Page 4 of 7 FirstFirst ... 23456 ... LastLast
Results 31 to 40 of 62
  1. #31
    Elite Member gilbz's Avatar
    Join Date
    Jun 2006
    Gender
    Male
    Posts
    1,538

    Default Re: PCCI Papers


    @frances: ang pcci papers ang guarantee na pedigree (and walay "mix" along the way) ang dog na imong paliton. hence, if you intend to breed your dogs later, you can command a much higher price for your pups compared to those pups which dont have papers.

  2. #32

    Default Re: PCCI Papers

    Oic. Well, i have no intention of breeding him kay dad-on sad nako sa gawas ni pohon. But i wanted to make sure if i need to or not change the ownership in the PCCI papers kay naa baya grace period until when ko pwede change ownership before naa penalty. Sayang sad ang money if no need ra sad diay. Under breeders name pa ghapon sya plus the name of d dog is different from what im using now. Di man gud ko nahan sa iya name registered. Hehe (",)

  3. #33

    Default Re: PCCI Papers

    if walay date of transfer na giindicate sa back sa paper, walay penalty na ma incur..

  4. #34

    Default asa office sa pcci dnhi cebu?

    pila ang bayad kung mag pa papers ta sa dog?
    unsa un? kung ang dog kay gihatag ra nato?

  5. #35

    Default Re: asa office sa pcci dnhi cebu?

    Quote Originally Posted by carbrill
    pila ang bayad kung mag pa papers ta sa dog?
    unsa un? kung ang dog kay gihatag ra nato?
    check www.pccionline.org

  6. #36

    Default Re: asa office sa pcci dnhi cebu?

    ok thanks...

  7. #37

    Default About PCCI .... tinuod ni !


    Sent from: Joselito Rosales (pcciadvisory@gmail.com), just recieved to my E-mail.....

    Mga minamahal naming mga myembro ng PCCI:



    Heto na naman ang PCCI Board of Directors sa kanilang mga tactics sa darating na election ngayong Mayo, 2008.



    Para sa kaalaman ng lahat, Aming ipapa alam sa inyo ang buod ng pawang katotohanan sa mga Gawain ng mga Directors ng PCCI. Pinapa apruba ng PCCI Board sa mga Regular Members ang By-Laws, ayon sa patakaran, dapat ipinapadala nung April 17 pa via postal mail ang kopya ng By-Laws sa bawat rehistradong PCCI Regular Member para mabasa naming bago ma aprubahan sa election ngunit magpasa hanggang ngayon, WALA pa rin ang kopya ng mga By-Laws!

    Ano ito? SECRET? Puro SECRET dealing ang nangyayari sa PCCI.

    Sinara na ito para sa aming mga Regular Members. Pati ang audited Financial Statements na pinapa-apruba sa regular members ay hindi din nila pinapakita.



    Heto po ang mga Issues na dapat ninyong malaman bilang abang myembro ng PCCI:



    Isyu #1 Lahat ng perang binabayaran ng membro ay nasasayang sa mga walang kwentang projects ng mga PCCI direktors na sila mismo ang lumilikha para may pagkakakitaan sila.. Why keep on giving money to the PCCI when Directors lang ang nakikinabang? Ano ang pakinabang natin? Pedigree na P20. lang ang halaga sa pagimprenta tubong lugaw ang PCCI sa atin sa halagang P260! Ito ay sinisingil nila sa atin ng dalawang beses! Una, mula sa breeder, na mag imprenta sila ng Pedigree (kahit hindi naman kailangan) at pangalawang bayad ng P260 sinisingil sa new owner ng puppy. Eto ay ilan lang sa mga halimbawa kung paano gastusin ng PCCI Board ang pera natin para sa sariling kapakanan



    a) Pagbili ng dalawang lumang units sa Hillcrest Condo sa BPI na ang nag ahente ay kapatid ni Dinky Santos. Mahigit isang taon mula nung nabili ng PCCI ang dalawang condo units nakatiwangwang lang mga eto at hindi ginamit dahil hindi rin alam ng Board kung ano ang gagawin sa kanilang binili. Di naman nila talaga kelangan ang dalawang units na eto. Sayang lang ang commission kaya binili.

    b) Ang computerization program ng PCCI ay hindi para upgrade ang system nila pero para lang palitan uli ang mga computers. Hindi naman kelangan ng PCCI ng mamahaling computer system dahil ang processing ng pedigrees ay napakasimple lang. Pero dahil ahente isang PCCI direktor ng computer kelang niyang kumita. Hindi naman branded, mga generic computers lamang at ito ay binili ng PCCI sa preshong napakamahal P1.3M para sa isang server at dalawang laptops at ilan chop chops.

