Page 4 of 11 FirstFirst ... 234567 ... LastLast
Results 31 to 40 of 105
  1. #31

    murag si Marian Rivera.. english-paka ni sya?

  2. #32
    sagol2x na iya, mu ininglis mu tagalog, ambot kng mag binisaya

  3. #33
    PEP: Katrina Halili unanimous choice for Fedra - Wilma Galvante

    06/21/2009 | 01:23 PM

    | | More
    Nakuhanan ng Startalk ang pagpapatawag ng meeting ng SVP for Entertainment ng GMA-7 na si Ms. Wilma Galvante sa maituturing na pinaka-controversial Kapuso star ngayon na si Katrina Halili.

    Sa nasabing meeting kinumpirma ni Katrina ang pagbabalik niya sa telebisyon via the character role of Fedra in the newest primetime soap opera, Rosalinda, na nakatakdang ipalabas sa July.

    Malaki ang pasasalamat ni Katrina na kahit nasa gitna siya ng mga legal battles at controversy, hindi pa rin siya pinapabayaan ng network by giving her one of the most important roles in the said Mexican series adaptation.

    "Gusto ko pang magpasalamat siyempre sa GMA, sa support na ibinibigay nila sa akin. At saka, yun, back to work na 'ko. Sobrang excited na po ako dahil medyo matagal-tagal na rin po akong hindi nagtatrabaho. Yung last na ginawa ko pa, Gagambino, so, excited akong magtrabaho. Happy ako na yung GMA, nandiyan sila."

    Aminado si Katrina na nang magpunta siya ng GMA-7, hindi pa raw siya decided noong una na it's about time na for her to go back to work.

    "Tinanong po nila 'ko kung gusto ko nang magtrabaho. Kanina, hindi pa 'ko decided, pero siyempre, na-excite rin naman ako dahil sobrang excited rin nila na gusto na nila 'kong magtrabaho."

    Dugtong pa niya, "Basta, sa pagbabalik ko, sinisigurado ko po na magugustuhan po ng mga tao."

    BACK TO WORK. Aside from her TV project, tuloy pa rin daw ang pagre-remake niya ng pelikulang Miss X.

    "Matutuloy po, medyo kailangan lang ipa-lie-low ang mga issue, pero, tuloy daw po. Nag-meeting na po kami."

    Hindi ba makakaapekto sa kanyang mga trabaho ang mga kasong inaasikaso niya ngayon?

    "Sa ngayon kasi, pinapaubaya ko na sa mga attorney ko yun. At saka, nandoon na rin naman... pinapaubaya ko na sa kanila. It's about time na rin siguro na kalimutan ko muna yun at magtrabaho na ko."

    Umaasa naman si Katrina na sa kabila raw ng mga pinagdadaanan niya, hindi pa rin nawawala ang suporta sa kanya ng kanyang mga tagahanga.

    "Sana nandiyan pa rin ang mga taong sumusuporta sa akin."

    UNANIMOUS CHOICE. Mismong si Ms. Wilma naman daw ang nagpatawag kay Katrina at nag-alok dito ng role na Fedra.

    Ayon sa executive ng GMA-7, "Pinatawag ko siya since siguro it's about time for her to go back to work and may project naman na puwedeng magandang gawin niya. So she's going to be included in Rosalinda. Siya si Fedra. Malakas yung role na yun. It's a strong role at bagay na bagay sa kanya.

    "Maa-attack niya nang tamang-tama because the character she's called for is a very strong woman. So, start taping na siya immediately."

    Hindi naman itinanggi ni Ms. Wilma na marami nga raw sa mga artista ng Kapuso ang nag-a-aspire rin na gumanap bilang Fedra.

    "Marami talaga ang gustong makakuha ng role na Fedra. Pero, matagal naming pinag-isipan. Unanimous naman na gusto nilang lahat. At pinaka-importante that she will, her presence will contribute very strongly to the scene."

    Nakita naman daw niya na naging masaya si Katrina sa panibagong opportunity na ibinigay ng network dito.

