Page 3 of 8 FirstFirst 123456 ... LastLast
Results 21 to 30 of 74
  1. #21

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...


    @archer... its a curse man.. its a curse

    im still going to watch Ak'ho lei'gol waf dis pm at ayala...

  2. #22

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    Quote Originally Posted by exudos
    @archer... its a curse man.. its a curse

    im still going to watch Ak'ho lei'gol waf dis pm at ayala...Â*

    grabeh ka CURSE maka ning2x!!!

  3. #23

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    all ur moviehauses r belong to us...
    LOL
    mura man cheat sa warcraft!

  4. #24

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    so yeah...I watched Mulawin...uhhmmm....I wonder what the CEB were smoking to have given it an A rating...

    mind you I am not familiar with any of the Mulawin and Encantadia series...so I might miss out on something...

    pero I'm sure those people above would find this movie thrilling.

    I like the musical scoring of this movie, especially the melodic "Ikaw nga" treatment.

    The cinematography and SFX though...a bit too Tv-ish, like those "Hala! klaro wa gyud ma igo" or "haha! kalaro SFX" kind of fight scenes and SFX comments you've been accustomed to fantaserye, Exodus had better battle choreography and SFX treatment.

    like i said, di ko tig follow sa series, so the movie starts with richard trying to recover memories for himself and that of angel...
    I got really bored sa first part, just found it too dragging and tedious, kibaw man gyud ko na mag kadayun mong angel, richard, bistang unsang pang achuhu imo gibuhat para maka remeber si alwina, bwisit nimo oi, maytag gi stab na to nimo ang ugatpak sa iyang head and let the story move na.

    and I just don't find richard guiterres that apealling and convincing sa character na aguiluz.
    daghan kaayo siyag mug shots, na limpyo ug flawless kaayo ug nawng. Alwina FTW though!

    the encatadia characters were also just like cutouts or added for extra marketing poly crossover, ngano gi apil paman sila sa film, I'm sure sa TV series somehwere hisgot sila "Pirena! remember ka atong ni sideline sa ta kadyot sa mulawin na movie?"

    somehwere in the movie, Alwina wake up saying "Nasan ako? nasa Encantadia ako?" I thougth to myself the reply to that was "Yes, the other TV series that replaced yours...b1tch"

    The Tres Aves group weren't so tough...evident, during the "TEST" that they gave to aguiliz and the others...what a bunch of weaksauce characters. too bad...they had potential though.

    it's not entirely THAT BAD gyud, i'm sure young ones will find it enjoyable and fans of the series too.
    but for me, I find the movie's pace dragging and tedious, coupled with such PLAY-like dialog, I wasn't attached to any of the characters, not even that final fight scene, the suppode TWIST near the end wasn't taht gripping, and in the middle of the movie...I fell asleep...

    The Dragon was cool though...a bit stiff iya animation...pero this ain't LOTR calibur sfx.

  5. #25

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    Quote Originally Posted by iamdede
    all ur moviehauses r belong to us...
    LOL
    mura man cheat sa warcraft!
    actually ithe quote was from a SEga Genesis game called Zero wing...so much bad translation...it was funny.

    http://www.newgrounds.com/portal/view/11940

  6. #26

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    considering that mulawins and ravenas are bird people, they do seem to do most of their fighting in the ground....

    word...

    Richard sucks as an actor.

  7. #27

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    unsa maning mmff.. nga mag hatag award mao pa pag pasalida sa movie.. its like they decide who wins.. bisan wala pa ka watch ang mga tao??.. laina gud.. murag bati gyud.. binogo..

    pasabta daw ko beh..

  8. #28

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    kanus-a mani mahuman ang MMFF? wa man ta tay labot oi CEBU manta oi di manta MANILA...waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

  9. #29

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    mahuman ang MMFF when all of mankind has been wiped out of it.

  10. #30

    Default Re: METRO MANILA FILM FESTIVAL 2006, all ur moviehauses r belong to us...

    na bwisit sa mulawin, from http://hardcorepoetry.blogs.friendst...ardcorepoetry/

    SPOILERS AHEAD





    sinesinukob # 1:mulawin

    At tulad ng ke Echegaray, e temporary restraining order lang pala ang pagsasabing hindi kami manonood ng Mulawin. Natuloy rin kami. Sa amoy Jollibeeng sinehan sa Alabang Town Center
    kami nanoood. Alam mo na kung anong uri ng manonood ang sumugod para manood ng Mulawin –mga hindi usual ATC crowd, kundi mga taong SM na napagsarhan ng sinehan sa Southmall.