    c) Umabot ng higit sa isang million piso ang nagastos ng Presidente at Vice Presidente sa kanilang mga paglalakbay sa iba't ibang bansa sa loob ng dalawang nakaraang taon. Ngayon 2008 umalis nanaman sila papuntang Japan eto ang dahilan kung bakit huminto ang pag-post ni Erica Monolo (a.k.a. Dinky Santos)sa dogtracker dahil siya ay nasa Japan sa panahon na yon.

    d) Dalawang walang trabaho at walang hanap buhay na director ay biglang nagkaroon ng bagong kotse salamat sa PCCI

    e) Gumastos ang PCCI President ng kulang kulang na isang million piso para mag advertise sa mga leading dailies na ewan ko kung ano ang gusto niyang sabihin sa mensaheng "Show me your dog's papers and I will show you what kind of dog owner you are". Manay Dinky Santos (PCCI President), nag sayang ka na naman ng pera namin sa walang kakwentang kwentang ads. Sino ba si "I" na sinasabi mo Manay Dinky Santos? Ikaw? Umandar na naman ang pagka arogante mo! Humithit ka na naman ba ng droga? For sure . . . bangag ka na naman!



    Isyu #2 Last year and this year madaming padulas ang binayad ng PCCI sa Quezon City (business tax) para bawasan ang buwis na babayaran nila sa gobyerno. Pati PCCI ngayon ay kasapi na sa CORRUPTION in our local government of Quezon City! Kayang kaya naman bayaran ng PCCI ang income taxes ng city government pero namilit pa silang mandaya sa gobyerno. Sino ang mapapahamak kundi ang PCCI kung nagkasilipan na sa BIR. Sino ang magbabayad ng malaking multa pag nahuli sa tax evasion – Ang PCCI din. Kanino perang ang tinitipid nila? – Pera na dapat bayaran sa gobyerno mapupunta sa kanilang bulsa kaya atat na atat silang magbayad ng padulas para makatipid kuno ang PCCI nguni't ito ay may kasamang dagdag-bawas! Dagdag sa kickback, bawas sa PCCI funds na dapat ay savings ng PCCI as a corporation. Mga magnanakaw na criminal ang PCCI Board dahil lahat sila ay kasabwat sa hocus pocus ng tax scam na ito!

    Isyu #3 Hopeless na ang PCCI walang matinong tao gusto pumasok sa Board. Binago ni PCCI President Manay Dinky ang mga rules sa eleksyon para habang buhay na siyang manatili sa pwesto. Ngayon bawat gustong tumakbo sa Board of Directors, kelangan mag submit ng application. Walang qualifications kelangan ng tao para maging director kundi dapat may backer ka sa Board. Kung hindi ka nila kabaro, kakulay o kakampi, HINDI KA nila papasukin as a nominee. Kahit di nakatapos ng high school, walang trabaho o may kriminal record pwedeng mag apply. Kung ayaw nila sa mukha mo sori nalang di ka papasa sa screening committee na si Dinky mismo ang Chairman. Bawal daw sabihin ang rason kung bakit ka nareject secret daw yun. Ngayon kahit walang bumoto kay Dinky ok lang hindi na siya matatangal sa Board forever. Salamat po Bob "Garci" Castanos.

    Isyu #4 Sa sulat na pinadala ng Corporate Secretary na si Ting Bustos may mga questionable expenses na dapat magpaliwanag ang Board. Eto pa lang katiting na impormasyon nilabas ng Board may natuklasan na ilang irregularities ano pa kaya kung kinilatis ang libro ng club? Mga members dapat mag exercise tayo ng right to inspect the books para lumabas na ang totoo. Eto lang ang tanging paraan para to save the PCCI from certain doom.

    a) PCCI Multi Purpose Hall. Hindi pinaalam kung sino ang kontraktor ng banyo at VIP room dahil kamag anak eto ng isang Director. Sa halagang P512,101.00 ang nakuha lang ng PCCI ay ilan cubicles para sa apat na kubeta. Ang VIP lounge is anything but for VIPs ang ginawa lang ng kontraktor ay maglagay ng salamin na pinto, mumurahing tiles at isang 1HP airconditioner. To see is to believe! Tingnan niyo para makita nyo mismo kung sulit ang P512,101.00 na binayad ng PCCI dito. P393,374.00 siningil ng isang PCCI aspiring director para sa pagtanim ng carabao grass sa lote na 250 square meters. Di pa siya director tumatakbo pa lang sa etong eleksyon ng 2008 kumita na siya, kasabwat ng ilan mga nakaupong direktors…