    "Masaya siya when I told her it's hers. She wants it, it's primetime, it will happen soon. It's about time she will work again. Sumaya naman siya, naiyak nga siya." - Philippine Entertainment Portal

  4. #34
    Katrina thankful for second chance in showbiz

    06/24/2009 | 12 MN

    | | More
    Matapos ang unos na pinagdaanan dahil sa *** video scandal, positibo na ang pananaw ni Katrina Halili sa kanyang pagbabalik trabaho bilang kontrabida sa inaabangang telenobela sa Kapuso Network na “Rosalinda."

    Dinayo ni entertainment reporter Nelson Canlas ang taping ng cast ng “Rosalinda" sa Taal, Batangas na pinagbibidahan nina Carla Abellana, na gaganap sa papel ni “Rosalinda" at Geoff Eigenmann na leading man bilang “Fernando Jose."

    Si Katrina naman ang gaganap sa karakter ni Fedra na magpapahirap sa buhay ni “Rosalinda."

    Inihayag ng seksing Kapuso star na masaya siya sa kanyang pagbabalik sa trabaho matapos ang mga kontrobersiya na pinagdaanan nitong mga nagdaang linggo.

    “Actually before nang malaman ko pa lang na may ‘Rosalinda’ sinabi ko talaga na gusto kong mag-‘Rosalinda,’ gusto kong mag-‘Fedra’ do’n, so happy naman ako na sa akin nabigay," sambit ni Katrina sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Martes.

    Positibo na rin daw ang pananaw ng aktres sa buhay matapos ma-depress sa naranasan niyang iskandalo sa pagkalat ng kanyang maselang video sa Internet.

    “Medyo masaya na dahil marami na naman akong tao na nakikita. Kasi medyo nakulong lang po ako sa bahay noon," idinagdag ng aktres.

    Dahil sa patuloy na suporta ng publiko, sinabi ni Katrina na ibibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa ikalawang pagkakataon niya sa showbiz.

    Samantala, patuloy naman daw kinikilala ni Carla at Geoff ang isa’t isa upang maging komportable sila sa kanilang mga eksena.

    “We’re really getting to know each other and ang goal ko po as of now is to be very comfortable with him. So kung mayroon kaming eksena walang ilangan. I guest po ganun na rin ang mapupuntahan, ‘di ba? Pero sa ngayon slowly adjusting," paliwanag ni Carla.
    “Every day you learn new about each other so friends lang muna kami. We’re taking it slow, both focus on our work," sambit naman ng gwapong si Geoff. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

  5. #35
    ay sus pareha rag beauty ni marian uy sum-ol

  6. #36
    Quote Originally Posted by Motownkid View Post
    murag si Marian Rivera.. english-paka ni sya?

    yeah i agree..frog nawng sila..hehehe

  7. #37
    Naunsa nmn diay si Marian Rivera? Ngano wala nmn ni gihimo siyag Rosalinda? LAOS nah?! hahahaha.

  8. #38
    makatawa mn sad ta apil ani hehehe

  9. #39
    Quote Originally Posted by EvenStar View Post
    daghan ni sa hubo2x nawonga.payter pod!
    asa ni dapt nga hub02 bro?.Adt00n nko..ü

  10. #40
    She's a lovely lady, however in my humble opinion she just appears to me a bit more mature in looks than her actual age.

  11.    Advertisement

Page 4 of 11 FirstFirst ... 234567 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. MERGED: All About Shoes
    By tooot in forum Trends & Fashion
    Replies: 523
    Last Post: 09-25-2018, 02:50 PM
  2. Merged: All About Ukay-Ukay
    By James Semaj in forum Trends & Fashion
    Replies: 631
    Last Post: 09-25-2018, 07:33 AM
  3. Replies: 4380
    Last Post: 11-21-2016, 02:04 AM
  4. MERGED : All about "cool off"
    By wandering-mind in forum "Love is..."
    Replies: 204
    Last Post: 08-21-2016, 05:53 AM
  5. Replies: 1273
    Last Post: 12-09-2008, 08:46 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top