    At tulad ng inaasahan ko e, panget ang putang ‘nang Mulawing ‘yun at unang araw pa lang ng taon e napupuno na ng murderous rage ang puso ko. Nag-iisip ako ng malulupit at masasakit na kamatayan para sa mga taong hindi ko pa nakikita sa buong buhay ko. Hindi ka dapat nagkakaroon ng ganitong pakiramdam sa mga estranghero pagkatapos mong manood ng sine.

    Alam ninyo yung maiingay na kupal sa sinehan? Yung mga tipong nanonood ka ng horror e sisigaw ng “Awooooo†bilang patawa? Muntik-muntikan na kong mag-ala ganoon sa sobrang pagkabuwiset sa basurang nasa harapan ko. At ang mga obserbasyong ‘to e halos ipagsigawan ko sa loob ng sinehan. Dapat parangalan ako sa matagumpay kong pagtitimpi nang isang araw at nakapaghintay akong sa blog ko na laang iexpress ang pagkabuwiset ko sa buhay.

    Ang mga dahilan kung bakit mas gugustuhin mo pang inatake ka ng allergy, hindi ka makahinga, at halos mamatay ka na sa ospital kesa manood ng Mulawin:

    1. Special effects na gawang kike. Actually dapat e self-explanatory na ‘to. Kung kayo e nakapanood na ng mga pelikulang shinoot sa blue screen, gumamit ng motion capture, etc., tulad ng Star Wars, LOTR, Matrix, at o sige na nga Harry Potter, e alam ninyo nang milya-milya na ang layo nila sa ‘tin. Ngayon pa lang nadidiskubre ang apoy sa ‘tin e naimbento na nila ang laser surgery.

    Halimbawa:

    1.1 Bwarka –tamang-tama ang pangalan ng walang kwentang halimaw na ‘to. Malamang e mapapa-bwark ka rin at maisusuka ang popcorn na kinakain mo. Anong klaseng lumilipad na higanteng halimaw ang hindi umaatake? Nasa ere lang siya’t naghihintay na sugurin siya ng Tres Aves. Gagamitin ko uli ang Reign of Fire (hindi ko’to paborito, wala lang magamit na halimbawa) bilang halimbawa. Kitang-kita mo kung paano mag-interact ang mga dragon sa environment at sa mga karakter. Dahil sa kawalang kwenta ng effects na ‘to e hindi nila magawang pasugurin ang Bwarka sa lupa, sa kinaroroonan ng mga Mulwain warriors. At mukang ki-nat ang paste lang mula sa kung anumang video game ang Bwarka at inoverlapan ng mga Tres Aves.

    1.2 Honeymoon sa ere –sa honeymoon sa kasal nina Aguiluz at Alwina e hindi natitinag ang kanilang mga buhok, lalo na si Alwina. Aba
    e paikut-ikot sila sa himpapawid at naghahalikan e parang ginamitan ng timba-timbang hair spray sa tigas ang buhok ni Alwina. Yun nga lang sumakay ka ng bus na hindi aircon, hahanginin na ang buhok mo muka mo at kung saan-saan ‘pag binuksan mo ang bintana. Sana pinagawa nila ang animation ng buhok niya sa gumagawa ng animation ng mga buhok sa shampoo commercials ng Unilever para maging mas makatotohanan.O baka naman walang wind sa kanilang realm.

    1.3 to 1.93857435684732598479654769 Magkakahaba pa kung iisa-isahin ko pa ang mga special effects na gawang kike. Tutal given na ‘yan. Wag nang pag-usapan.

    2. Frat war –“Para sa kapayapaan!†sigaw ng mga Mulawin at Encatadia warriors. Akala mo namang napakaepiko ng paglalaban nila. Aba’y mas marami pang nasangkot sa finale ng mga pelikulang anting-anting ni Ramon Revilla kesa sa “digmaan†ng mga Mulawin at Ravena. Anong klaseng gera
    ang me tigbebenteng sundalo sa magkabilang panig? Digmaan ba ‘yun o sagupaang ng fraternities ng Mulawin at Ravena? Aba’y mas madugo pa ang Akrho vs. Tau Gamma riyan e. Aba’y mas marami pang napatay ang mga Ninja Kids! Aba’y mas marami pang namatay sa balita sa 24 Oras. Aba’y mas marami pang _____________ (insert your own example).