    b) Hillcrest Condo renovations - Ang office renovations na nakakahalaga daw P2.5M ay talagang P5M nagastos. Kasi bawal sa PCCI By Laws ang single expenditure over P2.5M hinati ng Board ang gastos sa dalawang bahagi – P2.5M sa kontractor at P2.5M sa architect. Nakapunta na ba kayo sa opisina ng PCCI lately? Walang pagbabago kundi pininturahan ang paligid, nilagyan ng tiles ang sahig at ang mga lamesa pinturado na. Overpriced nanaman ang PCCI renovation may mga kumita nanaman dito.



    c) Real property taxes – ang buwis na binayad sa Marikina Showsite sa 2004 ay nakakahalaga ng P333,678; 2005 - P 375,975; 2006 - P375,975 pero sa 2007 naging- P1,064,038.00!!!! Paano lumaki na halos 300% wala naman pagbabago mula 2005 maliban sa nilagyan ng cubicles ang banyo at ang pagtanim ng carabao grass sa isang bahagi ng PCCI Activity center? May nabili ba ang PCCI Board na bagong property sa Marikina na hindi natin alam kaya lumaki na ganoon ang taxes? Wala naman silang maipakitang resibo galing sa Marikina government na P1,064,038.00 kasi padded nanaman ang expenses nila.



    Isyu #5 PCCI REIGN OF TERROR. Dahil wala na pag asa mabago pa ang PCCI. Ilang mga dog lovers ang naisipang mag tayo ng bagong club na kalaban ng PCCI. Eto na ang kasagutan at solusyon sa matagal ng daing ng mga members. Monopoly kasi eh wala kang ibang mapuntahan kung di ka masaya sa PCCI mag- tiis nalang ang tao. Ano ang ginawa ni Dinky? Imbes na magisip isip at magmuni muni kung paano pasiyahin ang mga PCCI members para di siya layasan, tinatakot naman niya tayo! Naglabas siya ng mga resolutions na patatalsikin niya ang sino man sasali sa kalaban.

    Que horror!!! Daig pa niya ang martial law. Napakalupit mo naman. Akala mo ba matatakot ang mga tao sa yo? Maari sa umpisa kasi pinagmamalaki ni Dinky na di tatagal ang bagong club kasi uubusin daw niya pera ng PCCI para pabagsakin niya eto. Hoy Dinky di mo pera yan ginagamit ha kung pagbutihin mo nalang kaya ang serbisyo sa members mas mura pa yan keysa gumastos ng million million para pabagsakin ang kalaban. Sino ang prinoprotectahan mo ang PCCI or ang kikitain ng PCCI na iyong binubulsa? Pag wala na pera ang PCCI wala ka na pambili ng shabu at bagong kotse. Dinky ikaw nalang kaya ang mawala sa PCCI so everybody happy!

    So it will soon be Goodbye to You Dinky doodle Dandy!!! Let us save the PCCI from further destruction.

    Be concerned. Be an Inquirer. Magtanong kayo sa bawat pisong tinataas singil nila sa atin!

    Ating protektahan ang interes ng PCCI, ito ay ATING CLUB at hindi pag aari ng mga Directors!








  8. #38

    Default Re: About PCCI .... tinuod ni !

    Not sure about the issue, if that is true those people should accountable and sent to jail if proven guilty....

  9. #39

    Default Re: About PCCI .... tinuod ni !


  10. #40

    Default Re: About PCCI .... tinuod ni !

    really? how sad... knsa man maka proved nga tinood ni...

  11.    Advertisement

Page 4 of 7 FirstFirst ... 23456 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Hair-Dyeing/Coloring~ Inquiries and Information
    By wormwood in forum Trends & Fashion
    Replies: 56
    Last Post: 05-14-2015, 07:36 AM
  2. The X-Men Universe~ Inquiries and Information
    By fingolfin in forum Arts & Literature
    Replies: 255
    Last Post: 11-01-2013, 02:10 PM
  3. YOGA~ Inquiries and Information
    By abat in forum Fitness & Health
    Replies: 140
    Last Post: 08-24-2013, 11:35 AM
  4. GOWNS~! Inquiries and information!
    By batterfly in forum Trends & Fashion
    Replies: 90
    Last Post: 02-07-2012, 08:50 PM
  5. On FM Radio: Inquiries and information
    By mcbernz007 in forum Music & Radio
    Replies: 15
    Last Post: 06-12-2008, 02:43 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top