mga tao behind YES Pinoy na magbigay ng education sa karapat-dapat. At magiging open book naman lahat. Everything that is given will be posted. Lahat makikita naman nila, updated sila. Especially sa mga nagbigay, ipapakita namin yung mismong development," sabi ni Dingdong.

    Pinabuksan din namin kay Dingdong ang box na naglalaman ng regalo ng Dongyanatics para sa kanya. Ito ay isang expensive Rolex watch. Alam daw kasi ng mga fans niya na isa sa mga weakness niya ay magagandang relo.

    "Makikita n'yo na palagi ko itong isusuot, lalo na sa Stairway to Heaven," nakangiting sabi ni Dingdong, na ang tinutukoy ay ang kanyang upcoming drama series sa GMA-7, katambal si Rhian Ramos.

    Dugtong niya, "Like I always say, it's not the material gift but it's... yung value niya, mas nagiging meaningful like, yun nga, galing pa sa iba't ibang bansa and it was handed to me kaya mas nagiging meaningful pa sa akin."

    In behalf of the dongyanatics, hiningan din ng mensahe ang representative ng club na si Sarah para sa kanilang idolo at kaibigan na si Dingdong.

    "Ang message namin, patuloy siyang tumulong sa mas mga nangangailangan na mga tao. Kasi, mas yun ang pinakamagandang maibibigay niya at maibabahagi niya, kasi nasa peak na siya ng kanyang career. Yung makatulong sa mga nangangailangan na mga kabataan," pahayag ni Sarah.

    Sa suportang ibinibigay ng mga fans nila, masasabi ba ni Dingdong na mahirap talagang bitawan ang team-up nila ni Marian?

    "Ay, hindi talaga, never, never... for life 'yan, for life," sambit ni Dingdong." At saka may dahilan kung bakit nabuo 'yang group na 'yan. It's because they show something. As long as naniniwala sila sa amin at nandoon pa rin ang respect namin sa isa't isa, at ang magandang pakikitungo namin sa organization at support din namin sa organization, I know that it will go places."

  6. #76
    Here’s the complete list of winners of the very first MTRCB TV Awards held Sept. 04 at Gateway Mall Cinema 5, Araneta Center, Cubao, Quezon City.


    Best News: Balitanghali, Hagupit ni Bagyong Frank (QTV 11)
    Children’s Show: Mustard TV (TV 5)
    Public Affairs Show: I-Witness, Ambulansyang De Paa (GMA 7)
    Comedy Show: Wow Mali (TV 5)
    Talent Show: Talentadong Pinoy (TV 5)
    Drama Special: Obra, Butch episode (GMA 7)
    Best Actor: Michael V. (GMA 7)
    Best Female Host: Jessica Sojo (GMA 7)
    Female Star of the Night: Isabel Oli
    Special Award for Environmental Protection
    Born to be Wild, GMA 7


    Congrats to GMA!!!
    Last edited by KASAAC; 09-08-2009 at 10:14 AM.

  7. #77
    congrats kapuso!!!!!!!

  8. #78
    si bitoy may best actor?

  9. #79

  10. #80
    ENCANTADIA

    This 2010

  11.    Advertisement

Page 8 of 17 FirstFirst ... 567891011 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. For Sale: Rod and reel plus freebies for 1k only
    By NiveD in forum Sporting Goods
    Replies: 8
    Last Post: 07-23-2012, 10:45 PM
  2. Looking For: House and lot/Town house for sale only in mandaue city
    By Micasa101 in forum Real Estate
    Replies: 1
    Last Post: 02-20-2011, 05:07 PM
  3. For Sale: Repost FAMOUS stars and straps Fitted cap for 600 only fix
    By Bonzter in forum Clothing & Accessories
    Replies: 0
    Last Post: 04-22-2010, 11:31 PM
  4. For Sale: mint zoom g2 and boss mt-2 for 4k only
    By ohoixmakoi in forum Music & Movies
    Replies: 14
    Last Post: 01-28-2010, 10:35 AM
  5. For Sale: ZBT Ride 22" and hi-hat 14" for 4k only.
    By Bonzter in forum Music & Movies
    Replies: 4
    Last Post: 07-01-2009, 02:07 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top