    Sa lagay na ‘yan e me nag-cross over pang mga taga-Encatadia at Hathor na ‘yan. Kung hindi sumulpot ang mga ‘yun na galing sa isa pang TV show, pupwedeng sa basketball na lang nila pagpustahan ang pag-aari ng lugar na pinag-aawayan nila, tulad ng ginawa sa Space Jam.
    Hindi ba sila makakakuha ng ganoong karaming artista? Aba e noong panahon ni FPJ nakakuha sila ng sandamukal na ninja-like warriors laban ke Panday. Sa dami ng tambay ngayon e makakarami rin sila ng gugustong umekstra. Kahit hindi nga mabayaran yung mga yun basta makita laang nila ang mga paborito nilang artista e pwede na.
    (Basahin ninyo lang yung part na sinabi ni Tres, kung matitiis ninyong hanapin mula sa santamabak na oooohhhs at ahhhhs ng mga bulag na tagasunod ng palabas na 'to)

    2.1 Malaking tiyan ni Alan Paule -harapin natin ang katotohanan. Hindi nila kinuha si Alan Paule dahil sa husay nito sa akting dahil ang role niya e sobrang liit pipwedeng ke Richard Merck na laang ito ibinigay. Kinuha siya sa kadahilanang gay-magnet siya. nakita ko na siya sa personal at namputang kagwapo. Sobrang gwapo e naintindihan ko kung bakit me mga bading at bakit siya sikat sa bading. Ngayon e malaki na ang tiyan niya, hindi nna siya kasing-gay-magnet nang tulad ng dati. Sana pinag-sit-ups muna nila 'to bago gampanan ang role niyang gay-magnet. Tutal nariyan na si Richard Guttierez, hindi na rin kelangan ng gay-magnet. Para ka niyang kumuha ng Pido Jarencio, samantalang meron ka nang Reggie Miller. Dapat ang ipinambayad sa kanyang talent fee e ipinambayad na laang sa extrang warriors para dumami ang mga 'to at magmukang digmaan at hindi away-kanto laang ang movie. Kunsabagay, maghanap laang sila ng santamabak na fans na tulad ni Tres e pwede na silang pumuno ng isang Araneta Coliseum.

    3. At nabuhay siyang muli –Aba’t mukang mamatay si Aguiluz! At oo nga’t namatay si Aguiluz. Kala ko e parang sa Beast Master kung saan namatay yung cute na rodent. Pero sa ending e nanganak naman yung babaeng rodent ng ilan pa kaya masaya na rin. Kala ko e parang ganun kasi sabi sa built-in pregnancy kit ni Alwina na balahibong nagkulay pula e positive siya. A baka mamamatay si Aguiluz pero meron silang anak kaya me part two pa rin. Sabi ko sulit na rin ang ginastos ko kasi masasksihan ko naman ang kamatayan ni Aguiluz.

    Pero puta binuhay rin siya ng gintong binhi, ang katulad ng gintong binhing bumuhay ke Ravenum. E di pati si Bagwis, at kung sinu-sino pang “nagbuwis ng buhay†e pipwedeng mabuhay uli sa pamamagitan ng gintong binhi.

    4. Gintong binhi -Ganun naman pala e! Gintong binhi lang ang kelangan e di humanap sila ng mga magsasaka at pagtanimin nila ng halamang namumunga ng gintong binhi. Hindi na nila kelangan ng sugo. Pag me namatay, subuan agad ng gintong binhi. Ganoon laang kadali. O kaya e subuan na agad ng gintong binhi ang lahat ng mga Mulawin warriors at tuwing mamatay sila e automatic na mabubuhay sila ala-resurrection leaf sa video game na Tenchu.

    Ang dapat na hinanap ni Pirena e kung saan nalibing si Satanas, yung ginampanang role ni Charlie Davao sa Lumaban Ka, Satanas na pinagbidahan ni Ramon Revilla, Sr. Kung si Satanas ba ang kinuha nila e ‘di mas malakas ang pwersa nila.

    5. Hindi usong security guard –bakit me security guard ang mga banko? Para hindi manakaw ang mga pera ng investors. Bakit me security guard sa mga museum? Para hindi manakaw ang mga magagandang gawa ng sining. Meron kang mahiwagang puno na ‘pag namatay e nangangahulugan ng kamatayan para sa inyong lipi. Ano ang lohikal mong gagawin? Palibutan ito ng mga mala-Lito Lapid na security guard para hindi ito maatake ng mga kalaban. Pero hindi, mas gusto nila yung ideya ng pabayaan ang Puno ng Mulawin at maghanap ng dalwaang sugo para magligtas sa kanila kesa mag-hire ng security guard at magsasaka.

