
Originally Posted by
ritsche villadolid
dugaya sad mo balik willie oy,akoa mama mao ra kalipay watch during lunch time,apil sad siya hilak usahay agik-ik sad ug katawa
Hapit na..
ambot lng asa nga station..
http://www.pep.ph/news/26512/Willie-...k-in-September
Willie Revillame promises to make TV comeback in September
"Ipinapangako ko, hindi matatapos ang taong ito, magkikita tayo araw-araw."
Ito ang iniwang pangako ng TV host na si Willie Revillame sa panayam sa kanya ng showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi, na ipinalabas noong Linggo, August 15.
Dagdag pa ng dating host ng Wowowee, "
Gagawa ako ng paraan na makasama kayo. Hindi ko sasabihin kung ano ang commitment, pero by September, kung anumang channel yun, araw-araw. Ibinibigay ko na ang buhay ko sa obligasyon ko dito."
Kaugnay ng pangakong ito ni Willie, may kumalat na balita ngayong araw, August 18, na sa TV5 muling mapapanood si Willie. Ayon pa sa report, kaparehong format ng Wowowee ang gagawin niyang show, kung saan makakasama raw niya ang ilang dating staff at dancers ng dati niyang noontime program sa ABS-CBN.
Pero pinabulaanan naman agad ito ng TV5 sa pamamagitan ng statement na ipinadala nila sa PEP kaninang hapon: "TV5 denies reports confirming that Willie is all set to do Wowowee on TV5."
MASS RESIGNATION. Sa panayam pa rin ni Willie sa Paparazzi, nilinaw nito ang balita na nagkaroon daw ng mass resignation sa Wowowee nang hindi natuloy ang pagbabalik niya sa show noong July 31, 2010, at kanselahin na ito nang tuluyan upang palitan ng panibagong noontime show—ang Pilipinas, Win Na Win!.
"Hindi ko masasabing mass resignation, kasi ang sumama sa aking staff, sa pagkakaalam ko, ay kalahati," sagot ng controversial TV host. "Kahapon 'yan [August 13]. Sila din naman ang humingi ng meeting na ito, e. Gusto akong makausap, e.
"So, sinabi ko sa kanila na, 'Basta ako, may mga plano ako. Kung sasama kayo sa plano ko, hindi ko kayo pababayaan.' Sabi ko, 'Kung ano ang sinusuweldo ninyo sa ABS, dadagdagan ko pa ng 20 percent."
Habang wala pa raw ang bagong show, aalagaan na sila ni Willie. Sabi raw nito sa grupong kumawala sa ABS-CBN, "'Wala kayong ginagawa, susuwelduhan ko kayo.' Ginarantiya ko sila.
"Kasi yung nakita kong pagmamahal nila sa akin, at para i-risk ko na rin yung buhay nila para sa pamilya nila, ano ba naman 'yan? Kung may naipon man ako, sama-sama kami. Hindi naman ako naniniwalang in a year's time, mawawalan ako ng trabaho. Darating din naman siguro isang araw na may trabaho ako, at gusto ko silang kasama.
"Actually, nag-resign ang sampung dancers, may writers na tatlo diyan. Yung BUH [Business Unit Head na si Jay Montelibano], yung utility rin, medyo nahati. Ang sabi ko sa kanila, 'Pag-isipan ninyo 'to, 'pagdasal n'yo ito. Kung nasa akin kayo, hindi ko kayo pababayaan kahit anong mangyari. Wala kayong trabaho, may suweldo kayo.'"
Nangako rin si Willie na hindi matutuldukan ang kanyang TV career.
"Itutuloy ko lahat ng gusto kong gawin. Unang-una sa lahat, yung obligasyon ko sa aking mga kababayan na may gusto sa akin, magpasaya, gumawa ng paraan at makatulong, gagawin ko pa rin yun... Yun ang importante dito; hindi yung istasyon, hindi ako. Yung mga tao. Sila ang magdedesisyon, e. Sila ang bumuboto, sila ang may gusto sa iyo, sila ang pumipindot ng remote.
"Ako, I believe na hindi sa istasyon, hindi sa camera, nasa sa tao. Kahit anong ganda ng istasyon mo, kahit anong ganda ng kamera mo, ng set mo, pero wala kang taong minamahal at pinaniniwalaan, balewala ang istasyon," pahayag niya.