Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast
Results 21 to 30 of 42
  1. #21

    Quote Originally Posted by langkelang View Post
    Ayon kay Bob Ong,

    1. "Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

    2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

    3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

    4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

    5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

    6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

    7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

    8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa."

    9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

    10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

    11. "Hindi porke't madalas
    mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

    12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totong
    mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

    13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

    14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

    15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

    16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

    17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin
    ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

    18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan
    para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

    19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

    20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

    21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."
    i love all these quotes

  2. #22
    ...allowed ang erasures...

  3. #23
    nice nice.........

  4. #24
    C.I.A. hyori's Avatar
    Join Date
    Jun 2010
    Gender
    Female
    Posts
    2,004
    Blog Entries
    1
    Quote Originally Posted by langkelang View Post
    11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

    i strongly agree with this!

  5. #25
    Elite Member LAPA's Avatar
    Join Date
    Jun 2009
    Gender
    Female
    Posts
    1,642
    2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."



  6. #26
    Banned User
    Join Date
    Jul 2010
    Gender
    Male
    Posts
    4,341
    Quote Originally Posted by langkelang View Post
    Ayon kay Bob Ong,


    10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

    tinuod ni? murag minais ra man tingali ni nga analysis oi...hehehe.

  7. #27
    maka relate jud koh sa mga quotes ai....haizt love....

  8. #28
    "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakatakot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang tanga ka.."

    ^^^^^^^^
    i agree with this hehehehe

  9. #29
    have read 3 of his books...can't forget this because my partner once said this to me kato nanguyab pa siya then ako gibalibaran


    "KUNG AYAW MAY DAHILAN, KUNG GUSTO MAY PARAAN."

  10. #30
    Elite Member k-bai's Avatar
    Join Date
    Apr 2008
    Gender
    Male
    Posts
    1,033
    two thumbs upppppppp...

  11.    Advertisement

Page 3 of 5 FirstFirst 12345 LastLast

Similar Threads

 
  1. Post your favatorite Love Quotes/Jokes in text messages
    By princezehc in forum General Discussions
    Replies: 2
    Last Post: 05-26-2023, 04:20 PM
  2. Mga QUOTES ni BOB ONG.
    By abloyboat in forum "Love is..."
    Replies: 88
    Last Post: 05-24-2013, 10:52 AM
  3. MERGED Love Quotes
    By archezyet in forum Relationships (Old)
    Replies: 309
    Last Post: 04-08-2010, 08:22 PM
  4. Replies: 40
    Last Post: 01-10-2008, 05:15 AM
  5. Movie love quotes
    By doce_pares in forum "Love is..."
    Replies: 17
    Last Post: 06-29-2006, 08:47 PM

Tags for this Thread

Posting Permissions

  • You may not post new threads
  • You may not post replies
  • You may not post attachments
  • You may not edit your posts
  •  
about us
We are the first Cebu Online Media.

iSTORYA.NET is Cebu's Biggest, Southern Philippines' Most Active, and the Philippines' Strongest Online Community!
follow us
#top