    6. Masamang sistemang body disposal –isang taong TV series na pinahirapan ang mga Mulawin ng mga Ravena sa pangunguna ni Ravenum. Noong namatay ‘to e inilibing lang nila sa “sikretong†libingan. Pero natuklasan pa rin ni Pirena noong ginamit niya ang tungkod ni Imaw at siya’s binuhay muli sa pamamagitan ng gintong binhi. Kung inililihim nila ‘yun ibig sabihin e ayaw nilang merong magkaideyang buhayin pa yun muli. Kung hindi sila nagsuspetsa e di sa Mulawin Public Cemetery na lang nila yun inilibing. Kung ang hangarin nila e huwag na ito makita’s mabuhay pang muli ala-Jestoni sa Huwag Mong Buhayin ang Bangkay e di dapat e pinagpira-piraso nila ng bangkay nito, giniling, ginawang longganisa at ipinakain sa mga natitirang Ravena para SIGURADONG HINDI NA ITO MABUBUHAY! At yun din dapat ang ginagaaw sa film reels ng pelikulang ito para siguradong hindi na ito maipapalabas magpakelanman!

    7. Tangang paggamit ng powers –Noong binasbasan ng mga engkantada sina Alwina at Aguiluz sa kasal e binasbasan nila ang alampay ni Alwina para hindi tablan ng anumang sandata. Bakit alampay (*alampay -mala-scarf na telang ibinabalabal para hindi ginawin ang taong gumagamit nito) laang e kaliit-liit noon? Bakit hindi pa kapote na laang ang binasbasan para walang tumama? O kaya e ang buong balat na lang para hindi na tablan ala-Superman. Sana nabasbasan din ang ulo ko para hindi sumakit sa parusa ng panonood nito. Isama ninyo na rin ang Bwarkang tatanga-tanga ang paggamit ng powers, although mas limitasyon sa effects ang pumigil doon kaya tingnan na lang ang entry #1.1.

    8. Tangang stratehiya –sabihin nating ikaw e lalaban sa isang Math quiz laban sa isang taong napakahusay sa Math. Ang gamit niyang calculator e solar. Saan mo hahamunin ng quiz bee ang kalaban mo kung meron kang choice? Sa kweba sa hatinggabi. At mas maganda kung iiskedyul mo sa date na merong total lunar eclipse. Yan ang tamang strategy. Kung ang kalaban mo e si Aquaman, saan kayo maglalaban? Siempre hindi sa karagatan. Dadalhin mo siya sa disyerto. KUNG ANG KALABAN MO E NAWAWALAN NG PAKPAK ‘PAG SUMISIKAT ANG ARAW, HAMUNIN MO SIYA NG SQUARE NANG ALAS-DOSE NG TANGHALING TAPAT!

    Sa puntong ito pa lang e nakakapag-init na ng ulo e. Bakit me nagagawa pang ganitong palabas? Meron pa rin kasing nanonood at merong nahahatak na manood sa pamamagitan ng guilt trip! Kung walang bibili ng tae walang magtitinda ng tae! Ganoon lang kadali. At masakit mang tanggapin, e maraming nag-eenjoy na Pinoy sa kakakain ng tae.

    ‘Ika nga ni Jun-Jun kahit mga Bumbay na kapapanget ang palabas sa cable matatawa ‘pag napanood ang mga telefantasya natin. Nakakatawa rin siguro ‘tong Mulawin kung hindi ikaw ang gumastos ng P110 bawat ticket.

    __________________________________________________ ____


    Mulawin didn't deserve the A rating.

  11.    Advertisement

Page 3 of 8 FirstFirst 123456 ... LastLast

Similar Threads

 
  1. Metro manila film festival films!
    By ToKiTa in forum TV's & Movies
    Replies: 0
    Last Post: 02-02-2012, 06:13 PM
  2. 2009 Metro Manila Film Festival
    By sharkey360 in forum TV's & Movies
    Replies: 68
    Last Post: 01-14-2010, 07:06 AM
  3. Replies: 2
    Last Post: 01-06-2010, 10:12 AM
  4. Replies: 41
    Last Post: 12-31-2008, 12:29 PM
  5. Metro Manila Film Festival 2006
    By tagatisa in forum TV's & Movies
    Replies: 56
    Last Post: 01-06-2007, 08:22 PM

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top